03

0 0 0
                                    

"Lalalalallalalalalalala🎶"

"Ang sakit sa tainga ng boses mo 'te, ang tining." Pagsingit bigla ni Rico sa kinakanta ko kaya nawala ako sa tono. Nakasilip lang ang ulo nito sa pinto ng kwarto ko.

"Ohh, e anong pake mo? Baka nakalimutan mo rin na parte ako ng choir sa church natin. Napansin ko lang makalimutin ka na lalo, kung hindi bungangera, assuming at unggoy ay may alzheimer's ka rin, nadisgrasya kaba dati at nag uulyanin ka diyan o sadyang matanda kana?" Pang aasar ko, para naman may pangbawi ako.

"Ewan ko nga ba't napili ka sa choir, no choice yata sila and FYI masyado lang akong maraming iniisip dahil sadyang matalino ang pinakagwapong nilalang sa mundo." Pagyayabang niya pa, ginagaya niya nanaman si Jerico Rosales porket kapangalan niya. Ang malas naman ng taong ginagaya pumapanget na sa paningin ko, malas pa at baka malaos.

"By the way, our pakundo is looking for you. 'Wag mo na 'kong tanungin kung bakit dahil hindi ko rin alam at ayoko nang bumaba dahil ayokong mabatukan."

Natawa ako sa sinabi niya "Really 'yan talaga reason mo? haha... leche ka para kang bakla, kaya tawag sayo noon bayut e."

"Pwe! kung babae man ako ay paniguradong mas maganda pa ako sa inyo!" Habang paalis na papunta sa kwarto nila at umaastang bakla dahil sa baywang niyang pilit na ginegewang.

"Hahaha... aba cinareer ng bakla!"

"Jack, bakit this days wala ka daw lagi sa practice niyo?"

Napalunok naman ako bigla sa naging tanong ni papa. Inaasahan ko na 'to pero nabigla pa rin ako. "Parehas ho kasi minsan yung sched' ng practice at trabaho, sayang naman ho kung hindi ako papasok 'tsaka madali lang naman sabayan ang mga singer."

"Hmm... pero ayusin mo performance mo sa church baka mapahiya pa 'ko."

"Oho, umm... sige pa alis na muna ako."

"Sa'n ka pupunta? Wala ka namang pasok ngayon sabi ng mama mo. Kung hindi naman 'yan importante ay dumito ka nalang para may katulong mama mo."

"Pangalawang trabaho ko 'yon pa, sayang naman kasi..."

"Ano bang trabahon 'yan at bakit ngayon mo lang nabanggit?"

"Ahh, e, ano...ano lang deliver... deliver ng mga supply sa palengke pa, ako kasi taga hanap ng seller para sa supplier then may kumisyon na 'ko do'n."

"Ohh sige, basta umuwi ka sa oras ng curfew at ayoko na ring marinig na nakikipag landian ka daw sa padyak boy na si Pepot. Alam mo namang ayaw ko ng issue at masisira pangalan ko rito sa lugar natin."

Wow good mood ngayon si papa pero ano nanaman kayang chismis nasagap niya patungkol sa'min ni Pepot at parang big deal, kaurat e!

And I'm here again sa kuta ni boss Danny, if I have a choice, I will never do this shit pero kailangan na kailangan ko talaga, wala na 'kong ibang mapasukan na malaki laki ang kita, dito lang.

"Hey Jack musta buhay natin?"

Bungad ni Rome sa'kin na may nakakalokong ngiti, adik talaga 'tong si Rome, tsk!

"Oks lang Rome, ito maganda pa rin."

"Wow GGSS! buhat bangko nanaman, buti nalang totoo ,yiee..." Pang aasar niya pa pero wala akong balak na patulan siya ngayon dahil kailangan ko 'agad umuwi dahil nasa bahay si papa.

"Asa'n si boss?" Pag iiba ko ng usapan para malaman niyang importante ang ipinunta ko rito.

"Sa office Jack, mukhang tiba tiba ka nanaman ngayon ah, pa inom naman diyan."

"Tss! tigilan mo 'ko alam mo naman na nag iipon ako."

"Wow dakilang anak at ate ang peg. Sige na nga puntahan mo na ang iyong king, my lady."

"Parang timang Rome, naka shabu kaba at ang saya saya mo?"

"Nakita kasi kita kaya masaya ako." Na may malaking ngisi sa mukha, and yes, literal na malaking ngisi kasi malaki ang bibig nitong si Rome, feeling ko kasya kamao ko rito, e.

"Hmmm, goods 'yan."

Dare daretso na 'kong tumuloy sa office para makuha ko na ang idedeliver ko para bukas.

*Knock knock knock

"Pasok!"

"Boss ano 'yong idedeliver ko ho?"

"Ito..." nag abot ng maliit na sachet. "Ideliver mo kay Migs bukas ng 3:00pm sa parish, 'tsaka baka tawagan kita this month para sa malaking transaction ko. Makakaalis kana."

"Okay boss, copy that!"

Naglalakad na 'ko palabas nang bigla akong nagulat sa pagsulpot ni Mike, para rin kasi 'tong kabute, pabigla biglang sulpot.

"Ay shemay ka naman. Ba't bigla ka namang nanggugulat?!"

"Libre mo 'ko Jack ahh, inom tayo bukas kila Sheena."

"Wow kaya nga 'ko rumaket para makaipon tapos ako pa gusto mong manlibre."

"Sus, wag ako, alam ko namang ikaw ang productive na runner dito kaya malaki sahod mo."

"Sus, 'wag din ako, mag KKB nalang kung gano'n, 'tsaka baka 'di rin ako makapunta kasi may simba at deliver pa 'ko bukas."

"Ahh, basta tuloy kami bukas."

"Sige lang."

Tsk! wala nga 'kong time bukas, sayang naman minsan nalang kami mag bonding e.





^_^

To be continued...

I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now