Dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ang meeting place namin ay ti-next ko na lang si Danny para sure, baka kasi pagpunta ko sa lungga namin e, wala naman pala siya do'n, sayang ang pagod ko at baka maghulas pa ang beauty ko. Hindi pa naman ako maalam sa lugar namin kahit pa rito lang din ako nakatira.
To Boss Danny:
Boss saan po ba ang meeting place? para daretso nalang ako do'n.
Message sent! Ang lakas din naman ng loob ko para itanong 'yon sa kanya e, wala nga akong ideya sa sariling lugar lalo pa sa labas ng lugar namin pero nakakahiya naman kasi kung magpapasundo ako, hibang na ako kung mangyari iyon dahil boss siya at utusan niya lang naman ako.
Sinilip ko pa ang cellphone ko dahil naiinip na ako kakaantay ng reply niya. Sana naman sumagot, madalas pa naman 'tong hindi nagre-reply, malas ko lang kung badtrip pala.
*Toot
Kaagad kong tiningnan ang phone ko para malaman ko na ang meeting place dahil nae-excite ako, kaso hindi pala si Danny ang nag-text kun'di si Dennis.
From Dennis my freaking EX:
Hey kie let's meet. I can't wait you anymore. I'm badly missing you.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyon ko ngayon, kasi nalilito na talaga ako kung anong dapat gawin sa kanila, masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko alam kung sinong uunahin.
To Dennis my freaking EX:
Sorry, I'm busy right now, maybe next time.
Nanghihinayang ako sa relasyon namin ni Dennis dati, pa'no ba naman almost 3 years na kami pero hindi nag-work dahil sa pride namin. I mean sa pride ko pala, ang hirap naman kasi ng request niya, hindi ko kaya, kaya nakipag break nalang ako.
*Kring kring
Napakunot ang noo ko nang biglang tumawag si Dennis "Nagdi-daydream pa nga ako e, kahit kailan talaga ang kulit!"
Pero sinagot ko pa rin naman para matigil na siya kakatanong at baka mamaya sa pupuntahan namin ni Danny manggulo pa siya kakatawag at maistorbo ang meeting, kakahiya naman.
"Yes?!"
"Hey, are you mad?"
"Bakit ka tumawag?! Diba sabi ko sa'yo busy ako!"
"I'm sorry, Hindi ko na kasi mapigilan ang curiosity ko at gusto ko lang malaman kung bakit magkasama kayo nung guy kahapon?"
"Huh?! sinong guy?!"
"I don't know, who's he, though..."
Gosh, si Pepot siguro tinutukoy nito! Pero kailangan kong i-sure.
"Wait, saan mo ba kami nakita? Kung ako man ang tinitukoy mong may kasamang guy."
"Near at your work place. I'm not sure kie, dapat kasi pupuntahan kita sa work mo."
"What?! Ba't ka pupunta sa work ko? At pa'no mo nalaman? Sinong nagsabi sa'yo?"
"Hey just relax, first, I just wanna see you nothing more nothing less, even if you don't know, it's fine. Second, I ask people around you, pero kilala ka naman ng lahat kaya madali nalang 'yon."
"Don't ever do that again, Dennis!"
"What's wrong kie? I just wanna see you, I really missed you and we need to talk personally, right?"
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomanceShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...