ONLY ONE RULE

153 3 4
                                    




Pabiling biling sa higaan si Jhong hindi sya makatulog. Hindi pa rin n'ya lubos maisip na ang babaeng pinakamamahal n'ya ay nagdadalantao na at ang masama gawa pa ng isang bakla.



"Naging ganun ba talaga ako kabagal na pati bakla naunahan na ako sa babaeng mahal ko?" Tanong ni Jhong sa isip n'ya.





Bigla s'yang bumalikwas at umupo sa gilid ng kama. Naalala n'ya ang usapan kanina sa salon.






Flashback.....




"Anong plano nyo?" Tanong ni Anne na nagpalit-palit ang tingin kay Vice at Karylle.


"Well syempre gagamitin ng baby ko ang surname ko." Sabi ni Vice. Magsasalita pa sana si Vice ngunit biglang nagsalita si Karylle.


"Lahat ng suporta bilang ama ibibigay nya sa anak ko. Pero hindi kami magsasama bilang mag-asawa." Nakangiti pa si Karylle nang sabihin ito.


Lingid sa kaalaman ng lahat biglang sumimangot si Vice at nagrebolusyon ang kalooban. "Well syempre hindi ko kayang mag-asawa ng girl baka tuluyan na akong isumpa ng sangkabaklaan nyan." Pilit ang ngiting sabi ni Vice.


"Bakit naman ako? May anak ako pero pinakasalan ko rin ang ina ng anak ko." Sabi ni Chiok habang inaabot ang bayad ng costumer na nirebond nya.






"Mukhang hindi naman keri ni Karylle ang makapag asawa ng beki eh." Nanunuksong sabi ni Vice. "Pano kung ikakasal kami eh baka magsabunutan pa kami kung sino ang mag weweding gown." Pabirong dugtong pa nito at nagtawanan ang lahat.





"Hindi naman sa hindi ko keri. Ang akin lang naman, ayokong makasagabal sa kaligayahan mo. Alam ko namang lalaki ang gusto mo di ba?" Tanong ni Karylle habang nakatingin kay Vice.





"Ta-tama ka lalaki nga ang bet ko kaya walang kasalang magaganap sa amin ni Karylle." Nauutal na sabi ni Vice na sa tono ng pananalita ay may halong pagkadismaya.





MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon