CHAPTER 19

1.3K 44 32
                                    

Nakarating ako sa bahay nila ni Dolion o Rio Ruston sa bahay kung saan niya ako dinadala at kung saan sinasadya ko pang maglakad minsan para lang makapunta dito. Ang dami red flags na akong napansin pero ipinagsawalang bahala ko iyon lahat lalo na nang mapansin ko iyon ay hulog na hulog na ako.

Walang ilaw ang bahay. Salamat kay Dolion ngayon mas lalo na akong nawalan pa ng tiwala sa mga lalaki. Ang nakakawalang gana kasi talaga kung intensyon niya lang pala na gamitin ako para maging parausan sana gumamit siya ng proteksyon o kaya nag-iingat siya at hindi mag-iwan ng ebidensya.

Bumuntong hininga ako habang tanaw ang bahay umiiyak pa rin ako. Hindi na kasing lakas ng pag-iyak ko kanina na humagaholhol pa ako ngayon ay nakatayo at tahimik na tumatangis. Na-iimagine ko ang lahat ng masasayang nangyari sa amin ni Rio Ruston sa bahay.

Kahit sa ganitong sitwasyon pumasok pa rin talaga ang pagiging manyak ko. Ngayon na-iimagine ko ang pinaka-unang beses na may nangyari sa amin ni Dolion. Uminit ang magkabilang pisngi ko at nagsimula na rin na umalis.

Ngayon ang huling araw na pupunta ako rito. At sana ito ang huling araw na mamahalin ko siya sana para hindi na ako makaramdam pa ng sakit na alam kung impossibling mawala agad agad. May panahon na kailangan nating masaktan at may panahon din para sa healing.

Habang naglalakad pa ako sa madilim na paligid ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sobrang malas, ang malas malas ko ngayon. Nasunugan na ng bahay ngayon ay naulanan. Malakas ang ulam ngayon kahit magsisigaw ako walang makakarinig at walang magigising.

“Dolion! Ang putang ina mo Dolion! Ang gago gago mo Dolion! Kung kailan buntis ako saka ka pala aalis para magpakasal! Ang hayop...mo... kapag ikaw bumalik sa akin HA HA HA who you na sa akin...” nanghihina na ang aking tuhod kaya napa-upo na ako sa gilid ng kalsada.

Dinama ko ang pagtama ng ulan sa aking katawan. Masakit pero mas masakit ang ginawa ng gagong si Dolion.

“Bakit ako huh? Dahil ba mukha akong easy to get? Ang tanda mo nga Dolion dapat nasa tamang pag-iisip ka na! Tinanggap kita kahit hindi ko type ang ten years na gap Rio putang ina mo. Ten years Dolion sobrang bata ko pa... at ang tanda mo... gago ka Dolion sobrang gago ng mga lalaki na dumaan sa buhay ko... sana hindi ka na tigasan pa gago.”

Natatawa ako na parang baliw ngayon. Ang dalawa kong kamay ay nakayakap sa aking sarili. Ang dalawa ko namang paa ay straight lang na nakalagay din sa sahig. Hindi man lang ako nakaramdam ngayon ng ginaw dahil sa sobrang pagka-manhid.

Naka-relate tuloy ako sa linya ng kanta ni Taylor Swift sa That the way I love you niyang kanta.
“It's two am and I'm cursing your name. So in love that you act insane
And that's the way I loved you
Breakin' down and coming undone
It's a roller coaster kinda rush
And I never knew I could feel that much
And that's the way I loved you.”

Sa oras lang nagkaroon ng pagkaka-iba. Tumayo ako nang ilang minuto na akong naka-upo. Yakap ang sarili ko naglakad ako pauwi sa bahay nila ni Trinity na ngayon. Ang laking abala ko na nito kay Trinity pero aabalahin ko pa rin ito para makahiram ng damit na tuyo.

Nakarating ako sa bahay nila ni Trinity. Dahan-dahan ang paglalakad na aking ginagawa iwas na iwas na makagawa ng tunog. Takot ako sa mga aswang o kahit anong anyong lupa kapag gabi pero kapag broken na broken ka pala parang lahat ng kinakatakotan mo biglang nawawala.

“Tri? Tri? Trinity, gising ka pa ba?” mahinang sabi ko habang patuloy pa rin akong kumakatok sa kanyang silid.

“Seina bakit? At bakit basang-basa ka?” napakunot saglit ang aking noo ng makita ko na namamawis ang noo nito kahit na umuulan ngayon at malamig ang panahon.

“Pasok ka. Saan ka ba kasi galing? At bakit basang-basa ka?” natataranta na ito sa paghahanap niya ng damit sa kulay violet nitong dura box.

“Pumunta ako sa bahay ng nakabuntis sa akin Tri... at mas lalo lang akong nasaktan Tri,” nagsimula na akong mahina na humagolhol sa harap nito.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon