Alasingko ng umaga ako nagising kaya nag luto na muna ako para kapag nagising na silang lahat ay makakakain na sila 'agad.
"Ohh Jack, buti naman at maaga kang nagising at nakapag luto." Papikit pikit pa ang mga mata ni mama dahil sa ilaw, palihim akong natawa sa itsura niya. Ngayon ko lang ulit nakita si mama ng bagong gising, madalas kasi siyang nauuna sa paggising para mag-asikaso sa mga kapatid ko.
"Kaninang alasingko pa ako gising ma, kaya naisipan ko nalang magluto para makakain 'agad kayo."
"Himala at napaaga ang gising mo?"
"Maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya maaga rin ako nagising and take note, walang alarm na naggising sa'kin." Proud ko pang saad. Ang laki laki ng ngiti ko pero walang naging reaksyon si mama kaya napapahiyang tumikhim ako.
"Napasarap kasi tulog ko kaya ngayon lang ako nagising. Nasaan na ba 'yang mga kapatid mo?" Binalewala niya lang ang sinabi ko at naupo na sa mesa.
Tahimik akong naglapag ng mga pinggan, kutsarita at tinidor sa mesa 'tsaka nilagay ang ulam at kanin sa hapag.
"Gisingin ko nalang ma. Mauna ka nalang muna kumain para hindi tayo siksikan sa upuan mamaya."
Umakyat na 'ko agad at baka maabutan pa sila ni papa na tulog pa rin hanggang ngayon, baka maging almusal pa namin ay sermon. Alam kong ayaw naming lahat yun pero matitigas talaga ang mga ulo ng kapatid ko lalo na ang mga kalalakihan na mukhang nagpustahan pa sa laro, malas lang nila kung makita sila ni papa, paniguradong may bukol sila.
*Knock knock knock
"Kuya Jose, Jerico, Vince at Nathan bumangon na kayo diyan baka maabutan pa kayo ni papa."
Pagkabanggit ko palang ng salitang papa, dali dali na silang nag sibangon para mag-ready sa pagligo, ako naman ay pinuntahan ko na ang mga kababaihan.
*Knock knock knock
"Ellen at Jane bangon na baka maabutan kayo ni papa."
Katulad ng mga boys gano'n din ang ginawa nila Len at Jane.
Nakakatawa talaga 'tong mga kapatid ko nagkukumahog sa pagkilos kapag si papa ang usapan, syempre ganyan din ako 'no. Lahat kami ay takot kay papa, kilala man bilang isang masipag at lasinggero at the same time, pero sobrang terror niyan dito sa bahay, ayaw niya ang tatanga tanga at napapahiya sa iba.
Ako naman ay pumunta sa kwarto ko para mag-ready sa pagligo at bumaba na rin.
"Ohh, ba't nagkakagulo kayo?"
"Pa'no nag uunahan sa pagligo." Sagot ni kuya Jose na nakabusangot nanaman. Kailan ko ba 'to nakitang ngumiti? Napangiwi nalang ako sa naisip ko kay kuya Jose. Ito ang nag-iisang taong nakita kong mayro'ng kakarampot na expression sa mukha at bihira mo lang makikita yun, seasonal kumbaga. Kaya laging pinagtitripan nila Rico at Vince si kuya.
"Ladies first kasi ano ba?! mauuna na kami ni Jane!" Si Ellen na kaaway nanaman ni Vince. Itong dalawang 'to parang si Nathan at Jane rin. Parang aso't pusa, palaging magkaaway pero kung tingnan para namang kambal. Kakatawa kasi hate nila isat isa pero kapag may nangyari kay Ellen reresbakan kaagad ni Vince.
"Anong kayo? dinamay mo pa talaga si Jane, e ang bagal bagal mong maligo!" Sagot ni Vince na hindi magpapatalo. Sa kahit kanino matapang itong si Vince kay papa lang yata ito lumambot.
"Ano ba at nagkakagulo kayo rito?" Ayan na si papa, narinig na ang kumusyon, nako kakain nalang muna ako para di ako madamay. Kahit hindi pa siya nasigaw sa lagay na yan ay galit na ang tono niya, kaya kapag bago ka sa bahay na'to paniguradong iiyakan mo ang sitwasyon mo.
"Kung sino ang naunang bumaba siya ang mauna sa CR at yung iba kumain muna, ang aga aga ang ingay ingay ni'yo. Anong oras na kasi kayo nagsigising at ngayon nag uunahan kayo sa pagligo!"
Kukuha na sana ako ng pinggan nang bigla akong tawagin ni papa. Nagulat tuloy ako at palihim namang natawa ang mga kapatid ko pwera lang kay kuya Jose at mama.
"Jack, ikaw na maunang maligo at ikaw ang may gampanin do'n!"
"Oho pa!" Nagdali dali tuloy ako sa pagkilos. Ang mga buang kong kapatid naman ay pasimpleng nababangayan kung sinong uupo sa gilid ni papa na ikinanguso ko para hindi matawa.
"Magsikain na kayo kapag nangyari pa 'tong katangahan niyo hindi niyo magugustuhan gagawin ko!" Habang naririnig ko si papa na nagsesermon nanaman sa kanila at ako naman ay binilisan na ang pagligo para makaligo na ang iba at hindi ma-late.
Pagkatapos kong maligo't kumain ay nagsipilyo na 'ko at daretso na sa taas para ayusin ang mga dadalhin ko.
"May nakalimutan pa ba ako? Ay oo nga pala yung order!"
Dali dali na 'kong kumilos para makaalis at mauna na sa church dahil magre-ready pa kaming mga singer.
"Jackie ba't wala ka palagi sa practice natin tuwing sabado?"
"Ay Sis. Jena rumaraket ho kasi ako kapag weekend." Napapahiya kong sagot. Kung makatingin naman kasi sila sa'kin parang alien ako.
"Gano'n ba? paminsan minsan pumunta ka sa practice para hindi unfair sa iba."
"Okay po." Nahihiya kong tugon.
Siguradong mababalita 'to kay papa lagot nanaman ako, tsk!
Nag-start ang misa sa eksaktong alasyete ng umaga hanggang matapos ng alasdose ng tanghali. Marami nang nagsisiuwian at naiwan ang ibang may katungkulan katulad ni papa na MC.
"Ma! Ma!"
"Ohh Jack, Ano 'yon?"
"Kailangan ko nang mag-deliver ngayon. Aalis na 'ko."
"Agad agad? Baka hanapin ka ng papa mo."
"Hindi niya naman mahahalata ma kasi hanggang gabi na 'yan siya o kaya naman ay sabay nalang tayong umuwi para hindi halata na wala ako."
"Ay nakong bata ka madadamay pa kami sa'yo niyan!"
"Sige na ma, sayang kita ko rito."
"Oo na sasabihin ko nalang na uuwi na tayo dahil masakit ang ulo ko."
"Thank you ma!"
Nag paalam na si mama na aalis na kami kaya maaga akong lumarga papunta sa parish. Ang mga kapatid ko naman ay tuwang tuwa dahil makakalaro sila sa labas kasi wala si papa.
"Jackie sa'n kana?"
"Wait lang,, malapit na 'ko, alam mo naman na nahirapan pa akong tumakas e."
"Ohh sige, nandito lang ako sa bungad, sa may gate."
"Oo nakikita na nga kita e."
Kaya pinatay ko na ang tawag at kinawayan siya mula sa may kanto ng isang magandang bahay habang mabilis na kinalikot ang bag para maiabot ko na 'agad ang deliver ko sa kan'ya at para walang maging aberya pa.
Pagkarating ko 'agad sa harap niya ay inabot niya na agad ang pera at iniabot ko naman ang box na maliit na itsurang lalagyanan ng singsing para walang makahalata kung ano man ang transaction namin ngayon.
"Thanks. Una na 'ko, haa? Tawagan mo nalang ako kung may mangtitrip sa'yo rito, sagot kita 'agad."
"Salamat, Migs!"
Sa isang araw na transaction may isang libo ako. Swak na swak para makaipon.
Yung kinikita ko sa isang linggo sa grocery store ay kaparehas ng kita ko ngayon kaya hindi ko tinigilan 'to, kahit na hindi na tama, ito lang kasi ang nakikita kong paraan para makaipon ng mabilis dahil isang deliver mo lang mabubuhay na ang pamilya mo sa pang isang lingguhan.
^_^
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/237227864-288-k919362.jpg)
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomanceShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...