"Jackie! Hija!"
"Ohh, nanay Josephine, ikaw ho pala, hehe..."
"Ikaw na bata ka, ba't hindi mo 'ko pinupuntahan sa bahay?"
"Ahh, yun ho ba, na'y na-busy ho kasi ako pero na'y kapag may time ako tatambay po ako d'yan sa bahay niyo."
"Nakakatampo naman. Alam mo namang ako lang mag isa sa bahay."
"Oho na'y, pasensya na talaga." Sabay pagyakap ko sa kanya para hindi na siya magtampo, nakaka-miss din kasi si nanay.
"Ohh, sige na at mukhang mabigat ya'ng dalahin mo basta 'wag mong kakalimutan pagbisita sa'kin, ilang bahay lang naman pagitan ng atin."
Napangiti ako nang silipin ko ang bag na mabigat sa aking kanang balikat. Namili ako ng grocery ngayon dahil kahit papaano ay may perang binigay sa'kin ni boss Danny kanina, hindi ko nga alam kung anong dahilan ng pag aabot niya ng tulong sa'kin pero huwag na raw akong magtanong pa kaya hinayaan ko nalang, as if naman na hindi malaking tulong itong pag- aabot niya sa'kin ng pera.
"Sige ho na'y mauuna na ho ako baka kasi wala pang pagkain sa bahay."
And once again nakita ko nanaman yung awa at lungkot niya para sa'kin and I appreciate it. I'm really thankful na nakilala ko si nanay, siya na kasi ang nagsilbing pangalawa kong ina.
"Ano sige hindi ka titigil?!" Dito palang sa labas ay rinig ko na ang malakas na iyak ng mga kapatid ko at ang mga palong paulit ulit kaya nagdali dali akong pumasok sa loob ng bahay namin, nahirapan pa akong pumasok dahil sa mga bitbit ko. "Diba sinabi ko na kapag maglalaro kayo, laro lang, dahil naiirata ako kapag magulo at maingay ang bahay dahil sa pag aaway ni'yo!"
Naabutan ko ang sitwasyon nila Nathan at Jane na pinapalo ni mama. Si Jane iyak ng iyak sa sahig kahit si Nathan naman ang pinapalo. Ewan ko ba sa dalawang 'to parang aso't pusa.
"Ma anong nangyari?"
"Ito kasing dalawang 'to, maglalaro tapos mag aaway, nakakarindi!"
"Jane, Nathan, umakyat na kayo sa taas!" Dali dali silang tumakbo paitaas.
"Alam naman nilang masama ang pakiramdam ko tapos ganyan ang trabaho nila, hindi nalang sila magtagpi ng basahan para makabenta!"
Napansin ko kay mama laging masama ang pakiramdam tapos antukin din, hindi kaya buntis nanaman 'to? kung sakali edi walo na kaming magkakapatid.
"Ma buntis ka ba?"
"Huh? Aba malay ko, hindi naman ako gan'to kapag buntis. Hindi ako maselan magbuntis baka pagod lang 'to."
"Kasi ma, pansin ko lang lagi kang nahihilo, antukin, at mabilis ka ring mairita."
"Oo na, sa monday magpapa-check up ako sa center. 'Tsaka kumain kana dahil maaga pa tayo bukas sa church ayaw ng papa mo ng late." Napangiti ako nang mabasa ni mama ang sinasabi ko, kilalang kilala niya na talaga ako.
"Sige ma. Kumain naba kayo?"
"Oo tapos na."
Napatingin naman ako bigla sa wall clock namin dahil medyo maliwanag pa sa labas.
"Ang aga naman, quarter to six palang, ah."
"Ayoko na kasi mag asikaso sa kanila mamaya dahil siguradong aantukin na 'ko, maya maya lang."
"Ahh, ganon ba? oh sige ma, magbibihis lang ako."
Umakyat na 'ko agad sa itaas. Naligo na muna ako at nagbihis para pagkatapos kong kumain ay magtotoothbrush nalang ako.
"'Te nandito na ba si Ellen?" Bungad sa'kin ni Vince na halatang kakauwi lang galing school.
"Huh? Hindi ko napansin, bakit?"
"Tsk, wala!" Nakabusangot niyang sagot.
"Teka ba't ngayon ka lang umuwi?"
"Hinatid ko girlfriend ko. Anong food natin diyan?" Habang sinisilip ang mga nakatakip sa mesa.
"Girlfriend, girlfriend ka diyan? wow, natalo mo pa si kuya Jose!"
"Alam kong gwapo ako 'te, kaya nga pati teacher, may crush sa'kin."
"Uloks mo, kaya ka siguro nakakapasa dahil diyan sa pa-cool mo."
"Wala akong magawa 'te, type nila ako. Did you know I am the campus crush?"
"No I didn't. So you mean you are the pretty bad boy?"
"The best word is handsome not pretty. Do I looked like a girl? duh! whatever..."
"Haha... guilty isn't it? You really look like a girl, though."
"Don't say it again. Just, shush your mouth, you're not helping me."
"And what's your problem?"
"My handsomeness."
"What the hell! hahahahah..."
Narinig ko pa siyang pabulong na nagsalita pero hindi ko na tinanong pa kay Vince dahil nabadtrip ko yata siya.
"Ano kayang mayro'n kay Ellen?" Hindi ko rin siya napansin kasi kapag wala siya sa kwarto niya ay nasa library siya ng school nila. Puro aral lang naman inatupag ng babaitang yun kaya sinosoportahan ko dahil iyon ang tamang gawin.
"Kung hinahanap siya ni Vince, ibig sabihin wala siya sa school ngayon, nasa'n naman kaya yun?" Ang lalim tuloy ng pagkakanot ng noo ko pero hinayaan ko nalang mawala ang tanong dahil hindi ko rin naman masasagot yun.
Dahil natalo ko ang kahanginan ni Vince ay inalisan nalang ako bigla. Nagdadabog pa at kunot na kunot ang noo, halatang malalim ang iniisip.
Pagkatapos kong kumain at mag-toothbrush ay umakyat na 'ko sa 'taas at dinaanan ko muna si Vince sa kwarto nila ng mga kalalakihan.
"Hey pretty Vince, please wash the dishes."
"Sige lang 'te." Tatamad tamad niyang sagot. Himala at hindi nagreklamong maghugas ang kumag. Ano kayang mayroon do'n?
Pumunta na 'ko sa kwarto ko para makatulog na ng mas maaga sa oras talaga ng tulog ko. Ginagawa ko 'to mostly every Saturday lang naman o kaya kung may free time para kahit papaano ay may beauty rest ako.
^_^
To be continued...
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
Roman d'amourShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...