PAPALICIOUS

226 9 0
                                    

          Katulad ng sinabi ni Anne s'ya muna ang nag asikaso sa salon ni Karylle. Medyo tinanghali s'ya dahil ipinagluto pa n'ya si Karylle ng almusal at medyo naabala ng isang antipatikong lalaking naka motor na nabangga n'ya.

FLASHBACK....

Anne's POV

          I'm on my way sa salon ng cousin/bestfriend ko. Ako muna ang mag aasikaso ng salon n'ya for today 'coz she really look pale and I told her to have a total bed rest.

          Tumunog ang cellphone ko na nasa passengers seat agad ko naman itong inabot pero nag slide sa kamay ko at bumagsak ito malapit sa paa ko. I'm still driving at that moment at nasa paanan ko lang naman ang cp ko kaya agad ko itong dinampot. Pag angat ng ulo ko biglang may sumulpot na motor sa harap ko na hindi ko alam kung san nanggaling. Mabilis kong inapakan ang preno pero huli na nabangga ko na ito at nakita kong gumulong yung lalaking nagmamaneho ng motor.

          I was so shocked at that moment parang nawala ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang takot, takot na baka mamatay yung taong nabangga ko.

          I come to my senses ng maramdaman kong umuuga ang kotse ko. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala yung lalaking nabangga ko at ngayon ay sinisipa ang kotse ko.

          "Lumabas ka ritong ta**ntado ka!" Sabi nung galit na galit na lalaki habang patuloy na sinisipa yung kotse ko.

          Wala naman akong nagawa kundi lumabas ng kotse. "Oh I'm so sorry. Are you ok?" Tanong ko sa lalaki kahit alam kong ok na s'ya nagagawa pa nga n'yang sipain ang kotse ko. Speaking of sipa napatingin ako sa part na sinipa n'ya and OMG may gasgas.

          "Matapos mo kong banggain at gumulong magtatanong ka kung..,"

hindi ko na pinatapos ang pagsasalita n'ya.

          "Hey looked what you've done!" Pagtataray ko sa kanya sabay point sa gasgas ng kotse ko.

          "Ayos ka rin naman noh! Mas importante pa yang gasgas ng kotse mo eh muntik mo na nga akong mapatay." Sabi ng lalaki na mukhang ayaw mgpatalo.

          I rolled my eyes. "Well as I can see you seemed to be okay. Nagawa mo pa ngang gasgasan ang kotse ko sa pagsipa mo eh." Pagtataray ko. "Well kung inaakala mong ugali kong tumakbo sa mga atraso you're definitely wrong! Eh pano yan imbis na ako ang magbabayad eh mukhang ikaw pa ang magbabayad!" Matapang kong sabi sa lalaki.

          Ang lalaking kaninang mukhang tigre sa galit at tila lulunukin ako ng buo ngayon animoy maamong kuting.

          "Ah eh hmmh... ba-ba-baka pwedeng mapag usapan na lang natin yan?" Pautal-utal n'yang pakiusap sa akin.

          "Well kung hindi mo sinipa ang kotse ko ako dapat ang nakikiusap sa'yo ngayon. Pero dahil sa kayabangan mo yan ang napapala mo!" I said while I crossed my arms.

          "Grabe ha mayabang agad? Kaw kaya gumulong kasama ng motor at muntik mamatay. Anong gusto mo mag thank you pa ko sa'yo? " the guy said mukhang galit nanaman.

          Muli kong naalala yung nangyari sa kanya kanina. "Well para matapos na 'tong usapan ano gusto mong mangyari?"this time mahinahon na ang salita ko.

          "Pwede ka naman palang magsalita ng hindi nagtataray eh. Maganda ka pa naman." Sabi ng lalaki na nakangiti na rin ngayon.

          Nag init ang mukha ko at ramdam kong nagblush ako. "Hindi mo ko madadaan sa pambobola mo. Give me your business card and we will settle it legally." Sabi ko para matapos na ang usapan dahil baka pag nagtagal pa mapangiti na ako ng lalaking 'to. I find him cute when he smiles at me.

MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon