BIG MISTAKE

698 14 2
                                    

"Buntis ako." Mahina ngunit malinaw ang pagkakasabi ni Karylle sa nobyong si Thyrone. Ngunit tila naman isang bombang sumambulat ito sa tenga ng huli.

"A-akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" Medyo pagalit na turan ni Thyrone. Hindi inaasahan ng dalaga na ganun ang magiging reaksyon ng nobyo sa inakala nyang magandang balitang hatid nya dito.

"Are you not happy?" pagkasabi'y ipinulupot ni Karylle ang dalawang kamay sa leeg ni Thyrone at binigyan ito ng matamis na ngiti. Agad namang inalis ni Thyrone ang kanyang mga kamay at tumalikod "I'm not yet ready. Bigyan mo muna ko ng panahong makapag isip". Yun lang at tuluyan nang lumabas ng kwarto ni Karylle si Thyrone.

Dun pa lang parang natauhan si Karylle. Hindi sumagi sa isip nya na ganito ang magiging takbo ng pag-uusap nila. Nanlulumong napaupo si Karylle sa kama at dun humagulgol ng iyak habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha.

Mahal na mahal nya ang nobyo at alam nyang ganun din ito sa kanya. Sa sobrang pagmamahal na yun kaya nagawa nyang ibigay ang sarili dito. Wala sa hinagap nya na kaya syang talikuran ng nobyo lalo na sa kalagayan nya ngayon.

Ang daming katanungan ang nasa isip nya ngayon. "Pano na ko ngayon?" "Mahal ba talaga ako ni Thyrone? "Ano pa ba ang kulang sa kin? Sino ang kikilalaning ama ng magiging anak ko? Mga tanong na ngayon lang sumagi sa isip nya dahil masyado syang nalasing ng pagmamahal ni Thyrone. Oo napag usapan nga nila na mag-iingat sila at di muna bubuo ng anak ngunit sa takot ni Karylle na mawala sa kanya ang nobyo at sa kagustuhan na makasama na ito sa iisang bubong kaya nagdesisyon syang magbuntis. Oo sarili nyang desisyon yun taliwas sa pinagkasunduan nila ng nobyo.

Nagkamali sya dahil ang desisyon nyang yun ang naging dahilan ng pagkakalayo nila ni Thyrone.

Kinabukasan kahit mabigat ang pakiramdam pinilit nyang tumayo upang pumunta sa salon na pag-aari nya. Ngunit nang makita nya sa salamin na sobrang mugto ng mga mata nya kaya napagpasyahan nyang manatili na lamang sa bahay dahil ayaw nyang malaman ng mga kasama nya na may problema sya. Paniguradong kukulitin sya ng mga to at pipiliting paaminin sa kanyang problema. Ayaw na muna nyang may makaalam ng kalagayan nya lalo pa at malabo pa ang future nila ni Thyrone. Kya naman muli syang humiga upang mag isip ng paraan kung paano tatanggapin ni Thyrone ang kalagayan nya. Umaasa pa kasi syang pananagutan nito ang dinadala nya dahil ang sabi lang naman nito sa kanya ay bigyan nya ng panahon upang makapag isip.

"Sige Thyrone pag isipan mo muna ang lahat pero sana wag magtagal ang pag -isip mo dahil di ko kakayanin na mawala ka pa sa kin". Sabi na lang nya sa sarili nya at muling nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Napabalikwas sya ng bangon nang may magtext sa kanya.

From: Mahal ko (Thyrone)
Sorry hindi ko pa talaga kaya akuin ang responsibilidad ng pagbuo ng pamilya. Pero wag ka mag alala susuportahan ko naman ang pangangailangan mo sa panganganak. Mas makabubuting wag na rin tayong magkita da.....

hindi na tinapos pang basahin ng dalaga ang text ng nobyo binato nya ang cellphone at tumama ito sa salamin dahilan upang mabasag ito. Sa sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon ay hindi na nya magawang makapag isip ng tama. Lumapit sya sa nagkabasag-basag na salamin at kinuha ang isang piraso nito. Itinutok ito sa kanyang pulso at desidido na syang wakasan ang kanyang buhay. Sa isip nya ay balewala na din kung hindi na nya makakasama pa si Thyrone.


Tok tok tok.... "K"? Tawag ni yaya Maya sa kania. Agad naman nyang binitiwan ang hawak na salamin at inihilamos ang kamay sa kanyang mukha.

"K ano yung nabasag?" Tanong ni yaya maya.

"Wala yaya yung salamin lang inililipat ko ng pwesto kaya lang nabitiwan ko." palusot nya.

"Oh sige bumaba ka na at mag-almusal". Sabi nito habang umiiling iling. Alam nito kapag may problema ang alaga. Kahit hindi ito magsalita sa mga kilos nito mapapansin na may bumabagabag dito. Idagdag pa ang naulinigan nyang pagtatalo kagabi nito at ng nobyo. Mula pagkabata ay sya na ang nag alaga dito hanggang sa mag migrate na ang mga magulang ng dalaga sa amerika. Pinili ni Karylle na magpaiwan dahil na rin sa kanya

ayaw nya kasing sumama sa amerika dahil baka daw mamatay sya sa ginaw. Si Karylle naman ay pinasyang samahan ang yaya dito dahil ang yaya lang nya ang tanging nakaka intindi sa ugali nya. Madalas kasi nyang saktan ang sarili kapag hindi nasusunod ang gusto nya. Kaya nga napapayag ang magulang nya na iwan sya dito sa Pinas dahil nagpahulog sya sa hagdan dahilan upang mabalian sya ng buto sa paa.

Kaya ayun yung kagustuhan ng dalaga ang nasunod.

Tinatamad naman mag almusal si Karylle kaya ginugol na lang nya ang oras sa paglilinis ng kanyang kwarto sa totoo lang wala talaga syang ganang kumain masakit talaga ang ginawang pagtalikod sa responsibilidad sa kanya ni Thyrone. Naisaayos na rin nya ang nagkalas kalas nyang cellphone gawa nung pagbato nya kanina dito. Mabuti na lamang at hindi ito nasira.

"Brrt brrt brrt" (vibrate yun ng cp nya) may tumatawag...

(Unregistered number)

"Hello?" Kunot noo nyang sinagot ang tawag.

"Keiku!" Sagot ng nasa kabilang linya..

...... sino kaya ang tumawag? (KEIKU?) Hmmmh....


[A/N: This is my first story sana po magustuhan nyo at suportahan.. medyo kinawawa ko ata si karylle, hehehe.. ano yung KEIKU? sino makakahula? ]

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon