"Jackie, hey wake up."
"Jackie."
"Tss, pa'no ka ba gisingin?!"
"Babe."
"Hey baby wake up."
"Hays ang hirap naman nitong gisingin, nilambing na lahat lahat hindi pa rin gising!"
Naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong pagbulong bulong sa gilid ko. Nakakairita lang dahil ang sarap na ng tulog ko, ang lamig lamig kasi at malambot pa sa pwesto ko pero nakakangalay sa likod at leeg kahit na ganon.
"Ano ba yan ang ingay!"
"Ohh, nagising ka rin sa wakas!"
"Ano ba bakit ka ba... nandito?" Napalingon pa 'ko sa paligid para malaman kung nasaan kami ngayon. Nanlalaki ang mga matang gulat dahil sa pagkakatanto ko.
Talagang nabuhay ang diwa ko ng marealize na wala ako sa kwarto ko at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si Demongel sa sasakyan niya ngayon.
"Hala nasa'n tayo?!"
"Ano ka ba sigaw ka ng sigaw ang sakit sa tainga!"
Napangiwi nalang ako dahil halata namang nabadtrip siya sa'kin hindi ko lang alam kung saan banda siya napipikon at mukha na rin siyang antok.
"Wait nga nasa'n ba tayo?" Sumilip pa ko sa labas para lang magmasid pero dilim lang ang nakikita ko kaya napasimangot ako.
"Tss kanina pa kita ginigising para kang ewan nakakainis!"
"Ang big deal naman parang paggising lang, kakalabit kalabitin mo lang naman ako ahh, 'tsaka nagising ako 'agad sa pagbulong bulong mo kaya pa'nong mahirap ako gisingin?"
"Sinong hindi maiinis almost 30 minutes na kitang ginigising!"
"Ahh ganon ba? Hehe." With peace sign pa pero inalisan lang ako ng mokong at hindi manlang ako hinintay lumabas ng sasakyan kaya dali dali akong nagtanggal ng seat belt at patakbo na sana kasunod niya kaso naalala kong may sling bag pala akong dala at basta nalang hinablot sa upuan para sabayan siya sa paglalakad.
"Wait lang bakit hindi mo 'ko dinala sa bahay namin!"
"Pa'no kita iuuwi sa inyo kung tinulugan mo 'ko! I don't have any idea where your place is," At iniwan na 'kong mag isa sa paglalakad dahil mas binilisan niya pa ang mga hakbang niya kumpara sa'king halos tatlong hakbang ko na 'ata ang isang hakbang niya.
"Good evening sir!"
Nakahabol naman ako sa kanya at hingal na hingal sa harap ng receptionist dahil sa halos takbong ginawa ko sa kahahabol sa kanya, natatakot lang ako at baka maligaw pa 'ko dito.
Tango lang ang isinagot niya sa receptionist "Two room for one night"
"This is your key sir and your key ma'am."
Wow grabe naman, two room in one night. Magkano kaya ang presyo ng mga rooms sa hotel na 'to? Nagtititingin pa 'ko sa waiting area dahil talagang napakaganda nito. Chandelier talaga ang nagpaakit sa mga mata ko.
"Hey, ano matutulog ka ba o tutulala ka lang diyan sa chandelier?"
"Huh?" Napalingon naman ako kay Demongel na halatang antok na talaga pero mabilis ko ring tinignan ang receptionist na ang ganda ng ngiti kay Demongel kaya kinuha ko nalang ang susi na para sa'kin.
"Have a goodnight sir."
Napangisi naman ako dahil hindi manlang pinansin ni Demongel ang receptionist at umalis nalang bigla papunta sa elevator.
"Anong nginingisi mo d'yan?" Habang papasok sa elevator.
"Nothing, why do you care?" Inisnaban ko siya sa harapang pinto ng elevator dahil nagrereflect naman kami doon. Silver kasi ang kulay nito kaya naman tumititig talaga ako sa katawan ko hindi ko nga lang alam kung nakita niya ba 'ko na nang isnab sa kanya.
Hindi pa nakakalipas ng ilang minuto pero nasusuka na ako. Siguro dahil nakakahilo pala rito sa loob ng elevator, bumabaliktad ang sikmura ko hindi ko alam na gan'to dito akala ko mae-enjoy ko ang elevator pero isa pala 'tong malaking pagkakamali.
"Hey, you, alright?"
Tango lang ang isinagot ko dahil nagco-concentrate ako na huwag masuka sa loob ng elevator, isa yung malaking kahihiyan para sa'kin.
"Are you sure? I'm thinking why are you so quiet there and you stand still, are you sleepy, hungry or feels uncomfortable? State it."
Hindi ko siya sinagot dahil ang dami niyang tanong na hindi ko masagot kaya siguro hinawakan niya 'ko sa balikat at iniharap sa kanya kaya nakita niya ang mukha kong pinagpapawisan na.
Hindi ko alam kung bakit nanlambot ako sa harap niya at parang batang gustong magsumbong sa kanya. Dahil siguro sa pinaghalong gulat at pag aalala niyang pinapakita sa'kin ngayon.
"Hey what's wrong?"
"I want to puke." Ayun lang ang nasabi ko sa kanya dahil feeling ko nasa lalamunan ko na ang suka ko at diring diri na talaga ako.
"Hey just relax, we're near, in just a seconds makakalabas na tayo, okay?"
Makikita at maririnig mo sa kanya na talagang concern siya sa'kin kaya napapanatag ang loob ko at pinagbubutihan ko talagang hindi masuka dito sa loob ng elevator dahil unang una nakakahiya at pangalawa kulob ang elevator paniguradong hindi mawawala ang baho ng suka ko dito.
Saktong pagtunog ng elevator ay pagbukas ng pinto nito kaya naman 'agad akong humakbang palabas at gusto na sanang tumakbo pero hindi ko na kinaya at nasuka na sa harapan mismo ng elevator.
Hiyang hiya ako sa sarili ko pero nanghihina na 'ko buti nalang at inalalayan ako ni Demongel para hindi tuluyang matumba dahil sa sama ng tiyan ko.
Tumawag siya sa house keeping department para palinisin ang areang nasukahan ko buti nalang at walang ibang tao dito kun'di sobrang nakakahiya, kung kay Demongel nga nahihiya na 'ko pa'no pa kaya sa iba.
Dahil sa kahihiyan ay nakayuko lang ako habang inaalalayan ako ni Demongel papunta sa room ko at inasikaso ako sa loob. Mabuti na rin yun dahil wala akong alam na gamitin sa mga gamit na nandoon.
"Sleep well Jackie, I promise kakalimutan ko ang nangyari kanina. Goodnight have a sweet dream, text me when you needed me, okay?"
Tango lang ang isinagot ko at tuluyan nang nakatulog. Bahala na bukas, kahit nakakahiya man ang nangyari wala na 'kong magagawa pa.
^_^
To be continued...
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomanceShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...