"Balik ka kaagad kapag naka-ubos ka. Pasensya na talaga Seina wala talaga akong mapapahiram na pera sa'yo ngayon. Mas maaga mauubos ang paninda mo mas maganda para maubos para mas madagdagan pa ang pera mo," napahugot ako ng malalim na hininga sabay kuha ng bayong na naglalaman ng kakanin.
"Sige po Manang mauuna na po ako," naglakad na ako papalayo sa bahay ni Aling Mercy.
Si Manang Corazon ang isa sa mga taga-luto ng kakanin. Isa rin ako sa mga taga-bayan na kumukuha ng kakanin sa kanila para magbenta. Kapag naubos ko ang maraming kakanin na nasa loob ng dalawang bayong bibigyan ako mamaya ng one hundred.
Naglakad na ako at nagsimula na ako sa paglako ng kakanin. Mayroon akong sunog na balat na ayaw ng mga dalaga rito sa amin. Balingkitan na katawan dahil na rin minsan lang kami makakain ng tama lalo na ngayon na nagkaroon ng dengue ang bunso naming kapatid.
Hindi na nagkalabada si Nanay dahil ito ang nagbabantay sa kapatid ko. Ang kinikita ko ay pandagdag sa gastusin sa hospital samantalang ang kita naman ng kapatid ko na nagtitinda ng mani sa plaza ay sapat lang para may makain kami sa isang araw.
Ngayon na nagkaroon nang dengue ang bunso kinakailangan ng mga kapatid ko na lumiban da klase para kumita ng pera. Wala rin kaming sapat na pera para pamasahe ng mga ito pagpunta sa kanilang eskwelahan.
Tulala ako habang nagtitinda. Hindi ko man lang namalayan na may sasakyan nang sumunod sa akin.
"Miss? Miss?" nanlalaki ang mata ko at napahawak ako sa dibdib sa sobrang gulat.
"Po?" binaba ng lalaki na nasa loob ng kanyang sasakyan ang shade nito.
"Anong binebenta mo?" napatingin ako sa dalawang bayong na dala ko.
"Ka-kanin po," nauutal pa na ani ko.
"Ilang at magkano 'yan lahat? Bibilhin ko." Wala na ako sa sarili ng nagsimula ako sa pagbilang ng mga kakainin.
"Mainit diyan. Dito mo na lang ipagpatuloy sa loob ng sasakyan ang pagbibilang." Napakunot ang aking noo at mabilis na umiling.
"Okay lang po rito Sir sanay naman na po sa akin ang tirik na araw," hindi ko na ito tinignan at pinagpatuloy ko ang aking pagbibilang.
Kaya hindi pa rin ako mapakali dahil ramdam na ramdam ko ang tingin na ginagawad nito sa akin.
"Thirty eight po itong tag-limang peso at fifty three naman po ang tag-sampung peso. Seven hundred twenty po lahat Sir," nag-angat ulit ako ng tingin dito.
Nakaka-ilang ang tingin na ginagawad nito. Hindi naman ang tipo ng tingin na feel ko nababastos ako. Ibang klase ang tingin na ginagawad nito.
"Here," lumapit ako sa may sasakyan.
Hindi ko na muna kinuha ang pera. Binalot ko na muna ang kakanin at binigay ko ang supot. Kinuha ko ang nakalahad na one thousand peso bill.
"Keep the change."
"Po? Salamat po," lalayo na sana ako sasakyan pero bago ko pa nagawa at tinawag na ulit ako nito.
"Miss? Anong pangalan mo Miss?" napalingon ako sa direksyon nito.
"S-eina po sir," nauutal pa na sagot ko.
"Nice to meet you Seina," ngumiti ito.
Pagkasabi niya gumalaw na ang sasakyan. Lumayo ako ng kaunti. Nakahinga na ako ng maluwag. May ngiti sa aking labi habang tanaw ang papalayong sasakyan. Nagmadali akong naglakad pabalik sa bahay ni Aling Mercy.
Kung mauubos ko ulit ang paninda sigurado ako na makakapasok na ang dalawa kung kapatid sa paaralan. Buong maghapon kong nilako ang mga paninda na kinuha ko sa bahay ni Aling Mercy.
BINABASA MO ANG
Decieved(Gaisano Series #2)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...