WAYESHA P.O.VNAPADILAT ako ng mata at bumungad sa akin si headmistress na nakahiga sa aking kama. Tumingin ako sa paligid at nasa silid pala ako
"wayesha? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nito kaya umiling ako
Dahan dahan akong bumangon at inalalayan naman ako nito
"ayos ka lang ba?" muling tanong ni headmistress kaya ngumiti ako
"opo. Nasaan po sila?" tanong ko dahil kadalasan kapag nahihimatay ako ay laging sila ang nabubungaran ko
"maayos ang inyong misyon—naibalik ang gifted ng matiwasay iyon nga lang ay marami ang nalulungkot sa boung academya. Naroroon lahat ng nga estudyanteng nasawi ang pamilya sa quadrangle"
"si f-farrah po?"
"nandoon din"
Agad akong tumayo at lumabas. Nakita ko pang pinipigilan ako ni headmistress pero hindi ako nagpaawat
Bumungad sa akin ang maraming estudyanteng umiiyak ng makarating ako sa quadrangle. Hinanap ko si farrah at nakita ko itong kasama ni ellise. Agad akong lumapit at sinunggaban ng yakap
"w-wayesha" sabi nito at agad umiyak. Hinagod ko ang likod nito at pinaramdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa
"iiyak mo lang yan farrah. Bukas mawawala din iyan"
"w-wayesha, paano na ako?" iyak pa rin nito kaya nagkatinginan kami ni ellise
"wag ka nga ganyan farrah! Andito kami ni wayesha oh!"
"p-pero i-iba p-parin k-kapag p-pamilya"
Binatawan ko na ito ng yakap at hinawakan ang kamay nito
"farrah, matagal na din akong walang pamilya. Pero nabuhay naman ako diba?"
Umiyak ito kaya niyakap ulit namin
"NA-NAKIKIRAMAY PO AKO SA LAHAT NG MGA NAWALAN"
napatingin kaming lahat kay fredo na ngayon ay namumula ang mata
"MASAKIT PARA SA ATING LAHAT ITO DAHIL MAY MGA KAIBIGAN, KAPATID AT KAPAMILYA TAYONG NAWALAN PERO HINDI NATIN DAPAT ILUGMOK ANG ATING SARILI SA LUNGKOT"
Humarap si fredo sa lahat pero may isang tumayo sa upuan
"SINASABI MO LANG IYAN KAMAHALAN DAHIL HINDI KA NAWALAN!!" sigaw ng lalaki na sa tingin ko ay fairy din.
Nakita kong kumislap ang mata ni fredo at yumuko pero agad naman itong nawala
"H-HINDI PO TOTOO YAN! NAG-IISA MAN PO AKONG ANAK NG HARI AT REYNA PERO MAY MGA PINSAN PO AKO. ALAM NINYONG LAHAT KUNG ANONG DAGOK ANG NARAMDAMAN KO NANG MAWALA SI ALLYCA"
natahimik ang lahat maging ako dahil sa mukha ni fredo ay hindi halatang mag-oopen up siya sa lahat
"MINSAN NA AKONG NAWALAN. ANO PO SA PALAGAY NIYO? KUNG DALAWANG PINSAN KO NA ANG NAWALA"
Natahimik ang lahat at ang maririnig mo nalang ay ang hagulgol ni fredo
"nang mawala si allyca ay ang kapatid niya nalang sa labas ang naiwan na siyang tinuring ko na ding kapatid. At opo"
Tumingin ito sa lahat at tinaas ang kamay at lumabas sa screen si freya na walang malay malapit sa amin
"p-pinatay nila ang dalawang magkapatid. Una si allyca at ngayon ay si freya"
Naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko at ang pagsakit ng dibdib ko. Naalala ko ang mga oras na kasama ko si freya. Bakit ang aga niya naman atang mawala?
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng