NAGLAKAD pa si gladyz hanggang sa makita ko si wella sa malayo.
"wag na wag kang aamin na ikaw ang totoong wayesha maliwanag?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero agad itong napalitan ng pagkagulat nang bigla itong magpalit anyo at kamukha ko na siya
"diba! Ayos" tawang-tawa na sabi nito pero agad itong tumawa nang makita na natulala ako
"sumakay ka na lang ha!" huling sabi nito at agad na naglakad kaya sumunod ako
"wayesha! Nakita mo ba sila?" bungad ni wella nang makalapit kami ni gladyz
"hindi eh! Ikaw ba?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Lumapit ako sa kanila at napaatras si wella nang makita ako
"SINO KA!" sigaw ni wella at agad na naglabas ng windshield. Napatingin ako kay gladyz na kumindat kaya napabuntong-hininga ako.
"ako ito kamahalan!" kumunot ang noo ni wella at umiling
"HINDI! LUMAYAS KA DITO KUNG AYAW MONG MAMATAY"
"Wella?" napatingin ako kay earah na bagong dating lang at tumingin sa akin at napaatras din
"s-sino ka? Bakit kamukha mo si wayesha?" tanong nito kaya yumuko ako
"mahal na prinsesa earah. Ang prinsesa ng kahariang wolland. Bunsong anak—sapat na ba yan para patunayan na ako si wayesha?"
Umangal si gladyz at umiling
"kamahalan! Lahat ng tao alam na prinsesa ka" nakita kong napaisip si earah at tumango
"TAMA SIYA IMPOSTOR! UMALIS KA NA KUNG AYAW MO MASAKTAN!"
"EARAH! WAG!" napatingin ako sa bagong dating. Ang apat na prinsepe kasama si redielyn na akay-akay si wind
"ang bigat mo naman wind!"
"mahal mo naman"
"tapos?"
"ang gwapo ko"
Nakita kong umirap si red sa tinuran ni wind.
"wayesha?" napatingin silang lahat sa akin bago kay gladyz na mukhang ako
"m-may kambal ka wayesha?" sabi ni fredo na kinatikim niya ng sapok mula kay wind
"wala ka talagang utak isda! Walang magkamukha sa boung arcadia"
Tiningnan ito ng masama ni fredo
"ikaw ang walang utak! Di mo ba naisip na marami na akong chick para isipin pa kung sino ang may kamukha sa boung arcadia" paliwanag na mukhang kinagalit ni wind
"anong gwapo? Ako lang gwapo dito oyy!"
"ako kaya!"
"ako!"
"ako!"
"sinabi nang ako eh!"
"ako nga----"
Napatigil ang dalawa ng may apoy na dumaan sa pagitan nila
"kapag hindi kayo tumigil! Uubusin ko ang dugo niyo"
Nakita ko ang pagputla ng mukha nilang dalawa sa sinabi ni sean
Nang kumalma ay pinatay na din nito ang apoy na nasa kamay nito
Lumapit sa akin si red at tiningnan ako sa mata
"ito ang totoong wayesha" kalmadong sabi nila kaya napatingin sa amin
"a-ako ang totoong wayesha! Ano bang sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng