"Demongel anong gagawin ko?" Kagat kagat ang labing sabi ko. Natatakot kung anong gagawin sa'kin ni papa mamaya dahil tumakas at hindi pa 'ko umuwi kagabi.
"Don't worry sasamahan kita mag explain sa papa mo."
"Akala mo ganon lang kadali yun!"
"Kumanan ka!"
"Liar, stop shouting. Ang sakit mo sa tainga!"
"Bakit ka nagagalit sa'kin, ikaw naman may kasalanan kaya hindi ako nakauwi!"
Hindi siya sumagot at masama lang akong tinignan na animo'y nananaway kaya inisnaban ko nalang siya.
"Dito nalang."
Tinanggal ko ang seat belt at bumaba na 'ko 'agad. Hindi man halata pero sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sinong maabutan ko sa bahay.
Lumingon ako sa likuran ko dahil masyadong maraming chismosang tumitingin dito at may malisyosang tingin.
"Babe, ano ba ba't nakasunod ka lang d'yan?" Ikinapit ko ang braso ko sa braso niya at inisnaban ang mga chismosang nakapaligid samin.
Nanigas ako nang igapang niya ang kamay niya sa likuran ko at inihapit sa kanya, lalo tuloy kaming nagdikit.
"Hey liar, you're really something."
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya lumuwang ang pagkakahapit niya sa'kin pero hindi pa rin niya mapigilang hindi ngumisi "Just act, okay?"
"Ano nalang kayang sasabihin ng papa mo, 'no?"
"Hindi niya naman malalaman unless magsinungaling ka na may relasyon tayo."
"Asa ka! Wala naman akong planong makarelasyon ka, unless ichismis ng mga taong nakakita sa'tin ngayon." Panggagaya niya pa sa tono ko kaya tinulak ko na siya palayo sa'kin at nauna nang maglakad para hindi maabutan ng kung sinong tao sa loob na may lalaking nakadikit sa'kin.
Huminga muna ako ng malamin bago ko binuksan ang gate namin at tama nga ang hinala ko inaabangan na 'ko ni papa sa sala pero iba ang awrang nakikita sa mukha niya.
"Jack bakit hindi ka nagpaalam sa'kin na umalis pala kayo ng nobyo mo?"
Huh? Nobyo? Si Demongel ba? Napalingon ako sa labas at nagtatanong niyang mukha ang sumalubong sa'kin. Ibig sabihin ay wala siyang alam.
"Nasabi rin sa'kin ng nobyo mong si Charles na may family dinner date daw kayo sa kanila kaya hindi ka makakauwi."
"Po? Per—."
"Magandang araw po tito."
Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pagbati ni Charles sa papa ko na animo'y close na silang dalawa.
"'Pumasok ka hijo, nag almusal na ba kayo?" Nilingonan ako ni papa na para bang nag uutos kaya nalilito akong napatingin sa kanya "Asikasuhin mo ang nobyo mo Jack."
Nilingon ko muna si Demongel pero nakita kong wala na siya roon at balak ko pa sanang silipin kaya lang tinawag na 'ko ni papa.
Habang kumakain at nakikipag kwentuhan si papa kay Charles sa hapag ay naramdaman kong may nagvibrate sa sling bag ko kaya palihim ko itong sinilip at nakitang nandoon na ang cellphone ko.
Nakita kong nilingunan ako ni Charles kaya nagpaalam muna akong pupunta sa CR bitbit ang cellphone ko.
*From MY BOYFRIEND:
We're happy kissing than having a family dinner date, right?
What the hell Demongel!
Anong happy kissing!
*From MY BOYFRIEND:
I really enjoyed our date and your kissable lips. 😘
"Ate Jack hinahanap kana ni papa."
Nanggagalaiti akong lumabas ng CR pero kinundisyon ko muna ang sarili ko bago bumalik sa hapag.
"Bakit ang tagal mo namang bumalik kanina ka pa nililingon ng nobyo mo."
Napalingon ako kay Charles at nakita ko syang seryosong nakatingin sa'kin kaya binaling ko nalang kay papa ulit ang tingin ko.
Ngumiti lang ako at umupo na ulit sa dati kong pwesto. Tinitigan kong mabuti ang mga kilos ni papa at Charles. Tahimik sa pagmamasid sa dalawa ang ginawa ko dahil hindi naman ako makaalis sa pwesto dahil paniguradong mababastusan si papa sa gagawin ko kaya paminsan minsa'y nakikitawa ako sa usapan nilang dalawa.
Ang laki talaga ng pagtataka ko sa nangyayari ngayon, hindi ko masabi kung nagsisinungaling si papa sa reaksyon niya dahil halatang masaya siya at kumikislap pa ang mga mata sa tuwa.
Nakapag excuse lang ako nang ako ang magprisintang maghugas para maiwan silang dalawa sa pag uusap tungkol sa mga negosyo.
"Oyy 'te alam mo na ba na kasing gwapo ko yung boyfriend mo?"
Dahil sa rindi ng narinig ko ay inihilamos ko kay Vince ang basa kong kamay para naman magising siya sa katotohan.
"Ano ba yan, kadiri ka naman!"
"Dapat lang 'yan sa'yo ang ingay mo!"
"Ano ka ba 'te, okay lang yan na ipinagmamalaki mo yung maganda sa'yo kasi totoo naman, pwera lang sa feelingera."
"Jack!"
Napalingon ako sa bungad ng kusina nang tawagin ako ni papa kaya ang kumag ay tumigil 'agad sa pangangasar at pumunta nalang sa banyo.
"Ninja moves talaga tong kumag na to." Habang nagpupunas ng kamay para magtungo sa sala.
"Jack ihatid mo na ang nobyo mo sa labasan."
Napalingon ako kay Charles at magalang na napangiti kay papa, naaasar tuloy ako.
"Tito huwag na po, malapit lang naman po ang area kung saan ako nagpark."
"Ahh ganon ba? Mag iingat ka."
"Opo."
Dadaretso na sana ako sa gate pero pinigilan ako ni Charles at biglang hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko at napatingin kay papa pero mas ikinagulat ko na ang laki ng ngiti niya.
Napalingon nalang ulit ako kay Charles nang nagpaalam siya ulit kay papa at tuluyan nang umalis.
"Jack, gusto ko siya para sa'yo."
^_^
To be continued...
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomansaShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...