KABANATA 5

284 13 0
                                    


NAPATINGIN ako sa babaeng sumusugod na palapit sa akin habang namumula ang mata at lumalabas ang pangil?

"REDEILYN? ANONG GINAGAWA MO DITO?" takang tanong ni prinsepe sa babaeng namumula sa galit

"how dare you bitch" sabi nito sa akin at humagis ng apoy mabuti nalamang at nakailag ako pero natamaan ang mga nag-aaral ukol sa mahikang nakakagamot kaya natahimik ang lahat

"YOU WILL TASTE MY WRATH!" sigaw nito sa akin at agad akong binato mabuti nalang at agad akong nakasakay sa broom at pinalipad ito.

Mas lalo ata itong nagalit kaya sunod sunod na fireball ang tinira niya sa akin.

Napatingin ako sa baba at nagkakagulo na ang mga witch.

'mabuti nalang at sinanay ako ni kuya andrew kung paano umilag'

"arggghh!!" hiyaw nito at ngayon ay napapaligiran na nang apoy. Alam kong maharlika ang babaeng ito kaya nakakagawa siya nang apoy. Tumakbo ito kaya naman hindi ko siya masyadong makita liban sa kapa niyang kulay pula marahil ay ito ang kasoutan ng mga bampira

"BITCH!" nanlaki ang mata ko nang sinampal ako nito at dahil hindi ko napaghandaan ay nahulog ako.

"STAY AWAY FROM MY MATE!" sabi pa nito at akmang babatuhin pa ako ng fireball ng may isang wind shield ang humarang dito at napatingin ako kay wella na nakaangat ang kamay habang puti ang mga mata.

Pinikit ko ang mga mata ko para kung sakali na mahulog ako ay hindi gaano masakit pero ganon na lamang ang pagkamangha ko nang may malambot na bagay akong nasakyan. Kulay puti ito at agad ko itong yinakap ng mahigpit

'kuya andrew'

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko marahil dahil siguro sa sobrang dami ng naubos kong kapangyarihan dahil pinahilom ko pa ang lapnos sa pisngi ko na galing sa kamay ng babae

"k-kuya a-andrew. Bumalik ka!" huling sabi ko bago nawalan ng malay.

~~~~~~~~

WELLA P.O.V

NAGLALAKAD kami kasama ang mga maharlika papunta sa building naming mga witch dahil gusto daw nilang makita kung paano mamuno ang kuya kong mahangin

"excited na akong makita si prinsepe wind na mamuno" natatawa na sabi ni earah pero sinamaan ito ng tingin ni redielyn

'siya si shakia redielyn, ang prinsesa ng mga bampira at ang mate ng kuya ko'

"do you like him?" seryosong tanong nito kaya umirap si earah. Ang prinsesa ng mga lobo

"ano ka ba naman sha! Ako magkakagusto don tsaka isa pa akala ko ba ayaw mo sa witch" napangiwi ito at tumalikod kaya natawa kami ni earah.

'earah is my bestfriend in royalty'

"paano kaya mamuno ang mahanging yun?" tanong ni fredo na tinawanan ni evan

"sigurado puro pagwapuhan lang yun"

"di hamak na mas gwapo ako don diba earah?" natawa ako ng umikot ang mata ni earah.

PAGDATING  sa loob ay nagulat ako sa nakita. Nagkakagulo ang mga witch at si sha na may hinahabol sa taas ng fireball niya. Nanlaki ang mata ko ng nakilala ang nakasakay sa broom stick

"wayesha?" nakakunot-noong sabi ni earah kaya nagharap ako sa kaniya

"kilala mo siya?" tumango ito sa sinabi ko. Akmang tatanong pa ako ng biglang mag-anyong lobo si kuya evan. Ang prinsepe ng mga lobo

Umangil ito at tumakbo kaya napatingin ako sa tinatakbo niya at nahulog pala si wayesha. Nakita kong papatamaan pa ito ni sha ng fireball kaya gumawa ako ng windshield at boung pwersa ko itong inilagay doon.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon