MAKALIPAS ANG ILANG linggo ay wala pa rin kaming balita ukol sa taong pinapahanap sa amin"parang wala namang gumagamit ng majika sa paaralang iyon" sabi ni fredo.
"wala ding estudyante ang may kakaibang presensya sa agriculture" mababang saad ni earah
"kailangan nating magtyaga mga kasama sapagkat ang boung arcadia ang nakataya dito"
"tama si evan, kailangan nating magtyaga para sa kinabukasan ng arcadia"
Tumango ang lahat sa sinabi ni wella. Tumayo si sean at pinasok ang kamay sa dalawang bulsa
"alas otso na. Magsimula na tayong maghanap" sabi nito
"subalit hindi ba't social night mamayang gabi?" biglang saad ni earah kaya napatigil si sean
"tama si earah, sean. Dapat siguro ay magpagwapo muna kayo ng mapantayan niyo ang kagwapuhan ko" mayabang na sabi ni wind na kinairap ng lahat
"baka kahanginan" sabat ni red kaya ngumusong humarap si wind dito
"kahanginan man sa iyong paningin pero minahal mo na rin" sabi nito at kumindat kay red na kinainis ng isa
"yudieeeh si kuya bumabanat" sabi ni wella kaya humalakhak kaming lahat
"kaya pala nabanat na ang kaniyang balat" sabi ni fredo kaya mas lalo kaming natawa
"pero hindi ba't mas mahalaga ang paghahanap sa isa pang gifted?" natahimik ang lahat sa tinuran ni evan
"tama si kuya. Paano tayo makakabalik sa arcadia?"
"pero earah. Minsan lang ito. Minsan lang tayo makapunta sa lupa"
"wella is right" sabi ni red at umirap
"i will go to mall, if you want to come then you can come"
Mabilis pa sa alas kwatro na nagsilipana ang mga kasamahan ko sa mansyon liban nalang kay sean na malalim ang iniisip
"sean?" tawag ko dito pero hindi siya umimik kaya naman lumapit ako sa kaniya
"sean ayos ka lang po ba?"
Halatang nagulat si sean sa pagsalita ko sa harap niya dahil lumaki ang mata nito at bahagyang napaatras
"ayos lang ako wayesha. Iniisip ko lang na dapat siguro ay madaliin natin ang ating misyon"
"bakit?"
"may nararamdaman akong hindi maganda" sabi nito at tumalikod
"anong ibig mong sabihin kamahalan?"
"hindi mo na kailangan pang malaman wayesha" sagot nito at naglakad na palayo
ILANG sandali pa ay nakita ko na nga silang nakaayos na nang kasoutan. Nakalongsleeve na pula si redielyn at nakayellow naman na sando si earah habang off shoulder na damit si wella samantalang ang mga prinsepe naman ay nakapolo t-shirt
"wayesha?" napatingin ako ng tawagin ako ni fredo
"hindi ka ba sasama sa amin?" tanong nito na kinailing ko lang kaya nagkibit-balikat na lamang sila at nagpaalam na.
Naglinis na lamang ako ng boung bahay at nang matapos ay lumabas ako ng bahay dahil nais kong bumili nang makakain.
Pagdating ko sa grocery store ay maraming tao pero kahit papaano ay may madadaanan naman kaya naglakad na ako upang makahanap ng makakain sa bahay. Nang matapos ay napunta ako sa snack section at tumingin ng mga chichirya nang mapatingin ako sa tagusan ng estante.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng