“Oo Seina! Namatay kapatid ko nang malaman niya na may kabit si Rio! Namatay siya dahil sa inyo Seina. Nalaman ng kapatid ko na may kabit yang putang-inang Rio na yan at alam mo ang mas masakit Seina? Sa akin pa mismo nalaman ng kapatid ko na may kabit si Rio. Ilang buwan ko nang alam na may kinikitang ibang babae si Rio at sinisisi ko rin sarili ko Seina. Isang araw pa yata nang umuwi si Rio nang malaman ng kapatid ko yon.”
“Ren tama na please.... huwag mong isisi kay Seina ang lahat. Ako ang may kasalanan Ren... Sa akin mo isisi huwag na si Seina... Ren biktima rin si Seina... niloko si Seina... pinaglaruan ko si Siena... kasi unang kita ko pa lang kay Seina, Ren alam ko na pwede ko siyang labasan ng libog ko sa katawan...” magsasalita pa sana si Dolion nang pinagsasampal siya ni Nanay.
Hindi agad ako nakagalaw sobrang tulala ko pa rin at hindi pa rin pumapasok sa kokote ko lahat ng sinasabi ng mga ito pero isa lang ang alam ko ngayon. Umiiyak ako habang pinapanood ko sila at kitang-kita ko rin ang pag-iyak ni Dolion o Rio na may halong pagsisi na siguro ay may halong pagpapanggap lang ang iyak na pinipakita nito.
“Hayop ka! Ni hindi mo nga pinagutan Anak ko. Umalis ka dito! Bakit nandito ka? Umalis ka dito. Nanloko ka pang putang-ina mo nag-iwan ka pa ng ebidensiya! Pero salamat pa rin dahil sa'yo na yawa ka may apo ako na gwapo na mabait sobrang layo sa'yo. Umalis ka nagdidilim paningin ko sa'yo.” sigaw nang sigaw si Nanay habang pinagsasampal at pinagsusuntok pa rin si Dolion.
Tinignan ko si Ren na ngayon ay cold along tinignan. Bakit ang sobrang dali napalitan lahat ng emotion na pinakita niya. Nakakapanibago at ito ang ayaw ko. Ngayon kulang na lang gawin ko ay yakapin si Renny para masabi ko na panaginip lang ang lahat.
Na baka kapag niyakap ko ngingiti lang ito sa akin at sasabihin na nanaginip lang ako. Sa gilid ng mata ko kita pa rin ng mata ko ang ginagawa ni Nanay at rinig ko pa rin ang sigaw nito. Rinig ko na rin ang papalapit na iyak ng bata.
Bigla akong nataranta kaya natauhan ako pero huli na ang lahat dahil tumakbo na si Realm patungo sa direksyon nila ni Nanay.
“Bakit inaaway mo Lola ko? Bad ka! Alis ka rito!” lumapit na ako pero back ko pa mapigilan ang pagsuntok na ginagawa ng Anak ko kay Rio ay nakuha na siya ni Renny.
Napatigil kaming lahat lalo na at tumigil na rin sa pagsisigaw ang Anak ko. Dahil buhat ni Renny si Realm at mas lalo akong napatigil na bumalik sa malumanay na mukha ang expression ni Renny sa kanina lamang na cold na tingin na mukha nito.
Ang ikinatigil ko ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ni sa kanyang mga mata.
“Sorry... sorry baby... tandaan mo Realm mahal na mahal ka ni Daddy Renny baby... sorry baby... love ka ni Daddy Renny tandaan mo 'yan.” Nakakunot ang noo ng aking Anak habang tinitignan si Renny na umiiyak.
Ang maliit na daliri ni Realm ay ginagawang pampunas ng aking Anak. Sobrang tahimik lang namin na nakatingin sa mga ito walang gusto bumasag sa katahimikan.
“Bakit ka po umiiyak? Umiiyak ka rin po ba dahil inaaway si lola ko? Ang bad po ng bisita mo Daddy,” gusto kong ngumiti dahil napatawa ni Realm si Renny pero bat mas lalong nadudurog puso ko.
Ang sakit nilang tignan. Gusto kong lumapit sa kanila para yakapin ko din ang mga ito pero bat sobrang nasasaktan ako. Di ko yata kakayanin na mawala sa akin si Renny. Pero bakit kasi sa dalawang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko bakit palagi ang sadya ay lokohin ako?
“Baby... huwag kang magagalit kay Daddy huh?” nakakunot pa rin ang Anak ko habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
“Aalis ako baby... baka hindi na ako babalik... kailangan na kasi si Daddy sa work. Miss na siya nila lola,” napa-iling na lamang ako at napa-upo.
BINABASA MO ANG
Decieved(Gaisano Series #2)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...