"Sakit ng ulo ko!"
"Ang ingay ingay mo Sheen mag almusal ka na nga lang baka maalala mo pa pinaggagagawa mo kagabi!"
"Siraulo ka kasi kagabi Sheen ikaw ang bida ng saya. Para kang tarsier kung makakapit kay Jackie, ang kulit kulit mo sobra."
"Kingina niyo po! Ako talaga trip niyo kagabi mga animal!"
"Pero 'wag papakabog sa dyosa!"
"Tutulog tulog lang 'yan pero nagwe-wet dreams na 'yan sa lips ni Charles!"
Nagising ako sa ingay nilang lahat dahil kung mag usap akala mo walang natutulog sa palagid. Ang sakit sakit pa naman ng ulo ko kulang pa 'ko sa tulog dahil alas kwatro na kami natulog kaya ngayon kakamot kamot ako ng ulo nang tumayo para simangutan silang lahat na nasa hapag.
"Bakit ba ang ingay niyo!? Ang sakit ng ulo ko!" Naiinis kong saad. Para kasing mabibiyak ang ulo ko sa gitna. Ito na yata yung sinasabi nilang hangover.
"Goodmorning Jackie! ano nakausap mo ba si Charles sa panaginip mo? Laki ng nganga mo e!" Si Raph na pabibo maliban kay Sheen.
Nagtawanan sila ng napaka lakas para lang lalo akong mainis. Ako naman palagi ang trip nila sa kadahilanang minsan lang ako sumama sa kanila kaya sinusulit na nila. Masasabi ko namang sulit dahil sa isang araw na kasama nila ako ay maya't maya ang asar.
"Hay salamat nagising ka rin, 'no?!" Segunda ni Mike na inirapan ko lang.
"Tigilan niyo ako Mike at Raph! bwisit kayo ang ingay ingay niyo alam niyo naman na rito lang ako sa couch natulog e!"
"Ay sorry! nakakahiya naman sa'yo mahal na reyna. Hindi porket nanahimik kami sa moment niyo ni king Charles at mayro'n pang matamis na halik kagabi ay hindi na kami p'wedeng mag-ingay ulit! Mag pasalamat ka pa nga sa'min dahil nagising kana, paniguradong hinahanap kana sa inyo! " Mahabang alintana ni Sheena.
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ni Sheen ang speech niya ay nagising talaga ang diwa ko at napatayo kahit na siguro'y may bakas pa ng laway sa mukha ko at paniguradong magulo ang buhok.
"Hala, ba't 'di ni'yo 'ko ginising kanina pa?!" Kabado ako dahil sa naiisip na magiging sitwasyon ko mamaya sa bahay na lalong ikina-stress ko.
"Ohh, tamo, kami pa ngayon ang may kasalanan! nag we-wet dreams ka panga kaya hinayaan ka na namin. Alam naman namin na napuyat ka sa kaiisip ng halik niyo ni Charles." Kibit balikat ni Daph. Kailangan ba talagang ipaalala sa'kin yung nangyari kagabi. Paniguradong bukang bibig nila 'to sa buong araw kaya mas okay na rin na umalis na ako.
Napairap nalang talaga ako sa kanilang lahat dahil nagbalikan na sila sa usapan at ang mga siraulo pinag chismisan pa ang kissing scene namin ni Charles kagabi! Mga walang hiya! Akala mo wala sa harap nila 'yong pinagchichismisan nila!
Pero sinawalang bahala ko muna 'yon at inatupag ang sarili. Lagot ako sa bahay nito baka wala na 'kong bahay na uwian!
"Ohh, sige na aalis na 'ko mga bwisit kayo!"
Sinubukan ko pang tingnan ang mukha ko sa salamin na nakadikit sa gilid ng pinto pero lalo lang akong nabwisit dahil sa itsura ko. Wala na akong panahon para mag-ayos pa at umirap sa mga gunggung. Pinagtawan pa talaga nila ako habang ako naman, hindi magkamayaw sa pag mamadaling makalabas at makauwi dahil ala syete imedya na ng umaga at paniguradong gising na silang lahat dahil lunes ngayon!
Hindi na 'ko nagpaalam ng maayos sa kanila dahil mang iinis lang naman ang mga 'yon at ang mga hinayupak, hindi manlang ako inaya mag almusal, mga walang puso! Ito pang problema ko paniguradong matatagalan ako dahil nakita at sinundan nanaman ako nitong si Pepot nung napadaan ako sa harap niya kanina.
Taga saan nga ba itong si Pepot? Kung saan saan ko kasi siya nakikita. Kamalas malasan pa ay ngayong araw niya pa ako nakita.
"Jackie may sasabihin ako wait lang!"
"Pepot next time nalang nagmamadali talaga ako kailangan ko nang umuwi!"
"Wait, hindi kaba umuwi sa inyo?"
"Please, Pepot mamaya nalang siguro, pagpasok ko kila ate Lanna."
"Jackie wait nga sabi e!"
Nagulat ako nang bigla niya 'kong hinaklit kaya napaharap ako sa kanya. Nanakit kaagad ang braso ko kung saan niya inaklit.
"Jackie anong nangyayari sa'yo huh!? Noong nakita kitang kasama si Migs na alam nating adik pinagtaka ko na kaagad at ngayon malalaman ko hindi ka umuwi!?"
"Ano bang pake mo Pepot?! kung masama iniisip mo sa'kin bahala ka!"
Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya mabilis na kong iwinaksi ang braso ko at nagmartsa paalis dahil sobrang frustrated ko na dahil hindi pa ako nakakauwi at sa mga bintang ni Pepot sa'kin.
Nang nakarating na ako sa bahay ay dahan dahan kong binuksan ang gate para hindi nila mapansin at marinig na nakauwi na 'ko. Nagawa ko naman nang tahimik ang pagbubukas kaso...
"Nako nako nako lumabas ka pa pala?..." Na may demonyong ngisi. Nagpantig 'agad ang tainga ko dahil sa boses ni Vince. Paniguradong masisira diskarte ko!
Aliw na aliw talaga siya kapag alam niyang may ginawa kaming kababalaghan at paniguradong gagamitin niya 'to para sa kailangan niya.
"Huwag kang maingay Vince kung ayaw mong isumbong kita sa kalandian mo sa school!"
"Nako 'te 'di bali nang isumbong mo, sigurado naman akong mas lamang ka sa pagalit."
Kahit kailan demonyo talaga itong si Vince. Palagi niya kaming napapaikot sa mga pabor niya dahil siya palagi ang nakakahuli sa mga kabalbalan namin.
"Siraulo ka talaga wala kang baon sa'kin tamo!"
Nangunot ang noo ko dahil sa biglang pagkawala ng nakakaloko niyang ngiti. Si Vince ba talaga kausap ko?
"Ay sige 'te alis na ako, marami pa kasi akong ire-review at recitation sa school, bye!"
"Baka girlfriend mo lang-..."
"Sa'n ka galing?"
Napatayo ako nang tuwid nang marinig ko ang boses ni papa sa likuran ko. Kaya pala biglang naging mag aaral ang bwisit na Vince na 'yon dahil nasa likod ko pala si papa!
Humanda ka sa'kin Vince may araw ka rin!
Huminga muna ako ng malalim at humarap, bago umakting ng normal sa harapan niya.
"Pa!"
Dumaretso siya papasok sa loob ng bahay at sinundan ko naman siya ng tingin kaya medyo nakahinga ako nang maluwag pero kaagad ding napigil dahil naumupo siya sa sala.
"Nakita kitang nagmamadali pauwi sa'n ka galing?"
"May nakalimutan ho kasi akong gamit na kailangan dalhin kila ate Lanna."
Palusot dat com nanaman ako, sana hindi mabuko dahil sa buong buhay ko ngayon ko lang ito nagawa kay papa at sobrang nakakapanlamig at kaba ang talagang mararamdaman ko.
"Anong oras ka umalis ng bahay?"
"Ummm... alasingko ng umaga po!"
"Hmmm..."
Umalis na siya bigla pero nando'n pa rin ang sungit niya at halatadong hinuhuli niya ako kaya kailangan kong galingan pa sa pagsisinungaling, dahil kung hindi? lahat ng kasama ko sa bahay na ito ay madadamay at hindi ko alam kung anong parusa ang gagawin ni papa sa akin maging sa iba pang tao rito ngayon. Goodbye na talaga kapag nagkataon.
Kahit kabado at antok ay nagkilos pa rin ako para pumasok na kila ate Lanna.
^_^
To be continued...

YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
RomanceShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...