CHAPTER 24

780 24 10
                                    

Dalawang beses lang ang ginawa ko bago ulit ako lumayo sa kanya. Kahit mapagod ako kakasuntok dito alam kung galit pa rin ako rito. Hinding-hindi ko siya mapapatawad at mas lalong hindi ko siya ipapakilala kay Realm.

Ang pagpapakilalala sa Anak after iwan ng lalaki ay sa libro lang makikita. Ang pagsabi na ito ang ama at may luha na lumalabas sa mga mata ay gawa-gawa lamang ng mga manunulat.

Okay sana kung hindi nito alam na may Anak kami baka gayahin ko pa nababasa ko sa mga libro. Baka makakita pa ako ng real life ba senaryo ba akala ko sa libro lang makikita. Bakit kasi may mga taong hindi marunong makuntento? Bakit may mga taong nag-checheat sa partner o asawa nila kahit na mahal naman nila isat-isa?

Ilang hakbang ang paglayo ko rito. Kitang-kita ko sa mukha nito ang labis na pagkadismaya. Sa amin lang dalawa siya na dismaya it's either sa akin o sa sarili niya. Isang simpling white t-shirt lang ang suot nito at black shorts kaya kita ang paa nitong mabalahibo.

“Kulang pa yon. Umalis ka na please lang. Sahihin mo na lang sadya mo para matapos na ang lahat pwera na lang sa karapatan mo sa bata. Ako ang ina at ang ama ng bata Dolion ay Rio pala. Pangalawa hindi mo na ulit ako mauuto pa para makipagrelasyon sa'yo baka gawin mo ulit akong parausan,” diin ko sa huling salita.

Bagsak ang balikat nito at sobrang puno ng pagsisi ang nasa mukha nito at lungkot naman nakikita ko sa mata. Ang mapula pa nitong labi kanina ay biglang namutla.

“Seina... alam ko na wala na akong karapatan sa bata... simula nang nalaman ko na buntis ka at umalis ako... alam kong wala na akong karapatan sa inyo pero Seina sana hayaan mo akong makilala ang Anak ko. Kahit hindi mo na ako patawarin Seina...” tumawa ulit ako nang mala-demonyo.

“Hinanap kita Dolion. Ilang beses ako nagpabalik-balik sa bahay mo sa building na pinagtratrahahuan mo baka sakaling bumalik ka. Kahit pera lang sana para sa amin ng mga bata sapat na sa akin kahit hindi mo na akoin ang bata pero asan ka Rio pala... hinding-hindi kita ipapakilala sa Anak ko Rio. Walang ama na iresposable at manggagamit ang Anak ko,” agad along tumalikod at mabilis na naglakad papalayo rito.

“Seina naman... di na tayo bata para maghabolan. Gusto lang kita maka-usap ng matino.”

Dahil sa sinabi nito napatigil ako at natulala nang ilang segundo habang nakatingin sa mga sasakyan na naka-park. Umiling ako at bumuntong hininga ako at walang lingon na umalis rito.

Ako pa nagmukhang immature rito. Naglalakad ako ngayon pero wala ako sa aking sarili. Hindi ko na maramdaman ang sarili ko ngayon. Tunog ng sasakyan at ang ingay ng mga tao ang ingay na naririnig ko ngayon.

May mga tao talaga na sobrang kapal ng mukha. Na kahit nagawang mang-iwan babalik ulit para manggulo. Ang kapal lang may mukha pa siyang iharap sarili niya after ng mga nalaman ko. Ayoko ng magpalambot-lambot ngayon di na ako basta-basta magpapa-uto rito.

Simula ng makita ko ang Anak ko. Simula ng isinilang ko ang bata at nakita ko kaagad ang resemblance ng mukha nito sa ama sarado na agad ang isip ko na hindi ko ipapakilala na Ama si Rio sa aking Anak.

Alam kung darating ang oras na 'to hindi ko lang inaasahan na ganito kaaga. Alam ko na mas lalo rin itong gusto na ipakilala siya lalo na kapag makita nito ang mukha ng ni Realm. Nag-search rin ako google after kung manganak at tangging dalawang asawa ng mga ito ang nakita ko kasama ang mga asawa at kapamilya nila.

Magkapareho ang resemblance ng mga lalaking Gaisano at kapag nakita nila anak ko alam ko agad na iisipin ng mga ito na kamag-anak mila ang bata. Bakit kasi sa ama pa nito ito nagmana? Ako ang naghirap sa pagbubuntis at panganganak pero sa kanya pa nagmana.

Dahil bigla akong nanghina at napa-upo ako sa may park. Malapit lang sa in ang park ilang lakad lang kaya ang bilis kong makarating dito. Umupo ako at pinagmasdan ang mga bata na naglalaro ngayon.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon