36

1 0 0
                                    

Pawis na pawis ako at nanlalambot na sa takot at pagod kakapilit na makatakas sa mahigpit na pagkakatali sa akin.

"Maawa ka po... Please, huwag po!"

"Huwag kanang manlaban, mapapagod ka lang. Pa'no kita mae-enjoy kung pagod kana?"

"Maawa po kayo sa'kin... Huwag niyo po akong hahawakan!"

Iyak ako nang iyak dahil sa takot at pawisang katawan, palinga linga ang ginawa ko para makaiwas sa halik niyang nakakapang diri...

"Jackie!"

Bigla akong nagising at pawisang luminga linga sa paligid, nahihirapan akong huminga dahil lang pala sa nakaraang gusto ko nang kalimutan.

"Hey, are you okay?" Napalingon ako sa lalaking palaging nasa tabi ko kapag nasa ganito akong sitwasyon.

Hindi ko alam pero napaiyak ako sa maamong boses ni Demongel at isinabit ko ang dalawang braso ko sa leeg niya para sa mahigpit na yakap.

"Shhh, you're safe now. I promise."

Nang mahimasmasan ay bumitaw din ako sa pagkakayakap at tinuyo ang luhang nagkalat sa aking mukha.

"Thank you for being here." Sincere kong saad.

"You can count on me, babe." Napangiti nalang ako sa sinabi niya, talaga ngang maaasahan siya.

"Bakit, babe?"

Nangunot ang noo niya "Anong, bakit?" Natawa naman ako dahil hindi niya naintindihan kung ano ang tanong ko.

"I mean bakit may babe pa, e hindi naman tayo nagkukunwari diba?"

"Okay, I get it. About that, I'm used to that and I love how you consider it as your name."

"What? As my name?" Natatawa kong saad.

"Yeah, because I'm the only one who can call you that and I think you already used to that, too."

"Yeah, whatever."

Tumingin pa ako ulit saglit sa paligid bago nakangiting lingunan si Demongel na nakatitig lang din sa'kin.

"Lagi na lang bang nasa hospital ako kapag nagkikita tayo?"

Natawa rin siya sa tanong ko "Is this your favourite place?" Tanong niya rin sa'kin na ikinatawa naming dalawa.

"Jackie, how dare you!" Nagulat kami nang dahil sa padabog na pagbukas ng pinto ni Sheen at galit na galit na aura niyang mukha.

Napababa tuloy ako sa higaan ko at sana'y, lalapit na "Bak—?" Bigla naman niyang pagsampal sa'kin hindi ko tuloy nasabi ang dapat kong sabihin.

"Nag-family vacation lang ako, tapos malalaman kong pinakulong mo na ang boyfriend ko!"

Nagugulantang akong tumitig sa kanya. Humarang naman si Demongel sa'kin para hindi na magawa pang lumapit ni Sheen sa'kin.

"At hindi mo sinabing kilala mo pa talaga ang lalaking ito!"

"S-sheen magpalaliwanag ako..."

"No, wala kang dapat ipaliwanag kasi alam ko na kung ano ka. Manggagamit ka!"

Umalis na siya biglaan na galit na galit. Nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang balak na makinig sa'kin.

Huminga ako ng malalim at pinalobo ang mga pisngi ko para magpigil sa pag iyak. Naupo ako sa hospital bed na laylay ang mga balikat.

"Hey, you alright?"

"Hmm..." Mas malalim na paghinga pa ang ginawa ko para malabanan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi kung saan ako sinampal ni Sheen kaya napatingin ako sa kanya at nangungumbinsi siyang ngumiti.

Humiwas at inirapan ko siya dahil masakit pa ang pisngi ko at hindi siya nakakatulong sa'kin.

"Sorry, my bad." While scratching his brow.

I tsked "P'wede bang umuwi na 'ko?"

"Nope."

Magrereklamo sana ako sa kanya pero tumunog bigla ang cellphone niya hudyat na mayro'ng tumatawag kaya napairap nalang ako.

Panira ng moment, dapat naiyak na 'ko ngayon dahil sa nangyari pero kapag siya kasama ko nakakalimutan ko lahat ng problema ko,so weird.

Binigyan niya 'ko ng sign habang palabas sa pinto na tinanguan ko nalang. Bakit ba kailangan pang magpaalam?

Napatingin ako sa dalawa kong kamay "hmm... Himala wala akong swero."

Tumayo ako at nag ayos ng sarili. Wala akong pambayad ng bills para magtagal pa rito at kailangan ko pang makausap si Sheen ng maayos.

Dahil wala naman akong gamit ay inayos ko nalang rin ang pinaghigaan ko at lumabas na sa kwartong inuukupa ko.

"Ano ba 'to, hotel? Masyadong maganda at tahimik." Nagpalinga linga pa ako para maghanap ng elevator o kaya hagdan pero feeling ko maliligaw ako dito, napakamot tuloy ako sa ulo ko.

"Where are you going?"

Napalingon ako kay Demongel na nakapameywang sa harap ng pintuang pinanggalingan ko.

"Umm... Uuwi?" Napangiwi pa ako sa sagot ko, hindi sigurado kung tama ba ang isinagot ko.

Pumasok siya loob ng walang sinasabing kahit ano kaya no choice ako kun'di bumalik ulit sa loob.

Tatamad tamad akong pumasok sa loob at natagpuan ko siyang nakaupo sa bed kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"Alam mo ikaw, huwag kang lalabas 'agad kapag gusto mong umuwi lalo na kapag nasa hospital ka kasi pagkakamalan kang ano... ganto," while he's hands making a circle to his ears.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa inasta niya pero hindi ko mapigilang matawa dahil sa aksyong ginawa niya.

"Hey, why are you laughing?" He frowned.

Nang mahimasmasan ay pinunasan ko ang luhang nasa sulok ng mga mata ko.

"I think you're  the crazy one."

"You're good at flipping the table in just a sec'."

"Whatever."

Umalis na ako sa pagkakaupo at lumabas.

"Bizarre girl!"

Nangunot ang noo ko dahil sa isinigaw niya sa'kin. Anong word yun?

Nagkibit baliktad nalang ako "Can you please pay my bills for me, hehe" with peace sign at tuluyan ko na siyang tinalikuran at sumunod sa nurse na naglalakad din sa hall way.

^_^

To be continued....

I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now