Hindi pa iyon lamang natapos sa simpling pag-ayaw ng Mama ni Trinity. Panay din ang insulto nito sa amin ni Mama at sa akin. Pero papakapal ako kahit pa sa gitna ng narinig namin.
“Pasensya na Seina ito lang talaga ang pweding kwarto. Alam ko na masikip pero sana kahit papano ay makatulong ako. Maiiwan ko na muna kayo Seina at kukuha ako ng extrang kumot at saka unan. Huwag mo na ring pansinin si Nanay,” mapait akong ngumiti at tumango.
“Salamat nga pala Trinity. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung hindi dahil sa tulong mo,” umiling lamang ito sa akin.
“Sino pa ba ang magtutulungan? S'ympre tayo lang ding magkaibigan Seina. Sige na huwag ka nang madaming hanash at kukuha na ako ng kumot baka paiyakin mo pa ako,” sinara ko ang pinto.
“Uuwi na lang siguro tayo sa probinsya kila Nanay,” ani nito saka napatingin sa kapatid ko na tahimik lamang ganito din si KC.
Bakit ba kasi nangyari 'to sa amin? Bakit kung kailan na problemadong problemado ako mas lalo pang dinadagdagan ang problema? Nabalik ako sa realidad ng may tatlong beses na kumatok sa may pinto kaagad ko naman na binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang kulay puting unan.
“Kunin mo please...” iyon naman na agad ang aking ginawa.
Kinuha ko ang unan na hawak hawak nito. Saka ko pa lamang nakita ang mukha ni Trinity.
“Kung may kailangan kayo Seina tawagin mo lang ako,” tumango ako.
Hinintay ko na maka-alis ng tuluyan si Trinity bago ko ulit sinara ang pinto.
“Ang problema lang natin Seina ang pamasahe papunta sa probinsya. Manghiram ka kaya kay Trinity ay huwag na lang pala baka sabihin ng Mama nito na abusado,” mahinang sabi ni Nanay.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga ngayong araw. Tinignan ko si Nanay ng maramdaman ko ang pangangati da bandang leeg ko.
Naramdaman ko agad ang malamig na bagay na nanggaling sa necklace na bigay ni Dolion.
“Ito po necklace Nanay nanggangati leeg ko hindi yata sanay.” Ani ko sabay hawak ko sa necklace na dahilan kaya nakalabas na ang aking necklace.
Nanlaki ang mata nito at agad na lumapit sa aking direksyon. Malakas naman na kumalabog ang aking dibdib lalo na sa paraan na tingin na ginagawad ni Nanay sa akin.
“Saan ka galing n'yan? Totoo ba 'yan Seina? Nakaw mo pa 'yan?” sunod-sunod na tanong nito.
Ang higpit ng pagkakahawak ni Nanay sa necklace kaya naging dahilan kaya mas lalo pa akong napapalapit kay Nanay. Titig na titig ito sa necklace na tila doon naka-base ang buhay nito.
“Ibenta po natin Nanay o kaya prenda niyo po sa mga pawnshop kung hindi ka po makahanap ng buyer. Sabi kasi sa akin nang nagbigay na malapit na daw magkalahating milyon ang necklace Nay,” mas lalo pa lamang nanlaki ang mata ni Nanay sa narinig.
“Hahanap kaagad ako kinabukasan ng bibili nito Seina. Galing ba 'to sa walang bayag na nakabuntis sa'yo?” tumango ako kay Nanay bilang sagot. “Mas mabuti na rin na ibenta ito kaysa sa may ala-ala ka pa di'yan sa walang bayag na 'yan at kahit papano ay makatulong naman siya. Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Seina at bakit ka nagpabuntis?” naiiling na kinuha nito ang necklace sa aking leeg.
Hindi na ako kumibo pa kay Nanay dahil alam ko na mali naman talaga ako. Bakit pa kasi ako nagtiwala sa matatamis nitong salita? Ni hindi man lang ako nagtaka kung bakit ayaw nito pag-usapan ang pamilya nito. Una pa lang kasi dapat ng dinala ako nito sa floaty house dapat doon pa lang sinunod ko ang aking paghihinala.
BINABASA MO ANG
Decieved(Gaisano Series #2)
RomanceThis is for mature readers.This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not suitable for young and sensitive readers.This story also contains violence and offensive words that you readers find...