THE SPY

219 10 0
                                    

Second day ng pag spy (2 days after nung sinundan niya si Karylle sa St. Lukes)

Nakaparada ang kotse ni Billy sa tapat ng studio ni Jhong sa kabilang kalye ang salon ni Karylle. 3pm yun. Hindi lumalabas ng kotse si Billy nag mamasid lang s'ya sa paligid. Nagulat siya nang may kumatok sa bintana ng kotse niya mismong sa driver's seat.

Nanlaki ang mata niya nang makita niya kung sino ang kumatok. Ibinaba niya ang bintana ng kotse.

"Vhong! Anung ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Billy.

"Ako dapat ang nagtatanong sa iyo n'yan!" Sabi ni Vhong na yumuko pa at tiningnan ang loob ng kotse baka may kasama ang pinsan.

"Trabaho 'to." Sagot ni Billy na ibinalik ng atensyon sa salon. "Eh ikaw."

"Dyan lang yung studio ni Jhong" nginuso pa ni Vhong ang studio na nasa tapat lang ng pinaparadahan ni Billy.

Nagningning naman ang mata ni Billy sa narinig "Talaga?" tanong nito. "Background check lang dugtong pa nito na hinimas himas pa ang baba.

" At sino naman sa mga nasa salon na yan ang puntirya mo?" tanong ni Vhong na ngayon ay nakasandal na sa likurang pinto ng kotse at naka crossed arm pa.

"Bunganga mo naman! Puntirya agad. Subject yan ang mas appropriate na tawag." sabi ni Billy na kinumpas kumpas pa ang kamay sa hangin.

"Oh sige subject na kung subject. Sino ba ang sawimpalad?" tanong ni Vhong na nakangisi pa.

"Confidential hindi pwedeng sabihin!" nakatuon pa rin ang atensyon ni Billy sa salon. Lumabas naman si Coleen mula sa salon.

"Woah! Witwiw" (sipol ni Billy yun). Dali-dali niyang kinuha ang telescope at sinipat ng maigi si Coleen.

Tatawa-tawa naman si Vhong habang pinapanood ang ginagawa ni Billy. "s'ya ba ang subject mo?"

Inalis ni Billy ang telescope sa mata at inihagis sa upuan sa tabi n'ya. " Hindi, marunong lang ako mag appreciate ng beauty." sabi ni Billy na sinusundan ng tingin ang paalis na si Coleen.

"Maniac mode on!" sabi ni Vhong

"Naku,naku,naku! Nagsalita ang anghel!" pailing-iling na sabi ni Billy.

"Oh eh di It's a tie!" sabi naman ni Vhong at sabay silang nagtawanan.

***

Hindi namamalayan ng magpinsan na may nakamasid sa kanila sa loob ng salon.

"Tingnan mo si Jake ang sama ng tingin kay fafa Vhongzkie." bulong ni Matt kay Jegs kaya napalingon naman ang huli kay Jake. Pagkatapos ay sa labas ng salon.

" Three pogi spotted!" malanding sabi ni Jegs na kinikilig-kilig pa. Kasama na kasi ni Vhong at Billy si Jhong.

***

"Basta pare pormahan n'yo na lahat isama n'yo na mga bakla dun wag lang si Karylle ha akin na yun!" sabi ni Jhong sa magpinsang Billy at Vhong. Biglang naalala ni Billy ang talagang pakay n'ya kung bakit s'ya andito.

(spy mode ON!) "Sino naman si Karylle?" tanong ni Billy kahit ang totoo eh kilala na n'ya ang dalaga yun nga lang hindi siya kilala nito dahil iniistalk niya lang si Karylle.

"Yung may ari ng salon na yun." nginuso pa ni Jhong ang salon.

"At sa akin naman si Anne yung pinsan ni Karylle." singit naman ni Vhong.

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon