37

0 0 0
                                    

Kung kanina ay nakangiti ako dahil sa pantitrip ko kay Demongel pauwi. Ngayon, iyak lang ako nang iyak.

"Shhh, you're such a baby."

Sinamaan ko ng tingin si Demongel dahil sa pinagsasabi niya pero patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Wait, I'll get you a glass of water para mahimasmasan ka, baka hikain ka nyan."

Nahiga nalang ako rito sa bed na  guest room niya, dahil wala naman akong choice. Lahat ng gamit ko ay nakita ko nalang kanina sa labas ng pinto ni Sheen, at nang subukan ko siyang kausapin ay mga kaibigan namin ang humarap sa'kin. Lahat sila ay galit, wala akong magawa kun'di ang umalis dahil kung hindi ay baka pagtulungan ako nila Judy para gumanti para kay Sheen, buti nalang at sinamahan ako ni Demongel sa pagpunta roon.

"Tulungan mo 'ko!"

"Wala kang mahihingian ng tulong dito bata."

Isang beses ko pa ulit tiningnan ang aninong nakita ko sa may pinto pero gano'n nalang ang sama ng loob ko dahil hindi ko na nakita pa ang anino ng lalaki.

"Tama na!"

Napabangon ako sa pagkakahiga at gano'n nalang ang biglaang pagdaloy ng luha ko. Sa halo halong nararamdaman ko ay napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Ayoko na!" Sa pagsigaw ko ay nagbigay ng kaunting kaginhawaan sa dibdib ko at sakto namang paglingon ko ay nasa side table na ang isang basong tubig kaya nanginginig ko itong kinuha at inumin.

Siguro'y nakatulugan ko si Demongel kaya iniwan dito ang isang basong tubig.

Sumilip muna ako sa bintana na medyo madilim na ang paligid, nilanghap ang simoy ng hangin "Fresh air for my mess mind, so refreshing." Isang malalim na paghinga pa ang ginawa ko bago inayos ang sarili para ibaba ang baso sa kusina.

Bago ako makapunta sa hagdan ay may dadaanan pa akong isang kwarto na siguro'y kay Demongel. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong may kausap siya sa cellphone. Kahit hindi magandang gawin ay nakinig ako sa mga sinasabi niya.

"I can't go home, right now... Yeah, kind of busy... You know, bro, I'm willing to help, this is the list I can do... yeah..."

Dahil siguro sa kagustuhan kong marinig pa ang mga sinasabi niya ay lalo kong idinikit ang ulo sa pintuan na sanhi ng pagbukas nito ng kaunti kaya dali dali akong tumakbo pababa. "Ang tanga mo! Bakit nakinig ka pa?"

"Talking to yourself is kind of weird."

Gulat akong napalingon sa kanya habang siya naman ay kumukuha ng salad sa fridge.

"Umm... Narinig mo?"

He gave me a knowing look "You want some?"

Napalunok tuloy ako sa salad na inaalok niya. Nakakaakit tingnan, parang ang sarap.

Pinaupo niya ako at pinagsilbihan na ikinanguso ko. Tiningnan ko lang ang mga galaw niya, kung pa'no magflex ang muscle niya at kung gaano kaseryo ang mukha niya.

"Take a photo, while it last."

"H-huh?"

"Here." Lutang pa akong tumingin sa salad na inilahad niya pero 'agad ding napatingin sa kanya.

"What?" He asked.

"Umm... Anong salad 'to?" Palusot ko habang tumutusok na sa salad na amoy... Wala?

Bakit gano'n? Hindi ko masabi kung amoy fresh na ewan, weird.

"Vegetable salad." He grab another chair just to watch me, na ikinailang ko.

"Oh... open your mouth." Para kasing iniisip niya na inagaw ko ang salad niya kaya susubuan ko nalang siya.

Nakanguso siya para itago ang natatawa niyang reaksyon sa'kin at saka pa-baby-ng ibinuka ang bibig.

"More tasteful because of you." Inirapan ko lang siya dahil sa masaya niyang pagnguya.

"Ang weird nitong salad, may sumasabit sa lalamunan ko." Nakanguso kong saad.

"Pero kain ng kain." Nakangiwi niya ring saad.

"My motto in life, 'kung ano ang nakahain, dapat kainin...'"

"I'm all yours, baby." Sabay kindat dahil gets ko na 'agad ang sinasabi niya.

"'...Pero kung hindi mo masikmura ang nakahain, huwag nang pilitin.'"

"What!?" Tawang tawa ako sa naging reaksyon niya, halatang hindi niya matanggap.

He flex his muscles infront of me, while I, chewing the salad wearily.

Naghugas at naglinis muna ako ng kusina bago umakyat para matulog. Nawalan ako ng gana dahil sa pangungulit ni Demongel at mabuting matulog nalang tutal nakakain ako ng salad na kakaiba sa panglasa ko at kahit papa'no ay nagkalaman din ang tiyan ko.

Sinilip ko ang cellphone kong nakalagay sa side table ng kwarto ko ngayon at gano'n nalang ang patataka ko sa sunod sunod na texts and missed calls ni Dennis.

Magrereply na sana ako pero biglang tawag ang natanggap ko.

"You're mad?" Pagbungad ko.

"What really happened?" Seryosong boses niya ang binungad sa'kin, kaya naiiyak nanaman ako.

I sighed before I start "Matagal niya na akong binabastos pero umiiwas lang ako para hindi ulit magalit si Sheen nung sinabi ko sa kanya... Kanina alam niyang may family vacation si Sheen pero nagpumilit siyang p-pumasok balak ko na u-umalis pero pinasok niya ang kwarto ko at i-itina-li sa paa ng k-kama a-ng s-singturon niya..." Hindi ko na napigilan at napa hagulgol ako sa sakit at takot na nararamdaman ko.

"Where are you?" Lumambot ang boses niya at alam kong kung katabi ko siya ngayon ay yakap yakap niya na ako.

"Jackie!" Nagulat ako sa biglang pagtawag at pagyakap sa'kin ni Demongel na hindi ko namalayang nasa pintuan pala kanina.

"Yeah, your with him..." May inis sa boses.

"Charles!" Kabado ko siyang tinawag pero hindi na siya muling nagsalita at biglang pagpatay ng tawag na lalong ikinalungkot ko.

>.<

To be continued...

I'm a mess (Zamora Series Book 1)Where stories live. Discover now