Wala na yatang ikakasaya pa sa nagdaang buwan na kasama ko si Dolion. Ang bait nito sa akin at ni hindi ito nagpakita na mayroon itong masamang ugali.
From Dolion:
Huwag kang pumunta sa bahay at huwag ka rin na munang mag-text nagkaroon lang ng problema.Napakunot ang aking noo after kung mabasa ang text ni Dolion. Kumalabog na rin ang aking dibdib sa pag-aalala. Palakad lakad ako sa loob ng bahay habang nakahawak sa aking noo habang iniisip si Dolion.
Ilang beses na rin akong makaramdam nang pagkahilo lalo na ngayong buwan. Ipinagsawalang bahala ko iyon. Umupo bumalik nang tayo at kung ano-anong ginawa ko para lamang mapakalma ang aking sarili.
Tumayo ako at nagdesisyon ako. Naligo ako at nagsipilyo bago ako nagbihis. Itinago ko ang cellphone sa dura box. Sumakay ako ng tricycle para mapadali ang pagpunta ko roon.
“Ito po ang bayad,” hindi ko na hinintay pa ang sukli dahil sa pagmamadali ko sa paglalakad patungo sa loob ng subdivision.
Napakunot ang aking noo dahil habang mas papalapit ako nakikita ko na ang dalawang sasakyan. Hindi ko nakita ang sasakyan ni Dolion na naka-park sa labas ng gate nito imbes na sasakyan nito ang nakikita ko ngayon ibang sasakyan ang narito.
Nasa labas din si Royo hawak hawak nito ang isang sigarilyo habang nakaupo ito sa hood ng kanyang sasakyan. Dahan-dahan akong lumapit sa direction ni Royo.
“Royo? Nasaan si Dolion? Kanina pa ako nag-aalala.” Nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako.
Naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Ito ang pinaka-unahang pagkakataon na ganito kalapit si Royo na nagawa kong maamoy ang kanyang panlalaking mouth wash sa lapit nito.
“Ano ang ginagawa mo rito, Seina?” nakakunot ang noo nito at panay ang tingin nito sa loob.
“Nag-aalala ako kay Dolion. Bitawan mo ako Royo gusto kung pumasok baka nilalagnat si Dolion... walang mag-aasikaso,” habang tumatagal ay bumaba ang aking boses.
Naiiyak ako gusto kung makita si Dolion. Gusto kung malaman kung may okay lang ito o kung may lagnat ba ito.
“Intindihin mo ako, Seina. Kailangan na nating umalis baka may makakita pa sa'yo.” Hindi ako nakinig kay Royo at nagpumulit na pumasok.
Tumakbo ako patungo sa loob ng bahay. Mas lalo pa akong nagpumulit sa pagpasok. Nararamdaman ko pa rin ang pagsunod ni Royo tumakbo ako. Napahinto ako sa tapat nila ni Dolion na ngayon ay nanlalaki ang mga mata ng makita ako.
“Who is she Dolion?” tanong ng Ginang na napaka-simpling tignan pero alam mo na may class ang babae.
“Sorry po, Sir.” Naramdaman ko si Royo sa aking likuran.
Napatingin din ako sa babaeng katabi nito na ang puti at ang kinis ng balat. Magkahawak ang mga kamay ng mga ito. Napatingin ako kay Dolion na mabilis na nag-iwas ng tingin.
“Who is she Royo?” tanong ng babae na kahawak ng kamay ni Dolion.
Nasa kamay pa rin ng mga ito ang aking tingin naibaling lamang ng humawak si Royo sa aking braso.
“Kinuha ko siyang katulong dito sa bahay, Mommy. At naging girlfriend ni Royo,” napatingin ako kay Dolion habang unti-unting namumuo ang luha sa aking mata.
“Really? Ilang buwan na kayo Royo?” nagyuko na ako ng aking ulo dahil baka hindi ko makayanan at umiyak ako sa harap ng mga ito.
“Limang buwan na po kami Madam. Ito nga po ang girlfriend ko Ma'am si Seina. Seina si Ma'am Jenina, Mommy siya ni Sir Dolion. Sige po Ma'am mauuna na po kami,” hinawakan ako nito sa braso at iginaya palayo sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Decieved(Gaisano Series #2)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...