Months later...Papasok na ng office si Vice nang mag ring ang phone n'ya.
"Who's this?" Malanding sabi nito.
"Bhesy it's Billy." Sagot ng nasa kabilang linya.
"Oh bhesy asan ka ba? Bakit di ka na dumadalaw sa office?" Tanong ni Vice habang pasakay na nang sasakyan. Ikinabit n'ya ang bluetooth headset saka nagdrive na.
"Andito ko sa Canada di ba may pinapatrabaho ka sa akin remember?" paliwanag ni Billy.
"Tagal mo kasi di nagparamdam kala ko namamasyal ka lang dyan eh." Papilosopong sagot ni Vice. "Oh ano na bang balita?" Dugtong nito.
"Well nothing unusual nagwowork s'ya bilang bar tender sa isang bar malapit sa bahay ng kapatid n'ya. Work bahay, bahay work ganon lang ang ginagawa araw-araw mukhang may pinag iipunan eh hindi na nagagawang gumimik and take note no girls at all ha." Mahabang paliwanag ni Billy.
Vice smiled. Baka nga yan na yung sinasabi n'ya sa akin na aasikasuhin. Sabi ni Vice sa isip n'ya. "Well baka nga nag over react lang ako sa biglaang desisyon n'ya. I'll wait na lang kung anong plano n'ya. Oh sige bumalik ka na dito I have another job for you." Utos ni Vice kay Billy.
"Hmmmh.. in demand ang service ko sa'yo bhesy ha!" Sabi ni Billy.
"Iba naman 'to eh babae 'to." Nakangiti pa si Vice habang sinasabi kay Billy.
"What about that girl?" Billy ask.
"Ah basta pagbalik mo na lang dito." Nagmamadaling sabi ni Vice and end his call. Dali dali n'yang ipinark ang sasakyan sa gilid ng isang convinient store. Pagbaba ng sasakyan patakbo pa s'yang pumasok sa mismong convinient store. Lumapit s'ya sa isang kulot na babae na namimili ng cup noodles.
"Hoy kulot magbayad ka na ng utang mo sa 'kin!" Mataray na sabi ni Vice sa babaeng kulot pero hindi s'ya nakatingin dito. Dumampot s'ya ng cup noodles at sinipat sipat ito.
Tiningnan s'ya ng babae mula paa hanggang ulo. "Do I know you?" Mataray na tanong ng babae.
Nagpanting naman ang tenga ni Vice kaya humarap na s'ya sa babae. "Ay ulikba!" Gulat na sambit ni Vice sa babaeng kulot na puro tigyawat ang mukha at nakausli pa ang mga ngipin.
"Ay bakla!" Gulat din na bulalas ng babae sa pagkagulat ni Vice.
"Ay sorry teh akala ko kasi yung kakilala ko eh." Pakamot kamot na hingi ng paumanhin ni Vice.
Matalim na titig at irap lang ang isinagot ng babae kay Vice. Nagmamadaling lumabas ng convinient store si Vice dahil sa pagkapahiya at sumakay na ng kanyang sasakyan sabay pinaharurot palayo.
***
"Bwaaark! Bwaaak! Bwaaaark!" SUmusuka si Karylle sa cr ng kwarto nya.
"Keiku are you ok?" May pag-alalang tanong ni Anne kay Karylle sa labas ng cr.
Paglabas naman ni Karylle ng banyo hinimas himas ni Anne yung likod nya. "Tara sasamahan kita mag pacheck up." Alalang sabi ni Anne.
Umiling lang si Karylle. "I'm really ok Anning. Ano ka ba? Part lang 'to ng pagbubuntis ko morning sickness." Nakangiting sabi ni Karylle kay Anne. Dumiretso na s'ya sa closet n'ya at pumili ng susuutin pagpasok.
"Hey Keiku wait, papasok ka?" Sabi ni Anne na nakasunod din pala kay Karylle.
Humarap naman si Karylle kay Anne at hinawakan ang kamay ng pinsan. "Don't over react ok? Buntis lang ako wala akong malubhang sakit." Nakangiti pang sabi ni Karylle.
BINABASA MO ANG
MAHAL KONG KARIBAL (ViceRylle)
RomanceSi vice out and proud gay nag iisang anak ng isang multi milyonaryong negosyante. Lahat ng gustuhin nya nakukuha nya.. si Karylle babaeng sobra kung magmahal na halos lahat ay kaya nyang ibigay.. Paanong paglalaruan ng tadhana ang kanilang kapalaran?