Nakauwi na ako sa bahay pero lutang pa rin ako at hindi mapakali dahil sa mga sinabi ni Pepot sa'kin kani kanina lang.
Sa totoo lang nagawa ko na nga ang lahat na gagawin ko tuwing gabi pero hindi pa rin ako mapakali at kahit matutulog nalang ay nag-iisip pa rin ako about sa kanila na parang nagsabay sabay naman yata? Hindi ba nila ako jino-joke time? Wala akong natatandaan ni katiting na ideya na kagustuhan nila ako ng gano'n katagal.
Ang sabi ni Mike nagsimula raw magkagusto sa akin si Charles noong high school kami, Hindi man niya sinabi kung anong year pero matagal na rin dahil ilang taon na rin kami ngayon. So, kung tutuusin mas matagal nagkagusto sa akin si Pepot dahil sabi niya noong elementary pa raw siya may gusto sa akin, siguro nagsimula iyon noong grade six dahil iyon ang panahon na maraming bumu-bully sa akin.
Paikot ikot ako sa kama at hindi mapakali sa mga naiisip. Mind blowing talaga ang confession nilang nagsabay pa hindi ko tuloy alam kung anong gagawin dahil paniguradong may isa sa kanilang magagalit o magtatampo sa magiging desisyon ko at feeling ko masyadong unfair iyon sa isa sa kanila.
"Kainis naman ba't hindi ako makatulog? nakakaurat!"
Kamot na 'ko ng kamot ng ulo kahit wala namang makati. Nakaka-frustrate kasi dahil hindi matanggal sa ulo ko 'yang love love love na 'yan!
*Toot
Dinampot ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng drawer dahil sa isang text, nangunot nalang ang noo ko dahil wala naman akong inaasahan na taong dapat akong i-text.
Unregistered Number:
Hi! How are you my love?
Sino naman kaya 'to?!
Hindi ko nalang nireplyan kasi nalilito ako kung sino namang may lakas ng loob na mag text sa'kin ng ganyan. Baka wrong number?
*Toot
Unregistered Number:
Kie please save my number. I miss you and I love you. I wanna see you and badly missing you and please text back.
What the hell! Bigla kong nakalimutan si Dennis wengya! Hindi ko naalala na si Dennis pala ang taong kayang gumawa nito sa akin. Hindi ko naalala ang phone number niya kakaisip sa dalawa na ngayon ay nadagdagan pa!
Sinave ko nalang ang number ni Dennis at baka magkamali pa 'ko kung magrereply o magtetext ako sa kung sino. Alam niyo naman baka ma-wrong sent pa 'ko delikeyts tayo diyan.
To Dennis my freaking EX:
Goodnight!
From Dennis my freaking EX:
Where's my I love too?
"Ano rereplyan ko ba 'to? O.... hindi?"
Masyado naman siyang makapal kung gano'n? Hays ewan... Demanding siya masyado bahala ka diyan bwisit!
"Ayyy bwisit ba't ba kailangan replyan baka mag assume!"
Ang dating magulo ko nang buhok ay mas lalo ko pang ginulo dahil sa kalituhan naisubsob ko nalang ang mukha sa unan dahil sa kalituhan.
Nilapag ko nalang ang phone ko sa gilid ng unang hinihigaan ko at hindi na nagreply pa kay Dennis.
"Mas mabuti pang matulog nalang ako para naman magawa ko man lang ang pagbu-beauty rest na bihira ko lang ginagawa."
Kahit naririnig ko ang pagtunog ng cellphone ko ay hinayaan ko nalang dahil unti unti na rin namang hinahatak sa antok ang aking mga talukap at alam kong alam mo na mawawala ang antok kapag gumamit pa ng cellphone. Bahala siya mapuyat!
![](https://img.wattpad.com/cover/237227864-288-k919362.jpg)
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomansaShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...