CHAPTER 16

1K 40 23
                                    

Hindi na ulit ako inimik ni nanay. Umalis ako ng bahay ng sumapit ang alas singko ng umaga. Malayo ang bahay ni Dolion pero kahit malayo ay naglakad ako para lang makarating sa bahay nito.

“Tao po! Tao po.” Walang sumagot.

Tinignan ko ang nasa loob at hindi ko nakita ang sasakyan ni Dolion. Hindi ba ito umuwi kagabi? Naghintay ako sa labas ng bahay ni Dolion. Kahit na alam ko na wala ito ay nagbabasakali ako na may sumagot.

“Kanina pa kita napapansin dito hija. Ang tao ba rito ang hinahanap mo?”

“Opo, manang.”

“Umuwi kaninang madaling araw ang may-ari ng bahay hija. Umalis na yata dahil nakita ko na may pinasok itong dalawang malaking maleta sa sasakyan,” gumuho ang aking mundo sa narinig sa ali.

“Sige po, salamat," sabi ko at umalis na.

“Puntahan natin bukas iyang lalaking nakabuntis sa'yo? Ano bang trabaho ng nakabuntis sa'yo Seina?”

“Engineer po nanay.”

“Huwag ka ng mag-inarte at huwag mo ng pairalin iyang puso mo. Manghingi ka ng suntento sa bata total may mailalabas naman na pera ang ama ng bata,” tumango ako rito

Kung kailan akala ko ayos na lahat. Nagsisi ako bigla sa pagsabi ko rito. Hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon kung hindi ko sinabi at hindi ko nakita ang reaksyon ni Dolion.

Hindi na ulit ako inimik ni nanay. Umalis ako ng bahay ng sumapit ang alas singko ng umaga. Malayo ang bahay ni Dolion pero kahit malayo ay naglakad ako para lang makarating sa bahay nito.

“Tao po! Tao po.” Walang sumagot.

Tinignan ko ang nasa loob at hindi ko nakita ang sasakyan ni Dolion. Hindi ba ito umuwi kagabi? Naghintay ako sa labas ng bahay ni Dolion. Kahit na alam ko na wala ito ay nagbabasakali ako na may sumagot.

“Kanina pa kita napapansin dito hija. Ang tao ba rito ang hinahanap mo?”

“Opo, manang.”

“Umuwi kaninang madaling araw ang may-ari ng bahay hija. Umalis na yata dahil nakita ko na may pinasok itong dalawang malaking maleta sa sasakyan.” Gumuho ang aking mundo sa narinig sa ali.

“Sige po, salamat.”

Hinintay ko na muna na mawala sa aking paningin ang ali kanina bago ako nagdesisyon na umalis. Nilakad ko ang construction site kung saan ito nagtratrabaho. Hindi ko kinuha ang tinapon nitong pera sa mukha ko kahapon.

Ayokong isipin ni Dolion na pera lang ang habol ko sa kanya. Kung ang tunay na rason ay mahal na mahal ko ito. Ilang minuto rin na lakad ang aking ginawa bago ako makarating sa construction site.

Pawis na pawis ako sa paglalakad na ginagawa. Lalo na at mataas na sikat ng araw. Hinintay ko na muna na matuyuan ako ng pawis. Inamoy ko pa ang aking sarili at laking ginhawa na hindi ako nangamoy araw. Ang tangging problema ko na lamang ay ang pawis ko sa aking likuran.

Bumuntong hininga ako bago ako naglakad sa gawi ng mga construction worker. Ito ang sinabi ni Dolion na tinatrabahoan niya.

“Magandang umaga po sa inyo.” Nakarinig ako ng sipol sa mga ito.

“Magandang umaga hija, anong ginagawa ng isang magandang dilag dito?” ang may edad na, na lalaki ang sumagot sa akin.

“Manong, nandito po ba si Eng. Dolion?” napakunot ang mga noo ng mga ito.

“Walang engineer Dolion dito hija.”

“Ah, sabi niya po dito siya nagtratrabaho.”

“Si Engr. Gozon at si Engr. Juarez lang ang engineer dito hija.” Sagot naman nito.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon