33

0 0 0
                                    

Sa sobrang daming kailangan sa tinitirhan ni Sheen ay napuno ang cart at hirap na hirap ako sa pagtulak nito. Para kasing bagong lipat ang babaita sa daming kulang na dapat ay mayro'n siya.

Habang sumisilip sa cellphone ko ay binanggit ng cashier ang bill na umabot sa fifteen thousand dahil sa kung ano anong dinamput ko ay binigay ko 'agad ang card ni Sheen.

Ilang beses niya pang ininsert ang card na nakakunot ang noo kaya kinabahan ako. Napalingon ako sa mga taong nakapila dahil masyadong humahaba ang pili at ang iba ay nakabusangot na dahil sa tagal ng cashier.

"Excuse me, may problema ba?"

Napalingon sa'kin ang cashier at nakakunot ang noo sa'kin na may paghihinalang tingin kaya may inis akong naramdaman.

"Ma'am hindi po maread ang card."

Kinabahan ako sa sinabi niya at parang tinakasan ng kaluluwa dahil sa biglang panlalamig ng katawan ko. Wala akong pambayad sa lahat ng kinuha ko kaya naman gusto kong tawagan si Sheen para malaman kung anong naging problema.

"Ma'am dito nalang po tayo." Nagulat ako bigla nang sabihin 'yon ng isang sa tingin ko'y security team. Takang taka ako kung bakit binabantayan nila ang galaw ko kaya sobrang kaba kong idenial  ang number ni Sheen na mukhang wala pang balak sagutin.

Naiiyak na 'ko dahil sa mga taong tumitingin sa'kin na may panghuhusga. Dahil sa sobrang kaba ramdam kong hihikain ako kaya naman humingi ako ng tulong sa mga taong nakabantay sa'kin pero may panghuhusgang tingin ang ibinigay nila sa'kin at may iba pang nagbubulungang gumagawa raw ako ng paraan para makatakas na ikinaiyak ko. Panay lang ring ang cellphone ni Sheen habang nanginginig ako sa takot.

Hinayaan nila akong umiyak at lalo kong nakita ang panghuhusga nila sa'kin, lalo tuloy lumalala ang hika ko at kaunti na lang ay alam kong mahihimatay na 'ko.

"Jackie!"

Naghiyawan ang lahat ng matumba ako sa sahig. Naririnig ko pa rin sila habang nakapikit at nakahiga sa sahig pero wala man lang tumulong sa'kin kaya tuluyan na 'kong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang malamig na kwarto at alam ko 'agad na nasa hospital ako. Bumangon na 'ko sa paghiga at pinindot ang button na kulay pula para makatawag ng nurse sa station nila.

Bumungad sa'kin ang seryosong mukha ng nurse kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya nanahimik nalang ako.

"Anong kailangan mo miss?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Hindi ba obvious na kailangan niya 'kong icheck pagkagising?

"P'wede na ba 'kong umuwi?"

Umalis na 'ko sa higaan ko at inayos ang sarili kaya tumalikod muna ako sa nakatangang babae sa harap ko. Nakakabadtrip siya.

"No, you need to rest." Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa taong sumagot sa tanong ko. Napalingon tuloy ako ng wala sa ayos at nagtatakang tinignan siya.

"Bakit ba hilig mong umuwi pagkagising mo sa hospital?" Lumapit siya sa'kin at inayos ang medyo magulo kong buhok.

Napalingon ako sa nurse na nakatangang manghang mangha sa itsura ni Demongel. Dahil sa paglingon ko ay napalingon din siya.

"Miss..." Parang sira ang babae dahil sa pagtawag sa kanya ni Demongel " s-sir?" Nginitian siya ng nakakaloko ni Demongel " ...you may leave."

Natatawa ako sa reaksyon ng nurse dahil napahiya siya pero tinikum ko nalang ang bibig ko para naman hindi lalo sumama ang loob niya.

Paalis na sana ang nurse ng tawagin siya ulit ni Demongel kaya nanonood lang ako sa ginagawa nila.

"S-sir?" Nauutal nanaman siya mukhang wala lang sa kanya ang ginawa ni mokong dahil mangha pa rin siya sa kagwapuhan nito.

Hindi siya nilingon ni Demongel at sa'kin lang nakatingin kaya napatingin din ako sa kanya, nangunot ang noo ko ng mag wink siya sa'kin.

"Next time, don't be a bitch to my babe." Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya, nakakamangha na may halong inis.

"Umm... I'm sorry sir." Nagulat ako nang lingunin siya ni Demongel at alam kong ibang aura ang pinakita niya dito dahil sa kinakabahang mukha ng nurse.

"Apologies to her!" Napaigtag ako dahil sa galit niyang boses kaya hinawakan ko ang braso niya at nilingon niya naman yun. Napalingon ako sa babaeng takot.

"I- I'm s-sorry ma'am, excuse me." At 'agad na umalis.

Napangiwi ako dahil sa lakas ng pagsara ng pinto. Mukhang hindi siya sincere sa paghingi ng tawad.

"Wait me here, okay?"

Nangunot ang noo ko nang dali dali siyang lumabas at halatang may inis kaya naupo nalang ako sa kama para hintayin siya.

I tsked "Hindi manlang ako pinagsalita."

Hindi ko tuloy natanong sa kanya kung bakit siya naririto.

Sinilip ko ang sling bag ko para sana kunin ang cellphone ko pero may card akong nakitang kulay black na ipinagtaka ko.

"Bakit may card akong ganito? Hindi naman ganito ang kulay ng card ni Sheen."

Sinuri ko pang mabuti. Iniisip kung sinong tao ang nakapangalan dito. Nang bigla kong maalala na si Demongel ay si Collen Claws.

Maraming tanong ang patuloy na iniisip ko... Pero bakit dumagdag ka pa?

^_^

To be continued...

I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now