THIRD PERSON P.O.VMahabang katahimikan ang namayani sa Academya nang mawala sina Santi kasama ang iba pang estudyante na sina Samantha, Farrah at Andrew.
Hindi makapaniwala si Sean na wala man lang siya nagawa sa kaisipang napahamak ang kaibigan niya. Napatingin siya kay Ellise na ngayon ay masama ang tingin sa kaniyang kapatid.
"DEMONYO KA! ANAK KA NANG DEMONYO! DAPAT SUMAMA KA NA DOON!"
Hindi umimik ang kapatid niya at sa loob ng ilang taon niyang pagkakakilala sa kapatid ngayon niya lamang ito nakitang nangilid ang luha.
"Hindi.niya.ako.anak!" madiimg nito at bigla nalang nagteleport. Walang nagawa si Ellise kundi ang umiyak dahil nahahabag at natatakot siya sa mangyayari sa mga kaibigan.
Ang Reyna namang si Allysa ay bigla na lamang napaluha.
"TULOY ANG KAARAWAN NI PRINSESA ALLYCA ALINSUNOD SA PROPESIYA! AT BUKAS DIN NATIN PAPANGARALAN ANG KABAYANIHANG GINAWA NI WAYESHA SA ATING MINAMAHAL NA PRINSESA!" Bigla na lang ito naglakad at iniwan si Allyca na ngayon ay hindi makapaniwala.
"Nagawa niyang magpanggap na ako upang mabuhay," bulong nito sa hangin.
Samantalang sa kabilang dako naman ay napadilat si Wayesha nang magsalita si Santi.
"Maligayang pagdating sa aming palasyo kamahalan!" natatawang saad nito.
Tumingin sa paligid si Wayesha at puro patay na puno ang kaniyang nakikita. Wala ding araw at puros kadiliman lamang ang kaniyang nakikita.
"MGA KAPWA KO BAMPIRA! NANDIRITO NA ANG SAGOT SA ATING HINIHINTAY NA KALAYAAN!" Nagsingisian ang mga bampira pero hindi man lang ito natakot si Wayesha.
"Bukas! Sa pagsapit ng kaniyang kaarawan! Ang araw din na magiging reyna siya at magiging kabiyak ang itinakda sa kaniyang si Prinsepe Andrew!" Natigilan si Wayesha at napatingin kay Andrew na nakayuko lang.
"HINDI!" natigil sa pagdiriwang ang mga tao nang sumigaw si Wayesha.
WAYESHA P.O.V
"HINDI!" malakas kong sigaw na kinatigil nang lahat.
"HINDI AKO PAPAYAG NA MAGING KATULAD NIYO!"
Napabaling ako sa kabila nang makatikim ako ng sampal kay SANTI."Wala kang galang! At anong hindi! Wala ka nang magagawa"
"MERON!" Sigaw ko. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin basta bigla nalang may Enerhiyang lumabas sa katawan ko at hinayaan ko itong lumabas.
Nakita ko ang takot sa mata ni SANTI maging ang mga kapwa nito bampira at may kung anong pwersa ang nais kumawala na hindi ko makontrol sa aking katawan kaya pinabayaan ko itong lumabas.
3rd Person P.O.V
NAGULANTANG ang lahat nang makita ang pagliwanag ni Wayesha kasabay ang pagbabago nitong anyo. Naging pula ang mata nito na nanlilisik. Humaba din ang kuko nito na animo'y isang paa nang lobo. Humaba din ang pangil nito at may awra na nakapalibot dito maging ang apat na birtud ay lumulutang hanggang sa pumasok ito sa kaniyang katawan. Kasabay noon ay ang pagkabasag nang mga poste sa paligid kaya agad naman na naalarma ang hari ng mga bampirang itim.
"ITALI SIYA! DALHIN SIYA SA MALAKING SALAMIN!"
Agad na nagsikilos ang mga Bampira pero sa lakas ni Wayesha ay halos walang makalapit maliban sa isa kay Andrew .
Nang makalapit si Andrew ay agad niyang iginapos si Wayesha na nagpupumiglas at puro ungol lang ang maririnig mo dito. Hindi ungol nang nasasaktan kundi ungol nang nang galit at pighati. Ilang sandali pa ay madami na nga silang bampira ang nagtulong-tulong.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng