PAMINTA

416 14 4
                                    

Ngayon ang araw na napag-usapan nina Vice at Karylle na magkikita sa Viceral mall. Inalok kasi ni Vice si Karylle na mag lagay ng branch ng K_ganda Salon sa Viceral mall.

"Asan ka na?" tanong ni Vice sa kausap sa kabilang linya.

"Paalis pa lang ng bahay". Tugon ng nasa kabilang linya.

"Luh, before lunch ang usapan 15 minutes na lang lunch time na." pabaklang sita ni Vice sa kausap.

"Eh kumain pa kasi ako ng lunch magastos kasi kung dyan pa ako kakain." depensan nito.

"Karylle hindi ko alam kung sadyang kuripot ka o sadyang slow lang eh. Obvious naman na before lunch kita pinapunta meaning treat kita." inis na sabi ni Vice.

"Naku nakakahiya naman, isa pa hindi pa naman ako pumipirma sa kontrta malay mo magback out ako. Parang tinatamad na nga akong umalis eh. Haaay! Nakakaantok." Sabi ni Karylle na kunwari pang naghikab.

"Karylle naman eeehh!" Parang batang pagmamaktol ni Vice. "Sige subukan mong wag pumunta ako ang pupunta dyan at bubuhatin kita papunta rito." may himig pagbabanta na dugtong pa ni Vice.

"Joke lang 'to naman. Bawal na ba mag joke ngayon? Eto na nga paalis na kami ni Anne." sabi ni Karylle habang binubuksan ang pinto ng kotse sa passenger side.

"Okay, ingat. See you later!" nakangiting sabi ni Vice.P

"Bye!" si Karylle. (end off call)

"I love you!" sabi ni Vice habang nakatingin sa phone nya.

"Memmmeee!" sabay-sabay na sigaw nina Russ, Buern, Archie, Aaron, at Bernard na nilalantakan ang bitbit na saging.

"Ay kabayo!" gulat na sambit ni Vice na kamuntikan nang mabitawan ang phone n'ya.

"Meme hindi tayo magkalahi." sabi ni Buern na inilapag ang dalang relyenong bangus sa center table ng office ni Vice.

"Tama kasi ako kabayo ikaw kalabaw." nakangising sabi ni Vice. Na ibinulsa ang phone nya.

Napapout si Buern sa sinabi ni Vice.

"Sino ba ang ina-I love you mo? Yang phone mo yung kausap mo awhile ago?" tanong ni Russ na inilpag naman ang kanin katabi ng relyenong bangus.

"Pinagsasabi mo?" patay malisyang tanong ni Vice na kinuha ang sinigang na hipon kay Archie.

"Nako,nako,nako,nako,nako meme, ganito pa nga sabi mo oh. I love you!" sabi naman ni Archie na ginaya ang aksyon ni Vice kani-kanina.

Napa smirk naman si Vice. "Siguro lagi kayong nag ka-cutting sa subject nyong values education? O kaya kamag-anak nyo si Chiz." sarkastikong tanong ni Vice..

"Chiz Escudero?" tanong ni Aaron na inilapag na sa mesa ang one point five na sprite at fried chicken.

"Chiz Mosa!" mataray na sabi ni Vice. "Tantanan nyo nga ako." sabi Vice pagkatapos ay chineck kung kumpleto na ba lahat. "Asan yung saging? " tanong ni Vice at tiningnan isa-isa ang team Vice.

Napalingon ang lahat kay Bernard na isinubo ang last bite ng saging. Napansin na lang nya na nakatingin ang lahat. "Wala na!" nasabi na lang nya.

"Bakit mo inubos yan?" tanong ni Vice habang kinukurot ang tagiliran ni Bernard.

"Aray aray meme. Eh kakain naman na tayo di ba?" palusot ni Bernard habang namamaluktot dahil sa kurot ni Vice.

"At sino naman nagsabi na kasama kayo sa kakain?" mataray na tanong ni Vice habang nakapamewang pa ito na nakaharap kay Bernard.

Nginuso naman ni Bernard sina Buern, Archie, Aaron at Russ na ngayon ay may kanya-kanya nang hawak na pinggan. Sasandok na sana ang apat ng pagkain nang...

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon