02

0 0 0
                                    

"Aking binibini."

Tsk! FYI hindi ka si Florante para magganyan! Pagsamahin ko kaya sila ni tanda!

"Pssst!"

Wala akong naririnig period!

"Jackie wait lang tulungan na kita diyan sa bitbit mo." Paulit ulit na pagtawag ni pepot sa akin habang hinahabol ako.

Hindi ko naman siya pinapansin. Nagbibingi bingihan lang ako habang naglalakad pero nahabol pa rin ako ng mokong.

"Syempre Jack, nag iisip kaba? May side car na dala ang mokong, mahahabol at mahahabol ka talaga niyan!" Pabulong bulong ko pa na animo'y baliw na kinakausap ang sarili.

"Oyy 'wag mo namang kausapin sarili mo diyan nandito naman ako e." Nakangisi niyang sagot. Pa-cool pa ang pagkakasabi niya kaya napangiwi ako. Hindi kasi bagay sa kan'ya, hindi naman sa panget siya pero parang... Ahh basta, hindi bagay ang pa-cool sa kan'ya. Feeling niya naman kasi, akala mo talaga type ko siya, hindi ba siya nahihiya sa'kin? Duh!

"Tss, Pepot 'wag kang assuming diyan." Inis kong saad.

"Amina na 'yang bag mo mukhang mabigat, baka lalo ka lang mapagod, ayaw kong napapagod prinsesa ko." Sabay kindat. "Patingin nga, wow... Ang daming grocery!"

Pagkahawak na pagkahawak niya sa bag ko ay mabilis ko itong iniwas dahil ayaw kong marami siyang tanong na lalabas sa bibig niyang nakakarindi. Pero nakita niya pa rin kaya lalo kong inilayo sa kanya ang bag.

"Nakaipon ako kaya nakapag grocery ng marami." Saad ko para wala na siyang tanong pa, ma-issue pa naman ang taong ito.

"Ang advance mo naman, itatanong ko palang yun sa'yo pero nasagot mo na. Kaya crush na crush kita e, sana ako rin sagutin mo 'agad.

"Pepot, mag trabaho ka nalang kaya para kumita ka." Saktong sakto naman na may aleng nagtatawag ng padyak kaya itinuro ko 'agad ang kay Pepot. "Ale may padyak dito!" 'tsaka ko nilingunan si Pepot. "Ayon ohh, may customer kana, sayang din 'yan." Pagtataboy ko para hindi na niya ako kulitin pa.

"Hala, dapat hindi mo na tinawag kasi ikaw dapat ang isasakay ko dito." Dismayado niyang saad.

"Malay mo diwata pala 'yan tapos bigyan ka ng gantimpala. Ohh diba instant billioner kana o kaya pabanguhin at papogiin kapa." Pang uuto ko pa sabay tapik sa likod niya at nagawa ko pang ngitian siya sinabayan ko na rin ng pagtaas ng dalawang kilay para makumbinsi ko siya lalo.

"Hays nako Jack gusto mo lang talaga akong itaboy, 'tsaka alam naman nating dalawa na pogi ako, hindi nga lang nakakapag ayos ng sarili kasi lagi akong busy sa pagpapadyak." Nakangisi niyang saad kaya naman nakumbinsi rin akong tama ang naging desisyon ko sa pang uuto sa kanya. Na-guilty kasi ako sa kanya nang madismaya siya sa ginawa ko. Ang hirap talaga maging maganda, nakaka-guilty.

"Oh diba ikaw may sabi na pogi ka kaya dapat claim it! buti nga alam mo, goods 'yan. Sige na mauna na 'ko bahala ka kung ayaw mo ng customer di ka naman pinipilit kaso dapat maawa ka sa ale ang init pa naman ngayon, kapag inatake yan, sa'yo ang sisi." Ngiwi ko.

Walang pag aalinlangan akong naglakad papalayo sa kanya pero kahit gano'n ay narinig ko pa rin kung gaano kainis yung aleng naghihintay sa kanya. Ang dami pa kasing alam hindi nalang magtrabaho, tsk!

"Hijo ano?! Pag aantayin mo ba ako rito?!"

Natawa nalang ako sa inasta ng ale at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit kailan ang mga lalakeng gaya ni Pepot ay mahirap patigilin. Kahit yata magwala ang ale ay hindi niya papansinin kasi hanggang ngayon ay tinatawag niya pa rin ako kaya kumaway nalang ako ng nakatalikod sa kanya. Bahala ka sa buhay mo Pepot.

I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now