THE PROMISE

386 9 0
                                    

"Happy anniversary babe!" Masayang bati ni Vice sa nobyo.

"Happy anniversary too babe. I love you!" Sagot naman ng nobyo sa kanya.

Second year anniversary na nila ngayon walang mapagsidlan ng kaligayahan ang dalawa habang sinecelebrate ang kanilang anniversary.

Nasa isang hotel sila na pag-aari ng pamilya ni Vice kaya naman VIP sila dito.

"Babe I have something to tell you." Malambing na sambit ng kanyang nobyo.

Parang naexcite naman si Vice sa narinig.

"Ayyieee.. babe naman eh ." Kinikilig habang pinapakurap kurap pa ang mata ni Vice.

"Bakit babe papayag ka na bang magbuntis ako?" -si vice

"Anu ka ba babe, wala kang matris nakalimutan mo na ba?" Nakangiting sambit ng nobyo nya.

"Joke lang 'to naman..nag papaalis lang ng kaba." Malanding sabi ni Vice.

"Babe magpapaalam muna ako sayo, pupunta muna ako sa Canada kay ate may kayla...." pinutol na ni vice ang sasabihin ng nobyo.

"Oh eh di pupunta tayong dalawa. Sasama ako." Masiglang sambit ni vice.

"Babe nakalimutan mo na ba na ayaw sa yo ni ate?" Tutol ng nobyo.

"Pasensya na nagiging makakalimutin na ata ako." Napakagat si vice sa ibabang labi nya. Kinakabahan na si Vice sa kahahantungan ng pag-uusap nla ng nobyo..

Humugot ng malalim na pag hinga ang nobyo bago muling nagsalita. "Isang taon lang naman babe."

"Whaaaaat?" Gulat na tugon ni Vice, "isang taon? Babe naman? is this some kind of a practical joke?" Luminga linga si vice na mukhang may hinahanap.

"Teka asan ang camera? " tumayo pa si vice at naghanap ng camera.

Hinawakan sya ng nobyo sa kamay at hinila paupo sa kandungan nito. Niyakap sya ng nobyo mula sa likod habang nakakandong si vice sa kanya.

Nakaramdam naman ng kilig si vice sa ginawa ng nobyo. Kaya mahal na mahal ni Vice ang nobyo dahil sa mga simpleng gesture ng nobyo ay napapakilig na sya nito. Mahal na mahal din sya ng nobyo kahit pa kontra ang buong pamilya nito sa kanya dahil nga bakla sya. Pero masaya ang nobyo sa piling nya kaya naman hindi sya nito iniiwan.

"May kaylangan lang akong ayusin. PROMISE lagi tayong mag i-skype." Malambing na sambit ng nobyo.

"Eh bakit ang tagal? Ano ba kasi yung aayusin mo?" Parang batang nagmamaktol si Vice.

"Malalaman mo pagbalik ko." Bulong ng nobyo sa tenga nya pagkatapos ay hinalikan sya sa likod ng tenga nya na nagdulot kay Vice ng kiliti.

Agad humarap si Vice na nakangiti hinawakan nya ang nobyo sa magkabilang pisngi. "Bakit pagbalik mo pa? Hindi ba pwedeng ngayon na?" Paglalambing nito.

"Pagbalik ko na. PROMISE babalikan kita." At mariin nyang hinalikan si Vice sa labi.

Kinabukasan nagising si Vice na wala na ang nobyo sa tabi nya. Tiningnan nya sa cr ngunit wala ito. Itetext na lang sana nya ang nobyo nang mapansin nya ang sticky note na nsa side table ng kama. Agad nya itong binasa.

"I'm SORRY! I'm so SORRY!" kumunot ang noo ni Vice, hindi nya maintindihan ang pag sosorry na iyon ng nobyo. Pero nakakaramdam na sya ng kaba. Kinakabahan sya dahil pakiramdam nya may problema ang nobyo na hindi nito masabi sa kanya. Minabuti nyang tawagan ito. (Dialing...)

"Babe answer my call please".yan ang personalize ringtone nila ng kanyang nobyo. Naririnig nya ang cp ng nobyo na nag riring agad nya itong hinanap. Malapit ang tunog sa kama. Hinagis nya ang unan, tpos ang kumot at biglang bumulaga ang cp ng nobyo.

"Ano to? Bakit iniwan nya ang cp nya?" Tanung nya sa sarili. Para na syang maloloka sa dami ng mga negative thoughts na pumapasok sa utak nya. Pasalampak na umupo sa gilid ng kama si Vice sa may sahig at ang likod nya ay nakasandal sa kama. "Aaahhhrrgg!!!!" Malakas nyang sigaw at napasapo sya sa ulo nya. Ni hindi sumagi sa isip nya na mangyayari ang ganito. Kagabi lang napakasaya nila kahit na nag paalam ang nobyo na mawawala ng isang taon. Bumawi naman ito ng paglalambing sa kanya. Ngunit ngayon maraming katanungan sa isip nya. Iniwan sya ng nobyo sa kawalan na walang kasiguraduhan. Sa pag iwan nito ng cp nya isa lang ang pakahulugan nun kay Vice, ayaw nito na may contact sila. "Shit! Shit! Anu bang problema nya? Pwede naman nya akong kausapin mauunawaan ko naman sya kung anu man yung problema eh!" Humahagulgol na saad ni vice. Ayaw nya ng ganito gusto nya nasa ayos ang lahat. Pinunasan nya ang mga luha at mabilis na tumayo. Inayos ang sarili at dali-daling lumabas ng kwarto. Buo na ang desisyon nya pupuntahan nya ang nobyo sa bahay nito.

Pumarada sya sa tapat ng gate ng bahay ng nobyo. Mabilis na bumaba ng kanyang pulang BMW. Pagtapat sa gate nag door bell sya. Nakailang pindot sya sa doorbell bago lumabas si manang Ason. "Oh Vice? " kunot noong tanong nito sa kanya. "Nakaalis na si ...."

"San daw po ba sya pupunta? Anong oras umalis? May iniwan po bang contact number?" Sunod-sunod na tanong ni Vice.

"isa-isa lang ang tanong. Kanina pang alas 7 nakaalis pumunta na ng Canada. Sumabay sa uncle nya sa private plane nito. At dun na lang daw sya kontakin sa number ng ate nya." Paliwanag ni manang Ason.

Nanlulumong napaatras si Vice. Nawala na ang pag-asang maliliwanagan nya ang dahilan ng pag alis ng nobyo. Paano nya kokontakin ang nobyo kung ang unang makakasagot ng tawag ay ang ate nito na alam na alam nyang ayaw na ayaw sa kanya. Muli syang sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis itong pinaharurot hindi na nya nagawang magpaalam pa kay manang Ason. Nag dial s'ya sa cp n'ya. (Dialing....)

"Hello...." sagot ng nasa kabilang linya.

"Meet me at my office now." Maotoridad na sagot ni Vice sa kausap.



Bagong UD pasensya kung masyadong madrama ang umpisa! Next UD ko makakasama na ang TEAM VICE salamat kay Mareng_Miriam. Lab u mare!

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon