14

0 0 0
                                    

Dahil maganda ang gising ko kahit na panira ng umaga si Vince dahil nakigamit nanaman ng cellphone ko para i-text ang girlfriend niya kuno na selosa ay hinayaan ko nalang dahil hindi mawala wala ang saya ko ngayong araw, ewan ko ba kung anong dahilan ng saya ko ngayon, siguro dahil lang sa magandang panahon ngayon.

*Toot

Habang nag aayos ako ng sarili at nag papa-cute sa salamin ay nakita kong nag-text si boss Danny na bihira lang mangyari kaya laking pagtataka ko.

Boss Danny:

3:00pm don't be late!

"Hmm... ano nanaman kayang trip nito?"

Anong meron??? Wala naman kaming napag usapan dahil hindi naman ito nakikipag usap sa'min ng matagal. Sobrang seryoso niyang tao para makipagbiruan pa sa kahit na sino sa'min,  pero oks na rin dahil kapag si Danny ang kumausap sa'yo ay legit ang pera at seryosong usapan talaga.

"Mukhang kikita nanaman ako ngayon ng malaki laki, buti nalang at hindi ako pinapasok ni ate Lanna..." para raw makapag pahinga ako, grabe na touch ako huhu... "Tamang tama at paubos na rin ang budget ko!"

Napa palakpak pa 'ko dahil paniguradong may plano si boss sa'kin. Hindi naman kasi talaga siya magte-text sa'yo para mag-offer ng trabahong instant money at kung mangyari man iyon ay swerte mo  dahil ikaw ang napili at masasabi mong may tiwala siya sa'yo. Sa totoo lang ikaw ang hahabol sa kan'ya lalo na kapag nangangailangan kana. Kung magte-text man siya ay may nakalimutan lang sa mga ipinag uutos niya kaya paniguradong ako lang ang kakailanganin niya sa paplanuhin.

To Boss Danny:

Copy that boss!

Gano'n na talaga kami mag text ni boss Danny kasi nga ayaw niya ng maraming satsat kailangan gets mo na 'agad kahit na hindi ko naman talaga matandaan kung anong gagawin namin. May kabang bumabagabag sa akin dahil alam kong isa itong malaking transaksyon na kailangang matapos pero naisip ko rin kung gaano kaayos na boss si Danny kaya go lang ng go kasi alam ko namang hindi ako ipapahamak ni Danny at kaya rin tumagal ako sa raket na 'to. Sa panahon ngayon mahirap na talagang humanap ng taong mapagkakatiwalaan at tutulungan kang totoo.

"Dahil may lakad ako it means magagamit ko na ang bago kong damit. Gosh! it's my tribal day! my favorite clothing brand."

"Kung masusuot ko ang new shirt ko, ano naman kayang pang ibabang partner para do'n?"

Kung kanina ay tuwang tuwa ako dahil masusuot ko na rin ang damit ko ay bigla naman akong napangiwi sa ideyang pumasok sa isipan ko. Wala talaga akong pag-asa sa fashion.

"Kung ito kaya? Ito? Bagay kaya? Ay itong maong skirt! Ngi, ang sagwa!" Hinalukay ko na ang lahat ng drawer at kabinet na pinaglalagyan ko ng mga pang-alis ko na hindi naman gano'n karami kaso nga lang ay walang bumabagay sa shirt kong tribal.

"My goodness earth! bigyan mo naman ako ng kaunting ideya sa pagpili ng tamang susuotin!"

"Hays bwisit! Bahala na nga!" Dumampot nalang ako basta basta dahil nauurat na 'ko kakahanap ng babagay sa tribal ko, ang kaso wala rin naman akong kagamit gamit, ultimo nga panty, bilang pa for exact one week, pa'no ba naman sa mismong panty na naka-indicate ang araw ng pagsuot. Nagreklamo ako kay mama about sa panty pero iyon na raw ang pinakamura kaya sa huli no choice rin ako, napabili tuloy ako ng set ng panty kahit pang-alis lang.

"Nakakaurat pero at the same time natatawa ka nalang talaga. Akalain mong may itinago pala akong pang-alis na isang beses ko palang nasusuot, siguro pep'wede na rin ito sa shirt ko."

Nag asikaso na ako ng sarili para maagang makaalis sa bahay. Ayoko kasing nali-late lalong lalo na at si boss Danny ang magsasama sa akin. Tapos na rin kaming mag-brunch kaya okay lang kahit umalis na ako ng maaga.

"Ellen, nasa'n nanaman si Vince?"

"Hmm... Hindi ko alam 'te, baka nasa girlfriend niya?"

Itong si Ellen naman laging libro at kung ano anong kagamitan ang dala basta usapang pag-aaral. Kaya sobrang natutuwa ako rito at laging may allowance na pasobra dahil sobrang sipag. Yung ibang tao tinatawag siyang nerd dahil nga sa pananamit naming below the knee na skirt at laging naka shirt lang ang pambahay at ang pang-alis pero hindi naman mukhang nerd si Ellen, actually kaya niyang dalhin ang pananamit namin kaya hindi panget sa paningin  kumpara sa'kin na mukhang losyang dahil wala naman akong pake sa tamang pananamit. Pero kahit gano'n ay may masasabi naman ang itsura namin, hindi kami nagpapahuli diyan dahil half Spanish si mama at pure Filipino si papa pero ang naglahi sa kulay ni papa ay si Ellen at Rico lang and most of us ay katulad na kay mama na maputi.

"Sila mama, Rico, Nathan at Jane?"

"Si mama nagpunta ng center kasama sila Nathan at Jane si kuya Rico naman nasa school. E si papa 'te hindi mo itatanong?"

"Sus wag na, damay mo pa? kaya nga hindi ko tinanong kasi nga hindi siya belong! sinisira mo araw ko!"

Allergic talaga ako diyan kay papa dahil nga sa ugali at kung paano kami gawing alipin dito sa pamamahay niya tapos gusto pa talaga akong uratin nitong si Ellen porket siya ang favorite ni papa dahil laging highest honor, gusto yatang masira araw ko!

"Hindi mabiro..." Tatawa tawa niya pang saad.

Dahil ayaw kong ma-stress at isipin ang mga pinaggagawa ni papa sa amin ay kailangan ko ng mag change topic dahil baka masira rin ang beauty ko pati na rin ang bago kong shirt ay hindi na lalo bumagay sa akin!

"Nga pala may lakad ako ngayon, raket ko, hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi basta pasabi nalang kay mama."

"Tsk! Iwas iwas sa usapan..."

"Pwe! tigilan mo 'ko at umaandar nanaman 'yang mapangasar mong ugali, kay Vince mo lang 'yan gawin, 'wag mo 'kong idamay!"

Natatawa pa siya pero pinigilan niya rin dahil alam niyang mabilis akong mapikon.

"Saan naman? baka puruhan ako ng tanong mamaya mahirap na."

"Basta hindi pa sure ang meeting place namin 'tsaka ikaw muna bahala rito sa bahay, magwalis walis ka at baka ikaw ang mapuruhan sige ka, at yung pagkain 'wag mong kakaligtaan ang oras baka gutom na sila pag uwi."

Masipag naman si Ellen kahit sa gawaing bahay, madalas nga lang makalimutan ang mga gawaing bahay na inatas sa kan'ya kasi nga occupied siya masyado sa pag aaral kaya minsan napapagalitan.

"Ohh sige, basta ikaw mag explain sa kanila kapag nagalit sila."

"Oo ako na bahala, aalis na 'ko."

Tinalikuran ko na siya at handa nang buksan ang gate ng bigla niya 'kong tawagin.

"'Te wait lang! patingin nga outfit mo?"

"Loh, kanina pa tayo nag-uusap di mo pa nakita?"

"Basta harap na kasi!"

"Ohhh!"

Umikot ikot pa 'ko para talagang kita niya ang ganda ko hehe...

"Hmmm..."

"Ganda 'no? sige na bye!"

"Anong trip mo? manang o losyang?" Tawang tawa niyang saad na ikinabusangot ko. Sana hindi nalang siya nag-comment

Tumuon na ang mukha niya sa notes niya pero halatang tinatago ang ngisi.

"Pwe, bruha ka!"

Narinig ko pa ang halakhak ni Ellen kahit nakalabas na ako at talaga nga namang inasar pa 'ko! bwisit talaga kahit kailan manang mana kay papa, perfectionist din kasi at sobrang mapangasar kahit na mukhang matino at classy.






^_^




To be continued...





I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now