CHAPTER 17

985 32 17
                                    


“Kunin ni'yo na po itong cellphone nay at ibenta ni'yo po para may pambili tayo kahit papano. Good as new pa po ang cellphone nanay.”

Hinawakan ni nanay ang aking kamay.

“Itago mo na muna ang cellphone na 'yan. Hindi pa naman natin kailangan ng pera. Kalimutan mo ang sinabi ko kanina na hindi maghabol Seina. Tawagan mo nang paulit-ulit at bumalik ka sa construction site na tinatrabahoan niya. Kung isang buwan hindi mo pa rin nahanap at hindi pa rin sumasagot itigil muna.” Tumango ako kay nanay.

“Memoryado ko naman na po ang number ni Dolion nay. Ipagbili ni'yo po ang cellphone na ito nanay. Kapag may kita na po bibili po ako ng mumurahin na cellphone. Ang pera po na magiging kita ng cellphone pwede po nating pangnegosyo. Ay pwede na po pala natin pangbayad sa upa ng bahay nanay,” Mabilis na bawi ko.

“Sigurado ka anak? Kung sigurado ka kukunin ko na ang cellphone at ipagbibili sa mga taga subdivision sa malapit.” Tumango ako.

“Limang buwan na rin po tayong hindi nakabayad ng upa nay. Ipagbili ni'yo po iyan ng fifty o forty thousand nay. Huwag niyo pong ipagbili ng mas baba pa sa sinabi ko. Mahal niya pong nabili ang cellphone nay para na rin po magkaroon tayo ng puhunan. Hindi na po natin kailangan na magbenta ng produkto ng ibang tao.”

“Lalabas na ako. At kailangan ko pang kumayod.” Tumango ako kay nanay.

Nahiga ako sa lapag ng isara na ni nanay ang pintuan ng aking silid. Bumigat ulit ang talukap ng aking mata kaya nakatulog na naman ako.

Sinong hindi makakatulog kung wala akong ginawa buong gabi kundi ang umiyak. Umiyak din ako kaninang umaga. Nagising ako dahil sa sakit ng tiyan at saka kumukulo ang aking tiyan.

Ilang minuto na muna ako nanatiling nakahiga bago ako magdesisyon na tumayo. Tahimik na ang bahay ibig sabihin ay nagbenta na ang mga ito ng mani sa plaza. At ang bunso namin siguro ay nakikipaglaro pa rin sa mga kapit-bahay.

Binuksan ko ang kaldero. Nakahinga ako ng maluwag ng kahit papano ay tinirhan ako ng mga ito at kanin. May ulam din sa kawali. Sapat lang sa isang tao. Kumuha na ako ng plato at nagsimula na akong kumain.

Naiiyak pa rin ako sa tuwing naalala ko si Dolion o sino man ito. Pati pangalan nito ay hindi sinabi sa akin. Paano ako maghahanap kay Dolion. Magpapatulong na lang siguro ako sa mga kapit-bahay namin na sobrang magaling gumamit ng social media application.

Kinabukasan ay hindi na muna ako bumalik sa construction site ay sa bahay nito. Kumuha mona ako sa boss namin ng mga kakanin at balot na ilalako. Nagsimula na ako sa paglalakad para maglako ng mga kakanin.

Sakto lang ang oras ng aking paglalako. Kaunti na lang ang aking paninda ng makarating ako sa bahay nila Dolion. Naghintay ako at naupo ako sa pinto ng gate ng bahay.

May lumabas sa sasakyan na huminto sa may tapat ko.

“Anong ginagawa mo rito Miss?”

“Bakit niyo po binubuksan ang gate?” imbes na sagotin ko ito, sinagot ko ito ng tanong.

“Binenta na ng may-ari ang bahay. At isa akong broker Miss. Oo nga pala ako si Gella Santiago.” Naglahad ito ng kamay.

“Ako po si Seina Royo, Ma'am.”

“Ano nga pala ang sadya mo Miss?”

“Alam mo kung saan na ngayon nakatira ang may-ari ng bahay?”

“Hindi Miss pero alam ko ang pangalan.”

“Ano po ang pangalan Ma'am? Pwede ko po bang malaman?”

“HAHA sorry miss ang apelyido lang pala ang alam ko. Gaisano ang apelyido ng client ko Miss.” Bagsak ang aking balikat sa sagot ng aking kaharap.

“Maraming salamat Miss. Pwede ko bang ibigay sa iyo ang number ko para matawagan mo ako kung alam mo na kung anong pangalan.”

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon