Ibinaba nito ang suot na eye glasses at kinusot ang mata na nakatingin sa'kin.
"Hi," awkward na bati ko rito.
"Akala ko hindi ka pupunta," mabilis na bumangon ito at tinulungan ako sa aking dala.
"Sabi niyo po kahapon na bumalik ako ngayon." Tinignan ako nito mula ulo hanggang sa paa.
"Ilang taon ka na Seina?"
"Twenty one po," sagot ko rito.
"Huwag mo ka nang mag po Seina. Masyado pa akong bata at nakakatanda kapag nag po Seina," binuksan nito ang isang kakanin at kumagat dito.
"Sige po Sir," tinignan ulit nito ang suot ko.
"Pwede ko bang hingin ang number mo?"
"Po? Wala po akong cellphone Sir," umawang ang labi nito mabilis din itong nakabawi.
"Ayaw ko nang pumupunta ka rito sa construction site lalo na kung ganyan ang suot mo Seina."
"Ano po bang problema sa suot ko? Hindi na po kayo kukuha ng kakanin Sir?"
"Bibili pa rin ako Seina pero ayoko ko nang pumunta ka rito. Maraming lalaki Seina hindi pa iyan umuuwi sa kanila. Alam ko rin ang likaw ng mga bituka ng mga ito dahil lalaki rin ako Seina." Habang nagsasalita ito ang mga kilay nito ay magkasalubong at may kung anong hinahanap sa desk nito.
"Pwede niyo naman pong sabihin na hindi na kayo bibili. Naiintindihan ko po." Umiling ito.
"Hindi ko na ginagamit itong cellphone na 'to Seina. Gusto kong gamitin mo ang cellphone na 'to at the mean time. Dito kita tatawagan kapag bibili ako at kung saan ka maghihintay kapag tinawagan kita. Ibibili kita ng mas mahal pa riyan kapag naging tayo na Seina." Napalunok ako at natataranta lalo na at bumilis ang tibok ng aking puso.
"Po?" dahil sa kaba na aking nararamdaman iyon lang ang aking nausal.
"Kapag naging tayo na Seina mas mamahaling cellphone na ang bibilhin ko." Umiling ako rito.
"Ay hindi ko po kailangan ng cellphone Sir." Napa-atras pa ako nang tumayo ito at naglakad sa aking direksyon.
Nang dalawang lakad na ito patungo sa'kin ay tumigil ito sabay lahat ng cellphone gamit kaliwang kamay nito.
"Naka-save ko na ang number ko sa phone. Hindi mo na kailangan na hanapin pa dahil ako lang ang nasa contract. Kapag may tumawag ang Dolion Gwapo sagotin mo kaagad Seina. Alam mo ba kung paano sagotin kapag may tumawag?" tumango ako.
Hindi ko pa rin kinukuha ko ang cellphone na hanggang ngayon ay nakalahad. Ayokong tanggapin ang cellphone lalo na at kilala lang namin ang pangalan ng isa't-isa. At baka may iba pa itong kailangan sa'kin kaya binibigyan ako nito ng cellphone.
"Ayaw ko pong tanggapin 'yan. Isa pa po hindi po tayo magkakilala para tanggapin ang cellphone. Nakakapagtaka rin po hindi niyo po ako kilala pero bakit binibigyan niyo ako ng cellphone? Apple po 'yan...mahal po 'yan para ibigay sa kakilala pa lamang."
Binaba na nito ang kamay na nakalahad. Nangangawit na yata ang kamay nito.
"Ibibigay ko ang cellphone Seina para hindi ka na pumunta rito. Ipapahiram ko na lang para hindi ka masyadong ma-ilang. May load na 'yan." Bumalik ito sa desk nito at may kinuha na naman ito rito.
"At ito ang charger." Napakunot ang aking noo ng makita na sobrang kintab pa ng charger mukhang bago o kakabili pa lang.
Kinuha ko ang cellphone at sinusi ito.
"Bago 'to ah?"
"Marami akong pera Seina. Nabili ko 'yan last month sa pag-aakalang sira na ang cellphone ko. Hiramin mo na please... gusto ko rin malaman ang ginagawa mo Seina. At mas ma kilala ka." ako na ang nag-adjust kay Dolion ako na ang nag-iwas ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/261117386-288-k460602.jpg)
BINABASA MO ANG
Decieved(Gaisano Series #2)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...