"Okey sige Anning. Yun lang ba? Sige sige okey ingat bye."
Masayang tinungo ni Karylle ang kitchen ng salon pagkatapos nilang mag usap ni Anne sa phone.
Pinag didikdik siya ng bawang ni Anne dahil gumawa ito ng lumpiang sariwa ngunit nalimutan n'ya dalhin yung bawang. Mabuti na lang at may mga sangkap sila sa pagluluto sa salon dahil dito na sila nagluluto ng pagkain imbis na umorder sa fastfood.
Habang nasa kusina si Karylle dumating naman sina Billy.
"Good morning beautiful ladies" bati ni Billy sa staff ni Karylle kaya napalingon naman ang lahat.
"NOT SO GOOD morning." bati rin ni Jake kay Billy na talagang pinagdiinan pa ang salitang NOT SO GOOD nang makita kung sino ang kasama ni Billy.
Nagtaasan naman ang kilay nina Matt at Jegs at nagpalitan ng makahulugang tingin.
"Di ba yan yung kabayong bakla na nanlait sa tin nung nag bar tayo?" tanong ni Jegs kay Matt.
"Tururut! At anong ginagawa nyan dito bakit kasama nya si fafa Billy?" Sunod-sunod namang tanong ni Matt.
Nahalata naman ni Vice na iba ang tingin sa kanya ng staff ni Karylle kaya siniko nya ng mahina si Billy para humingi ng saklolo.
"Guys this is Mr. Jose Marie Viceral ang pamilya nila ang may ari ng Viceral Mall. Meron syang business proposal kay Ms. Karylle." Pakilala ni Billy kay Vice.
"Kaya pala ubod ng yabang eh kasi mayaman." sarkastikong bulong ni Matt kay Jegs.
"Hindi lisensya ang pagiging mayaman para mang apak ng tao." sabi ni Jegs na hindi nakaligtas sa pandinig ni Billy at Vice.
"Any way nasan nga pala si Ms. Karylle?" tanong ni Billy nang mapansin na wala si Karylle at upang mabawasan ang tensyon. Ngunit ang mata nya ay nakatuon kay Coleen.
"Nasa kusina sya." sagot naman ni Coleen.
"Ah... Pwedeng pa CR?" si Vice parang sasabog na ang pantog nya sa sobrang kaba.
"Pasok ka sa pintong yan tapos kanan." bigay ng direksyon ni Jake.
"Thank you." Sumenyas naman si Vice kay Billy na hintayin lang sya nito at tinungo na ang CR.
Paglabas ng CR ni Vice biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Nakita nya si Karylle. Sa kusina ng salon. Nakatalikod ito kaya hindi sya napansin. Kahit kinakabahan lumapit sya dito. Sumandal sa gilid ng pinto at nag crossed arms. Huminga ng malalim.
"Hoy kulot!" medyo napalakas ang boses ni Vice kaya naman...
"Ay KABAYO!" gulat na bulalas ni Karylle.
"Alam ko! Iannounce ba! Baka gusto mo pa mag mic? Sabi ni Vice na iwinawagayway pa ang kamay.
Kahit nagulat sa kung sino ang taong tumawag sa kanya ng kulot pilit pinakalma ang sarili.
"What are you doing here? Bakit ka ba kasi nanggugulat? And don't you know this place is off limits? Sunod-sunod na tanong ni Karylle, hindi nya inaasahang magkikita pang muli sila ng baklang ito. At of all places sa mismong salon pa nya.
"Grabe naman 'to daming tanong. Naki CR lang bawal ba?" May tonong pagtatampo ni Vice.
"So tapos ka na mag CR? Alis na!" pagsusungit ni Karylle.
"Ang sungit naman." nagpout pa si Vice. Kahit sinusungitan sya ni Karylle pilit na lang nyang inuunawa ito baka dala lang ng pagbubuntis ang kasungitan nito. Nang malaman kasi nyang buntis si Karylle pinuntahan agad nila ni Billy ang dalaga kara-karaka.

BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?