Napatingin ako kay redielyn na naglakad papunta sa akin"nais mong pumasok sa silid ng isang lalaki? At sa prinsepe pa"
Nagflip ng hair sa akin si red at inirapan ako
"hindi mo ba alam na isang kalapastanganan ang iyong gagawin"
"h-hindi"
"now you know. Kapag babae at lalaking nilalang ay natagpuan sa isang silid na walang kasama ay ibig sabihin na binigay niya na ang kaniyang sarili sa kaniyang kasama"
Tumingin sa pintuan ni wind si red at nagsmirk na humarap sa akin
"kapag pumasok ka sa silid na iyan ay ibig sabihin ibibigay mo ang sarili mo sa pangit na yan"
"h-hindi mahal na prinsesa may nais sana akong itanong sa kaniya"
"kung ano man iyan ay ipagpabukas mo na lang" tumalikod si red pero muling humarap at nagsalita
"oo nga pala. Kung magkakagusto ka nalang sa lalaki. Wag si wind. Maiistress ka lang sa kahanginan niya"
Tiningnan ko nalang ang likod nito at napabuntong hininga bago muling bumalik sa silid at natulog na
***
Kinaumagahan ay ako ang naunang bumaba sa hapagkainan at doon ko nakita ang reyna na nagluluto
"natitiyak kong masasarapan ang inyong panauhin mahal na reyna freina"
Natawa ang reyna at tumango
"mabuti na lamang ay natuto ako sa pagluto dahil kay ate allysa""kawawa ang sinapit ng pamilya ng iyong kapatid mahal na reyna"
"siyang tunay. Hindi ko nga aakalain na ang palasyo ng mga lobo ay kakampi sa kalaban"
Napaharap sa akin ang reyna at ngumiti
"naririyan ka na pala, halika na at umupo ka. Tikman mo ang aking munting handog"
"maraming salamat po kamahalan"
"wala iyon. Sige na" ngumiti ako at tinikman ang niluto nito
"gulaman ang tawag diyan iha. Gawa siya sa mga agar-agar"
Napahinto ako at napaisip 'mukha naman siyang masarap'
"pasensya ka na iha! Iyan lamang ang makakain sa aming kaharian"
"ayos lang po basta huwag niyo na lamang po sasabihin sa kanila kung saan nagmula ang inyong ihinandog sa amin"
"bakit naman?"
"minsan po kasi may mga pagkaing ayaw natin dahil alam natin kung saan nagmula kung kaya't kahit hindi pa natin ito natitikman ay aayaw agad tayo"
Nakita kong ngumiti ang reyna at pinunasan ang luha
"a-ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo umiiyak?" umiling ang reyna at ngumiti
"naalala ko si ate allysa sa iyo. Ganyan na ganyan siya noon sa akin"
Napayuko ako at nalungkot din sa sinabi ng reyna. Akmang sasalita pa ako ng may humahangos na dumating
"WAYESHA!" napalingon ako kay freya at agad na ngumiti
"magandang umaga" biglang salita ng mga prinsepe na nasa baba na pala ng hagdan
"wayesha! Maaari ka bang sumama muna sa akin?" napaisip ako sa sinabi nito at lumingon sa mga maharlika na kasalukuyang kumakain
"sige! Pero sandali lang tayo ha?" tumango si freya at agad na akong hinila
Marami kaming nasasalubong na yumuyukod kay freya na ginagantihan naman nito ng ngiti
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasíaSi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng