KABANATA 18

266 7 0
                                    

PAGDATING namin sa academya ay katahimikan ang bumungad sa lahat at may mga estudyante rin kaming nakakasalubong pero agad na yumuyuko at bakas sa kanilang mga mata ang luha

"academya ba talaga ito?" tanong ni bianca na siyang kinakibit-balikat ng mga maharlika

"hindi namin iyan masasagot pero ang headmistress, nakakatiyak akong maisasagot niya iyan" sabi ni wind na kinatango ng kambal

"WAYESHA!!" sigaw ng isang babae mula sa kalayuan at doon ko nakita si chariz na kasama si gladys na walang imik na nakasunod lamang dito

"ano kamusta?" masayang ani nito pero agad ding natahimik nang mapansin niya ang awra ko

"m-may nangyari ba?" nagtatakhang tanong nito

"marahil ay katulad ng nangyari sa kaharian nila prinsepe fredo ang nangyari" sabi ni gladyz na siyang kinayuko nila

"halika na. Natitiyak kong hinihintay na tayo ng headmistress"

Tumango ang lahat at nagsimula nang maglakad

"wayesha? Ayos ka lang ba?" tanong uli ni cha pero katulad kanina ay hindi na ako umimik

"m-may galit ka ba sa akin?"

"sana matuto kang makiramdam binibini, wag piliting magsalita ang ayaw magsalita" -blanca

Natahimik si cha sa sinambit ni blanca na nauna nang naglakad sa amin

"pasensya na sa kaniyang tinuran binibini. Ako nga pala si bianca at yung masungit na iyon ang kambal ko si blanca"
Paliwanag ni bianca habang nakangiti

"g-ganon ba. Ako si chariz" inabot nito ang palad kay bianca "anong gift ang meron ka?"

Lumaki ang mata ni bianca at namamangha na tinuro si cha

"papaano mo nalaman yun? Mind reader ka ba?" tumawa ang tatlo at nagsimula nang maglakad papalayo sa akin kaya mag-isa na naman ako

Iniisip ko ang sinabi nila ina. Bakit kaya ako ang hanap ng mga bampirang iyon?

Sa sobrang kakaisip ay hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng silid ng headmistress kaya pumasok na ako at umupo dahil nakaupo na din ang mga maharlika. Sumunod na pumasok si cha at gladyz at kasunod sina blanca at bianca

"maligayang pagdating blanca at bianca" pagbati ni headmistress dito

Tumango si blanca habang ngiting ngiti si bianca

"salamat sa pagbati"

Bahagyang natawa ang headmistress at tumingin sa akin kaya nawala ang ngiti nito

"i-ikinalulungko---"

"wag" putol ko sa sasabihin ng headmistress

"hindi ko kailangan niyan headmistress. Hindi na niyan maibabalik ang buhay nang nawala"

Yumuko si headmistress at natahimik pero agad din itong nawala nang nagsalita si bianca

"ako nga pala si BIANCA! ang gift ko po ay supporting magic at kaya kong palakasin ang inyong kakayahan yun nga lang ay hindi siya tatalab sa birtud dahil likas na sa mga taong may hawak ng birtud ang kanilang lakas"

Nakita kong ngumisi si earah

"sige nga, kung totoo ang iyong tinuran. Nais kong ipakita mo sa akin ang iyong kakayahan"

Ngumisi si bianca at tumango

"shakia?" tanong nito kay redielyn na tinaasan lang siya ng kilay

"ikaw ang nanghamon bakit sa akin mo inasa"

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon