"Holy cow!"sabay-sabay na chorus ng team vice. Sabay lapit kay Vice.
Tumayo si Vice sa kama para pag sasabunutan ang mga bakla ngunit natigilan sya nang magtilian ang mga bakla.
"Aiyyyeeeeee!" -Buern
"Ehmeged" -Russ
"What the f*ck" -Archie
(Napa sign of the cross)-Aaron
"Wala na!" Bernard
Ang lahat ay nakatuon sa iisang direksyon. Tama! sa ibabang parte ni Vice. Kinuha ni Vice ang unan at yun ang pinantakip dito, saka itinuloy ang pagsabunot isa-isa sa mga bakla gamit ang isang kamay.
"Mga walang hiya kayo bakit n'yo ko iniwan!" Sabi ni Vice habang sinasabunutan ang mga bakla.
"Aiiiiiyy! Meme kalma ka lang!" Sabi ni Russ.
"Pakalmahin mo rin muna si jun-jun!" Si Aaron na naka peace sign pa kay Vice. Ngunit pinanlakihan naman sya ng mata nang huli.
"Hindi ka namin iniwan meme, nanlibre lang ng balot si Vhong sa labas!" Sabi naman ni Archie.
"Nagbilin pa nga kame kay Bernard na sabihin sa'yo na nasa labas lang kami tapos nakita namin lumabas ka kasama yung magandang merlat na yun." Paliwanag ni Buern.
"Eh bakit di n'yo ko tinawag? Alam n'yo naman lagi ang sagot ng talanding yan!" Nginuso pa ni Vice si Bernard.
"Eh sabi kasi nung kasama nung merlat na naki sleep over dito pinapasabi mo daw na uwi na lang kame." Parang batang paliwanag ni Russ.
"At naniwala naman kayo!" Mataray na sabi ni Vice.
"Eh panung hindi kami maniniwala eh kasama n'ya ang boylet mo." Kakamot-kamot ng ulo pa si Aaron.
"Sabi mo pa nga daw wag kayong abalahin dahil may importante kayong pag-uusapan nung merlat na kasama mo eh." Dagdag pa ni Archie.
"Aaaaarrrggghhh!" Sigaw ni Vice habang ginulo-gulo ang sariling buhok.
"Kumota ka naman dun sa merlat eh. Infairness bagay kayo." Pang aasar ni Buern pataas taas pa ito ng kilay.
"Eiih! Eeiih!" Umakto si Vice na diring diri sa sinabi ni Buern. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Pareho kaming babae noh!" Pasalampak na naupo si Vice sa kama pagkatapos ay humiga.
"Pareho kaming girl kaya kung ano man yang nasa utak n'yo tigil-tigilan n'yo na!" Sabi ni Vice na ngayon ay ginawa pang unan ang dalawang kamay. "Isa akong babae na nakulong sa katawan ng isang lalaki." Dagdag pa nito.
Nagmake face naman ang mga bakla. "Masarap ba?" Tanong ni Archie humiga pa ito sa tabi ni Vice.
Kunot noo namang humarap si Vice kay Archie halatang hindi nito na gets ang ibig sabihin sa kanya.
"Masarap bang chumorva ng merlat?!" Halos sabay-sabay na turan ng team Vice.
"Mga gago!" Sigaw ni Vice sabay tayo sa kama upang paghahampasin ng unan ang mga baklang kanina pa nang aasar sa kanya.
"Walang nangyari sa'min!" Singhal ni Vice halatang pikon na.
"Ooohwws?!" Hindi naniniwalang sagot ng mga bakla.
"Deny pa more." Sabi ni Aaron.
"Try harder." Si Russ na naka ngisi pa.
"Gaga sobrang hard na nga ni jun-jun pagpasok natin dito kanina eh." Pang aasar pa lalo ni Buern.
BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?