CHAPTER 11

934 24 6
                                    

Heto na, heto na, SPG na naman ito mga children. Kung ayaw Spg huwag basahin. Read with discretion. Thank you. Basahin niyo ulit ang chapter 10 na mali ako sa pag-copy paste kanina.

“Akala ko matino ang sasabihin mo Trinity. Paano turuan mo ako.” Natatawa na hinampas ako nito sa braso.

“Gaga gusto mo manood habang nagse-sex kami ng boyfriend ko? Isa pa wala akong plano na ipakita sa'yo ang very hot, very delicious nitong katawan sa'yo no ano ka sinuswerte?”

“Seryoso kasi,” napapadyak na ani ko.

“Sige, pasahan kita. May cellphone ka ba? Kung keypad download ako ng lowest quality para mapanood mo. Mas maganda kasi iyong HD dahil malinaw 'yon,” tumango ako at hinawakan pa rin ang kamay ang kaibigan.

“Kapag galit ulit boyfriend ko lalapit ako sa'yo Trinity.”

“Sige lang. May gagawin pa kasi ako chika na ulit tayo bye my friend.” buti na lang at naagapan at naitago ko ang cellphone baka magtanong pa ito kung saan galing.

Nanatili ako sa bahay ng ilang oras. Kinuha ko ang cellphone ko.

To Dolion:
Baka ayaw ng parents mo sa mahihirap kaya ang hirap sa'yo na ipakilala ako.

Limang minuto pa bago tumunog ang cellphone. Mabilis na kinuha ko ang cellphone  na nasa plastic na lamesa.

From Dolion:
Hindi sila ganoon.

To Dolion:
I'm poor Dolion.

Wala pang dalawang minuto ay nag-text na ito ulit.

From Dolion:
Walang paki-alam ang parents ko kung mayaman o mahirap ang girlfriend ko Seina. Don't think of that.

To Dolion:
Poor you lang.

Napangiti ako sa habang hinihintay ang message nito. Ano kayang reaksiyon nito habang binasa ang message. Umabot ng limang minuto wala pa rin itong reply. Atat na atat na kinuha ko ang cellphone at binuksan ang message.

From Dolion:
I'm Rich Seina.

To Dolion:
Hm?

To Dolion:
Alam ko HAHA.

From Dolion.
Hindi ako ma-rich ng iba dahil ikaw lang ang babae kaya akong ma-rich.

From Dolion:
At ma-rich ang standard ko.

From Dolion:
Cheesiest line I have ever text. Love you.

Hindi ko na na-replyan pa dahil sa tuwa. Tumalon talon pa ako dahil sa kilig na nararamdaman ko. Gandang-ganda tuloy ako sa sarili ko ngayon. Bumawi naman si Dolion sa pagtatampo na nararamdaman ko kanina.

Tumigil ako sa pagtatalon baka mangamoy pawis ako. Nag-toothbrush na muna ako bago ako naglagay nang kaunting pulbo na gamit ng mga kapatid ko. Naglagay din ako ng kaunting liptint. Inilapat ko ang dalawa kung labi para kumulat ang liptint.

Ipinungos ko ang aking buhok. Nagbihis na lang ulit ako ng dress na. Kulay orange na floral ang sinuot ko. Naglagay din ako ng lotion na inutang ni Nanay sa pinag-utangan ko rin ng cologne noon.

Naglagay din ako ng bagong utang ni Nanay. Kinuha ko ang cellphone. At tinignan ang bagong message.

From Dolion:
I'm waiting.

Maikling text nito. Lumabas ako sa bahay na may ngiti sa labi. Pumasok ako sa may sasakyan nito. Una ko kaagad napansin ang mga nakalagay sa backseat. Unang kong nakita ang shawl sunod ay ang basket na hindi ko masyadong makita ang laman.

“Wala man lang kiss?” natatawa ako dahil sa naka-nguso nitong labi.

Hinalikan ko ito. Ang plano na smack na halik ay hindi ko nagawa ng hawakan nito ang aking ulo. Pinalalim pa nito ang halik. Ang halik nito at mapanghanap. Bumitaw ito sa labi ko ang pinupuntirya nito ay ang aking baba.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon