CHAPTER 9

979 18 8
                                    

Pareho kaming hubad ni Dolion sa loob ng kumot. Nakahiya ako ngayon sa malapad nitong katawan. Naririnig ko ang paghinga nito nang maluwag. Lalo na at katapat ko lang ang dibdib ko.

“Sana huwag magtaka si Nanay sa mga binibigay at pinamili mo sa amin. Sobrang maraming salamat sa tulong Dolion.” Hindi ko nakikita ng reaksiyon nito lalo na at kaharap ko ang malapad nitong dibdib.

“I am willing to help Seina. Isa pa I don't want you being tired. Mas gusto ko pa na kasama ka palagi. Gumagaan ang pakiramdam ko Seina.” Napangiti ako at lumalakas ang kabog ng aking dibdib.

Ibinaon ko ang aking mukha sa dibdib nito dahil sa totoo lang kinikilig ako sa mga pinagsasabi nito. Mas lalo lang yata akong nahuhulog.

“Ako rin. Hindi sa ayaw kung magtinda pero Dolion gusto kung lagi kang kasama. Nakakalimutan ko ang problema ko financially at gumagaan ang pakiramdam ko,” pag-amin ko rito.

“Mahal kita Seina tandaan mo 'yan.” Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

“Dolion baka iniisip mo sa sinabi ko kanina na pera lang ang sadya ko. Hindi sa ganoon iyon Dolion,” sabi ko.

“I know, Seina. I wouldn't think that way. Let's rest. Then will cook lunch together. How about that?” nakangiti akong tumango.

Pinagsiksikan ko pa lalo ang aking sarili. Mulat na mulat pa rin aking mata ng maramdaman ko ang mabibigat na paghinga ni Dolion. Ibig sabihin lamang na tulog ito. Bumangon ako at naglakad patungo sa may banyo para makaligo.

Bumalik ako na bihis na bihis na. Sa tagal ko na pumupunta rito ngayon hindi ko pa nalilibot ang buong silid nito. Alam kung wala akong katapatan na buksan ang closet nito I kahit ano sa mga gamit nito pero may narinig akong tunog na nagmumula roon.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib habang binubuksan. Dahil tumutunog pa rin ito at umiilaw nakita ko ito sa may bulsa ng pantaloon. Kinuha ko ang cellphone.

Tumigil yata ang paghinga ko nang makita ko ang caller. Ang caller na nakalagay ay Love. Nang tignan ko si Dolion unti-unti na itong nagmulat ng mata. Huli na ang lahat para umiwas pa ako ng tingin dito.

Nanlalaki ang mata nito at walang paki-alam kung hubad nito. Mabilis nitong kinuha ang cellphone. Nakatingin lang ako sa papalayong bulto nito. Nagmadali ito sa pagsuot ng boxer. Dahil gulat pa rin ako sa aking nakita.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan at sinundan ng tingin si Dolion na nagbukas ng pinto. Nagmadali ako sa pag-upo dahil sa panghihina ng aking tuhod. Napakapit ako kumot. Hindi ko marinig ang pinag-iiy ng mga ito dahil sa hina ng boses ni Dolion habang sinasagot niya ang tawag.

Baka masabihan ako ni Dolion na selosa. Isa pa nakaharap si Dolion sa akin. May ngiti sa labi nito habang kausap ang nasa telepono. Nag-iwas din ako ng tingin. Humiga na ako sa kama at kung ano-ano ang ginawa kung posisyon hindi pa rin ito natatapos sa pakikipag-usap.

Tumayo ako. Lumabas ako ng silid. At kumuha ng pweding kaining junkfood na nasa cabinet. Binuksan ko ang junk saka nagtungo sa ref para kumuha ng softdrink. Bumalik ako sa loob na tumatawa na si Dolion.

Nagyuko ako. Umupo ako sa kama at isinandal sa may headrest ang aking katawan. Panay pa ang tingin ko sa orasan sa may side table. Gusto ko mainis na ayaw ko. Naubos ko na ang junkfood at softdrink hindi pa rin ito natatapos sa pakikipag-usap.

Gusto ko ulit na tumayo para lumapit pero may kalahati sa akin na huwag. Ayaw ko na maisip nito na selosa ako. Baka ayaw nito ng selosa at hiwalayan ako. Isang oras at labing isang minuto itong nakikipag-usap sa tumatawag na caller na si Love.

“Sino 'yong si Love?” hindi maiwasan na lumabas 'yon galing sa aking bibig.

“Hm? Are you jealous Seina? Lovely or Love is just my friend Seina. A long time friend.” Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin sapat na manatag ako.

Decieved(Gaisano Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon