ASO'T PUSA

217 10 0
                                    

          Binato ni Karylle ng unan si Vice (sapul sa ulo). "Aray ko naman!"

          "For sure ikaw ang nagdala sa kin dito!" Mataray na sabi ni Karylle.

          "Ay hindi! yung mga kasama mo hinatid ka dito at itinabi ka sa'kin!" Pambabara ni Vice. "Malamang ako nagdala sa'yo dito sa bahay ko dahil iniwan ka ng mga kasama mo masama siguro ugali mo!" Dagdag pa ni Vice.

          "Hindi nila gagawin sa 'kin yun! Malamang kinidnap mo ko. Tama kinidnap mo ko dahil may balak kang gahasain ako!" Pasigaw na sabi ni Karylle.

          "Huwaaaaw! Kaloka 'to. Ako pa ang may balak ha! samantalang ikaw tong panay ang pang aakit sa akin kagabi." Depensa naman ni Vice. "Tama! Plinano mo 'to! Kagabi ka pa parang linta na dikit ng dikit sa'kin! At sa CR natatndaan mo siguro yun?" Sarkartikong tanong ni Vice.

          Natahimik saglit si Karylle dahil totoong parang linta syang dikit ng dikit kay Vice kagabi pero hindi n'ya ito plinano. Aasarin lang talaga nya si Vice. Yun nga lang tinalo  sya ng kalasingan kaya wala na syang kontrol sa nangyayari.

         Sinamantala naman ni Vice ang pananahimik ni Karylle. "Kita mo na eh di natahimik ka! Ikaw ang may kagustuhan nito at ikaw ang gumahasa sa akin!" Pabaklang sabi ni Vice.

          Nanlaki ang mga mata ni Karylle sa mga sinabi ni Vice. "Kung plinano ko 'to bakit andito ako sa bahay mo? Sinamantala mo ang kalasingan ko para magawa mo ang kamanyakan mo!" sigaw ni Karylle.

          "Kung pinagsamantalahan kita bakit ikaw ang nasa ibabaw nung magising tayo?" Depensa naman ni Vice.

           Pinamulahan ng mukha si Karylle sa sinabi ni Vice. Tinangka ng dalaga na tumayo para sabunutan si Vice ngunit natalisod ito sa kumot na nakapulupot sa katawan n'ya. Pabagsak syang naglanding sa  katawan ni Vice. Napahiga si Vice at napaibabaw nanaman sya sa binata. Awkward ang posisyon nila ngayon kaya mabilis din silang bumangon. Hindi na nag aksaya ng panahon si Karylle agad pinulot ang mga damit at nagtungo na sa banyo upang magbihis.

           Nagmamadali din na nagbihis si Vice. Paglabas ni Karylle sa banyo dire-diretso ito sa pinto maagap naman syang nahawakan sa braso ni Vice. "At san ka pupunta?" Mataray na tanong ni Vice.

          Tiningnan ni Karylle yung braso n'yang hawak-hawak ni Vice then she gave him a death glance.

"Bitaw!" Sigaw ni Karylle.

          Hindi naman nagpatinag si Vice. Pwersahan nyang hinatak si Karylle paupo sa kama.

          "Ano bang problema mo?" Tanong ni Karylle.

          Vice crossed his arms above his chest. "Hindi pa tayo tapos!" At nagtaas pa ito ng isang kilay.

          Tumawa naman ng nakakaloko si Karylle. "What?  Hindi ka pa ba nakontento sa pananamantala mo sa 'kin kagabi at gusto mo pa ng round two?" Pang aasar ni Karylle.

          "Assumera! Kaloka 'to! Hindi yun ang ibig kong sabihin!" Pagtataray ni Vice. "May utang kang babayaran sa kin!" Patuloy nito.

          Kumuno't ang noo ni Karylle "Utang?"

          "Oo at malaki ang utang mo sa akin!" Ipinatong ni Vice ang isang paa sa kama sa tabi ni Karylle at bahagyang inilapit ang mukha sa dalaga.

          Itinulak naman sya ni Karylle. "Hoy baklang manyakis wala akong utang sa'yo!"

          "Anong wala? Ako ang nagbayad sa mga nilaklak ng mga katropa mong sunog baga!" Sigaw ni Vice.

          Natigilan si Karylle. S'ya kasi dapat ang magbabayad ng ininom nila kagabi ngunit nalasing sya kaya hindi na nya nagawang bayaran. "Bakit hindi pa ba sapat yung ginawa mo sa kin kagabi?" Pagdadahilan nya.

          "Hoy babaeng lukaret kotang kota ka na sa kin kagabi ha! Ako na nagbayad ng nilaklak nyo tapos.... tapos..." hindi maituloy ni Vice ang gusto sabihin.

          "Tapos? Tapos na! uuwi na ko!" Tumayo na si Karylle at desididong umuwi na.

          "Kinuha mo ang puri ko! Virgin pa ko!" Nakapikit si Vice nang sabihin ito.

          Natigilan si Karylle muling humarap kay Vice. Pinihit ni Karylle si Vice paharap sa kanya at buong pwersang itinulak sa kama (BOOM plakda!).

          Dinamba ni Karylle si Vice sa kama. "Ganito ba ang gusto mong kabayaran?" Sabay lapit ng mukha nya kay Vice.

          "Hoy wa-wala akong sinabing ganyan ang hi-hinihingi kong ka-kabayaran ha!" Pautal-utal na sambit ni Vice. Tense na tense sya sa ginagawa ni Karylle. Muli nanaman nyang nararamdaman ang kakaibang pakiramdam na un.

         Inilapit ni Karylle ang mukha kay Vice. Napapikit na lang si Vice dahil mukang desisido talaga si Karylle sa gagawin.

          Biglang tumayo si Karylle at dumiretso na sa pintuan. Pagbukas nya ng pinto (BOOM BAKLA!) Ang Team Vice mga patay malisya ngunit halata naman ni Karylle na nakikinig ang mga ito. "Tabe!" Sigaw ni Karylle. Awtomatikong nag give way naman ang mga bakla.

          Pagkarinig ni Vice sa sigaw ni Karylle bigla syang nagmulat ng mata at mabilis na tumayo. (Uy ang bakla humopia!)

          Paglingon nya sa pinto ng kwarto nagulat sya ng makita ang team Vice na nakatakip ang mga kamay sa kanilang bibig.

To be continued mga bhebe...

          Paktay caught in the act si Vice malamang katakot-takot na pang aasar nanaman ang gagawin ng mga hitad na yun!

Vote! Vote! Vote!
mamylheng ☆
☆ ViceRylle babies ☆
♥♥♥♡♡♡♥♥♥

     

        

         

         

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon