CHAPTER 6

865 20 5
                                    


R-18 meaning SPG!

Lumipas ang isang buwan. Mas naging malapit kami ni Dolion sa isat-isa. At officially couple na kaming dalawa. Dalawang linggo na rin ako nitong hindi pinapatinda pero kumuha pa rin ako ng kakanin para hindi magtaka ang mga ito.

Ito rin kasi ang utos ng aking nobyo. Ang lahat ng pinamili nito sa aking kakainin ay napupunta lahat sa mga construction worker. Ito ang snack ng mga ito. Simula nang maging nobyo ko na ito sa bahay na nito ako dumidiretso.

Excited na ako ngayon na pumunta sa bahay ni Dolion. Lalo na at first monthsary naming dalawa ni Dolion. Sinadya ko na hindi pumunta sa bahay ni Dolion ngayon.

Isang usong-uso ngayon sa mga millennial o kaya sa mga teenagers ngayon ang isang strawberry ruched dress na nabili ko sa isang online seller dito sa amin. Tinali ko ang natural na umaalon at brown na buhok ko.

Sinadya kung lagyan ng kaunting buhok ang aking mukha para magmukha akong maganda. Bumili rin ako ng cake sa bakery na may nakasulat na happy 1st monthsary. Nahihiya pa ako bumili pero bumili pa rin ako.

Kahit ito man lang ang sukli ko lahat ng naitulong ni Dolion sa'kin. Hapit na hapit ang suot kung damit sa aking katawan na dahilan kaya nakita ang kurba sa aking katawan.

Dala-dala ang cake sa kaliwang kamay binuksan ko ang pinto gamit ang kanan kong kamay. Dahan-dahan akong pumasok at kaagad na napakunot ang aking noo nang bumungad sa'kin ang kadiliman.

Ilang sandali ay nakita ko ang ilaw sa may silid ni Dolion. Kinuha ko na muna ang takip sa cake. Ilang beses na bumuntong hininga ako bago dahan-dahan na naglakad ako patungo sa direksyon ng kama.

“Dolion...” tawag ko rito.

Ilang sandali pa ay nakapasok na ako sa may pinto ng silid nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ako sa silid nito. Namatay ang ilaw at ang tangging ilaw sa mga kandila sa lamesa ang tangging nakikita at napansin ko rin ang happy monthsary na nakasulat sa may dingding.

“Surprise!” napahawak ako aking dibdib nang imbes na sa unahan ito marinig ay nasa likod galing ang boses na narinig ko.

Akala ko yayakapin ako nito ngunit nagkamali ako ng nararamdaman ko ang isang malamig na bagay sa aking leeg. Wala mang ilaw na alam ko kaagad na kuwentas iyon.

“Happy Monthsary Seina.” mahinang bulong nito sa aking tainga.

Nahawak at napatingin ako sa kung kuwentas. Isang heart shape na kuwentas. Hindi ko na madetalye pa ang kuwentas dahil tangging ilaw sa kandila lang ang nagsisilbi naming ilaw.

“Happy monthsary din sa'yo Dolion,” hinarap ko ang aking nobyo sabay pakita ng cake.

“Sweet. Let's have dinner Seina.” Lahat nang dugo ko sa katawan ay lumipat sa aking pisngi lalo na nang mahuli ko na tinignan ni Dolion ang suot kung damit.

Maiksi ang damit na suot ko konting yuko makikita na ang hindi dapat na makita. Pinaghila ako ni Dolion ng upuan. Umupo ako habang nakatingin pa rin ako sa detalye nang surprise na mayroon si Dolion.

“Well eat your cake as a dessert Seina.” Tumango ako.

May petals ng rosas sa may lamesa. Kagayang-kagaya ng detalye noong dinala ako nito sa may floating house. Ang tangging pinagkaiba ay ang pagkain na nakahain sa harap naming dalawa ngayon at ang happy 1st monthsary na gold na baloon na nakadikit sa may dingding.

“Ikaw ba lahat nag-prepare nito?” umiling ito.

“How I wish I was. Ngunit hindi ako Seina I need some help with the floating staff to make this things happen. Wala akong kaalam-alam sa art Seina. Did you like my surprise? Did you like th necklace?” dahan-dahan na tumango ako.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon