CHAPTER 5

1K 19 6
                                    

"Umiling ako saka bumaba ng sasakyan nito. Sinamahan ako nitong magtinda may bumili rin lalo na kapag nakikita nila si Dolion.

Pawis na pawis kami ni Dolion na naglalakad pabalik ng sasakyan. Mga oras din bago naubos ang paninda ko kahit dapat kalahating oras lang dapat ngayong araw. Kinaka-usap din kasi ni Dolion ang mga bumibili lalo na ang mga dalaga sa amin.

"Ngayon ko lang nalaman na ang pagtitinda ay nakakapagod Seina," umiling ako rito.

"Napagod ka pala? Bakit parang enjoy na enjoy ka naman sa ginagawa mo? Hinayaan mo pa nga na hampasin ka sa braso ng isa sa mga dalaga roon," naiinis ako sa tuno ng pananalita ko lalo pa akong nainis ng marahan na tumawa ito.

Iniwas ko ang tingin ko sa mukha nito at isinandal sa may bintana ng sasakyan.

"Bakit tila nagugustuhan ko ang pagseselos mo Seina? Ang sarap sa feeling nang makompirma ko na gusto mo rin ako. Gusto mo ba ako Seina? Baby?" nanigas ako sa aking kina-uupuan ng marinig ko iyon.

"Hindi ako sasama sa'yo kung hindi kita gusto. Hindi ako basta basta magtitiwala kung hindi kita gusto. Sympre gusto kita Dolion kaya nga sumasama ako sa'yo."

"Huwag kang mag-alala Seina gustong-gusto rin kita. Manliligaw ako sa'yo Seina kung okay lang? Habang kinikilala natin ang isa't-isa gusto ko sanang manligaw sa'yo, Seina."

Nanlalaki ang mga mata ko ng nararamdaman ko ang kamay nito sa aking kamay. Nagkatingin kami ni Dolion hindi pa rin ako makapaniwala na magkahawak ang aming kamay. Nailang tuloy ako ng bumalik ang tingin ko sa pinagsiklop naming kamay.

Mas maputi pa ang kamay nito kaysa sa akin.

"Papayag ako basta ligaw na muna Dolion huh? Tsaka kapag nanliligaw walang kiss at hawak ng kamay na muna." binawi nito ang kamay na nakahawak sa akin.

"Magsisimula na ako bukas Seina. Pupunta ako sa inyo bukas para manghingi ng permisso sa Nanay mo," mabilis akong umiling.

"Huwag na po muna kapag sinagot na po siguro kita saka pa kita pweding ipakilala. Ayaw kong malaman ni Nanay baka isipin ni Nanay na hindi na ako tutulong sa mga kapatid ko kapag may nanligaw sa akin." Bagsak ang balikat na tumango ako.

"Kapag nagpatuloy ka pa sa pagiging mabait mas lalo mo pang nakukuha ang loob ko Seina. Baka isang araw hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa'yo." Bumaba ako nang sasakyan nang huminto ito sa pinagbabaan ko kanina.

"Balik ka kaagad Seina. May date pa tayo," malapad ang ngiti na tumango ako.

Bumaba ako saka bumaba ng sasakyan nito. Mabilis ang lakad na ginawa ko para makarating sa bahay nila Aling Mercy. Tinago ko ulit ang cellphone baka masabihan pa ako ng mga itong nagnakaw lalo na at hindi ko afford ang ganitong klasing cellphone.

"Kukuha ka ba mamaya?" umiling ako.

"Baka bukas po ulit," tumango ito at binigyan na ako ng suweldo ko ngayong araw.

May ngiti sa aking labi habang naglalakad papunta sa may sasakyan. Binuksan ko ang pinto saka pumasok. Napakunot ang noo ko nang ibinaba kaagad ni Dolion ang tawag.

"Sino 'yon?" nakakunot na noo na tanong ko rito.

"Si Mommy," maikling sagot nito.

"Wala ka naman sigurong asawa o girlfriend Dolion?"

"Of course not! Hindi ako manliligaw sa'yo kung may sabit ako Seina wala akong girlfriend at mas lalong wala akong asawa," tumaas baba ang dibdib nito sa ginawang pagsigaw.

"Bakit ka sumisigaw? Naninigurado lang naman ako baka ginagawa mo na pala akong kabit," humigpit ang kapit nito sa manibela ng sasakyan.

Tinignan ko ang kamay nito at nakahinga ng maluwag ng makitang wala itong suot na wedding ring na nagpapatunay na kasal na ito. Nang isang araw ng tinignan ko ang kamay nito habang nagmamaneho nakakita ako ng kumikinang sa daliri nito.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon