Sobrang pagkamangha ko talaga sa mall na 'to pagpasok palang namin napanganga na 'ko. Pa'no ba naman may afam kaagad akong nakita kaya nagharthart ang mga mata ko, ang gagwapo at ang gaganda ng tao rito, kahiya naman sa suot ko naka-tribal nga hindi naman bumagay sa skirt ko, baduy ko talaga manamit.
"Boss anong mall nga 'to?"
"ATC."
"ATC?"
"Alabang Town Center!"
"Hala boss tunog pangmayaman kalerki."
"Shh... tumigil ka nga sa kamangyanan mo baka pagkamalan ka pa diyang pulubi, bahala ka iiwan talaga kita rito!"
Hala grabe siya namangha lang e, pa'no ba naman first time ko palang pumunta rito kasi nga pangmayaman yata itong mall, 'tsaka hindi talaga ako belong dito dahil sa itsura ng pananamit ko palang lagapak na buti nalang kumikinang ang ganda ko, hehe...
"We're hear ayusin mo 'yang sarili mo at baka tumulo pa laway mo kapag nakakita ka ng species."
"Boss anong species? nako nako akala ko ba formal?"
"May sinabi ba 'kong hindi?" Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya dumagdag nanaman ito sa mga words na kailangan pa yata ng research.
"Ahhh sabi ko nga boss e."
Grabe sungit naman Danny kala mo talaga e? Kengkoy ka pala talaga ahh, yari ka sa'kin Danny boy at kapag pogi talaga 'yan nako nako paniguradong mabubusog mata ko hehe...
Pumasok kami sa loob ng isang mamahaling restaurant na may iilang naka suit pa nga. Syempre ano pa nga bang aasahan ko puro yata business man ang pumupunta rito, sobrang formal kasi hindi lang dahil sa way ng pananamit kun'di dahil rin sa kilos nila, mukha pang terror gzzz...
"Hey! here..."
Napalingon ako sa lalaking kumaway sa'kin o kay Danny? siya ba yung kikitain ni Danny? nakapolo shirt at pants lang at parang tamad na tamad pa sa buhay pero ang aura nakaka-heart attact. Natuklasan ko nga nang lumapit do'n si Danny para makipag bro shake na ikinangiwi ko akala ko ba formal? pero sumunod na lang ako at nakatingin lang sa kanila kaya siniko ako ni Danny, syempre alam ko ya'ng pasiko siko niya.
"By the way this is Jackie and Jackie this is Mr. Claws my..." nakita ko siyang sikuhin ni Mr. Claws. "partner."
"Good morn—... afternoon Mr. Claws."
Grabe shet!!! nakakabulol naman talaga kapag may demongel na nagpakita sa 'yo goshh! nag-heart ang mga mata ko, lalong pumogi sa malapitan, mukha ring afam.
Tinanguan niya lang ako at tamad na nag aya nang upo sa'min
"Have a seat."
Grabe siya pati pagbati tinatamad? nako nako first impression ekis 'agad buti nalang gwapo, tsk!
Kakaupo palang namin ng maayos ay may nilapag kaagad na pagkain sa mesa. Ano ba 'to, instinct na nilang alam ang oorderin? grabe ahhh, mind reader pala 'tong restau' na 'to ang unique.
"I forgot to tell you guys, I already ordered our food but if you don't like it, you may order your own."
"It's fine I don't mind." Habang nakatingin ako sa mga pagkain na in-order niya. Hindi naman masama yung pagkain, mukha ngang masarap e, 'tsaka pag umorder ako ng gusto ko wala naman akong pambayad kaya tama lang ang sagot ko sa kan'ya.
"Ehem!"
Napataas ang tingin ko sa kanilang dalawa nang may tumikhim. Inosenteng mukha ang iginawad ko sa kanila, nagtataka kung bakit sila nanahimik.
Napalingon ako kay Danny nang sikuhin niya ako ng palihim kaya kunot noo ko siyang tiningnan pero masamang mukha ang iginawad niya sa'kin.
Owww my bad! Mali ba yung sinabi ko? Gzzz paktay na!
"Umm... excuse me, powder room."
Umalis na kaagad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil alibi ko lang naman 'to buti nalang may nakapansin sa'king crew at tinuro ang comfort room kaya nag ayos nalang ako at tumambay ng ilang minuto do'n para makapag start na sila ng convo.Pagbalik ko sa pwesto ko ay nag-uusap na sila at alam kong nakalimutan na ni Danny ang ginawa ko kaya tahimik na 'kong umupo at nagulat dahil biglang lumapit at yumuko sa'kin ng kaunti si Danny para bumulong.
"Ang tagal mo naman?"
"Huh! Ah... eh... pila kasi hehe..."
Masamang tingin ang iginawad niya niya sa'kin dahil alam niyang palusot ko lamang iyon.
"Ehem!"
Umayos na kami ng upo dahil sobrang awkward. Ito kasing si Mr. Claws kanina pa pala nagmamasid sa'min.
"You two are... in a relationship?"
"Noooo!"
"Complicated."
Sabay naming saad ni Danny kaya napalingon 'agad ako sa kanya dahil sa sagot niya, really Danny? Anong trip mo? Parusa ba 'to? Paparusahan mo 'ko?! Gosh gan'to ba punishment niya?!
"Owww... "
Halata namang natatawa pa 'tong si Mr. Claws dahil sa reaction namin, aliw na aliw?!
"No... were not a thing, he's my boss!" Defensive kong sagot dahil sa reaction nitong si Mr. Claws. Issue kasi masyado kaya kailangang tapusin 'agad para hindi na madugtungan pa.
Napangiwi naman silang dalawa dahil napalakas yata ang boses ko at napatingin na rin ang mga tao sa loob ng restau', gzzz... Kaya nanahimik na 'ko at kumain nalang.
"I see..."
Napalingon naman ako dahil sa sagot niya pero 'agad nag iba ng topic kaya quite nalang ulit ako.
Dinivert na ni Mr. Claws ang usapan at nakahinga naman ako ng maluwag.
Lumaki bigla ang ngiti ni Danny dahil sa biglang anunsyo ni Mr. Claws sa deal nila ni Danny. Ako naman nakamasid lang at nag-aabang ng signal kung aalis na ba kami ni Danny tutal tapos na rin naman ang meal namin.
Kating kati na talaga akong umalis dahil ayaw ko nang mapahiya pa pero itong dalawa sige pa usap!
"That's a deal Claws!"
"Yeah, sure, no worries 'bout that."
"We need to go, I'll fix the papers immediately!"
Siguro nahalata ni Danny na buryo na 'ko rito kaya nagpaalam na rin siya tutal kailangan ko nang umuwi dahil anong oras na rin kasi.
"Yeah... take care."
Nakatayo na kami pero nagtaka ako sa ngisi ni Danny sa'kin kaya napalingon ako kay Mr. Claws na nakatingin pala sa'kin?
Ako ba kausap nito???
"Huh?" I awkwardly ask but he shifted his gaze to Danny.
Ayy leche hindi pala ako kausap mag-assume na sana ako, sayang demongel single pa naman ako tsssk!
"Jack let's go." habang nakangisi si gunggung!
Sinilip ko pa muna si Mr. Claws para magpaalam na. Hindi naman ako rude 'tsaka thankful ako sa food hehe...
"Thank you for the meal Mr. Claws."
Nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako at hinatak na 'ko ni Danny habang may naglalarong ngiti sa mga labi.
"Weird."
^_^
Demongel means demon + angel looks ;) hehe
To be continued...
YOU ARE READING
I'm a mess (Zamora Series Book 1)
Roman d'amourShe thought being a daughter and a second child of the family has no obligation at all but a willingness to help her parents by guiding her youngest siblings, but to her assume it'll opposite, she never thought that being a elder sister is hell life...