ALAM NA

193 4 4
                                    

"HINDI KAYA?" Sabay-sabay na tanong ni Buern Archie Russ.





"Oh em gee!" Bulalas ni Buern huh sabay takip ng bibig


"May nabalitaan ba kayong bf n'ya?" Tanong naman ni Russ na hininaan pa ang boses.



"Hey wait natatandaan n'yo ba yung incident sa bahay ni meme? Yung naabutan natin sila sa room ni meme?" Pagpapaalala ni Archie sa mga kasama.



"It can't be. Hindi pwede." Sabi ni Buern na umiling-iling pa.




"Guys I have something to tell you." Sabi ni Karylle na narinig pala ang usapan ng mga bakla. Gulat namang naglayuan sa isa't-isa ang mga ito.


"Tutal naman medyo nahahalata nyo na ang paglaki ng tyan ko mas maigi na malaman nyo ang katotohanan. Hindi ko rin naman ito maitatago pa. Tama ang hinala nyo, I'm four months pregnant." Lakas loob na pag-amin ni Karylle na medyo nahihiya pa.


"Wow congratulations mam Karylle." Nakangiting bati ni Russ.


"Sino ama nyang anak mo." Matabil ang dilang tanong ni Bernard na kasalukuyang lumalapang ng pandesal na isinawsaw sa kape. Binatukan naman s'ya ni Buern dahil sa katabilan ng dila nito.


"I wanna keep my life private. Pero wag kayong mag alala in time malalaman n'yo rin kung sino." Sagot ni Karylle sa tanong ni Bernard.


"Bakit hindi mo pa aminin sa kanila ang totoo Karylle?" Napalingon ang lahat sa nagsalita. Tuluyan nang pumasok ng salon si Vice na lingid sa kaalaman nila ay kanina pa nakikinig sa usapan nila.


"Hindi pa ako ready Vice. Magulo pa ang sitwasyon." Umiiling-iling na sabi ni Karylle.


"Di ba sabi ko naman sa'yo pananagutan naman kita? Na okay lang kahit hindi tayo maging mag-asawa basta ang importante maibigay ko ang pangalan ko sa anak natin." Sabi ni Vice na nakangiti sabay kindat kay Karylle.


"Ayiiiieeeeee!" Sabay-sabay na tuksuhan nina Buern, Archie, Russ at Bernard.


"Yun naman pala mam Karylle eh. Tanggapin mo na kasi si meme. Wala naman palang problema eh." Masayang sabi ni Archie.


"Tara na baka matraffic pa tayo." Aya ni Vice kay Karylle."


"Kayo na muna ang bahala dito ha magpapa pre-natal check up lang ako." Bilin ni Karylle sa mga bakla.


"Don't worry mam Karylle.kami na ang bahala dito." Pag bibigay assurance ni Buern.

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon