KABANATA 25

248 11 2
                                    


AGAD nitong pinunasan ang luha at ngumisi.

"nandito kayo dahil gusto niyo akong mamatay!"

"hindi totoo yan!"

"totoo yun! Alam mo ba? Na kaya niyo ako kailangan dahil gagawin niyo akong pain?"

Napakunot-noo ako sa sinabi nito

"ipapain niyo ako para mabuhay kayong lahat!" sigaw nito kaya napayuko

"hindi totoo yan kamahalan. Kaya ka namin sinundo ay para tulungan kamong depensahan ang boung arcadia at hindi parang gawin kang pain"

"pero yun ang nakikita ko! At isa pa! Wala naman na akong babalikan sa arcadia!"

"meron kamahalan!"

"wala!"

"ang reyna!"

Napatigil ito at napaatras

"a-ang reyna? B-buhay siya?"

"oo kamahalan! At natitiyak kong kapag bumalik kayo ay muli siyang lalabas sa hawlang siya mismo ang gumawa"

Hindi ito umimik at tumingala lang

"sige! Sasama ako"

Napakunot-noo ako sa biglang pagbabago ng desisyon nito

"babalik ako sa arcadia pero nais ko sanang sa pagsapit nang unang araw ng pebrero ako tutungo doon"

"p-pero maaari bang ika-pito nalang?"

"hindi maaari!" sabi nito at tumalikod kaya naman tiningnan ko na lamang ito habang naglalakad palayo.

Pag-uwi sa amin ay nandoon na ang lahat at tila kakain na sila. "oyy! Bakit ngayon ka lang?" sabi ni fredo at agad ako nitong inakbayan

"kinausap ko ang prinsesa" Natahimik silang lahat at hindi nakaimik.

"a-ano sabi? Makakauwi na ba tayo?" nakangiting saad ni fredo na siyang unang nakabawi.

"sa totoo lang ay sasama na ang kamahalan pero sa unang araw nang pebrero niya nais bumalik"

"ha? Bakit? Anong meron sa araw na iyon?" tanong ni fredo na kinatango ng lahat.

"marahil ay nais niya munang magpaalam sa lahat" sabi ko na inayunan din nila. Tumalikod na ako at umakyat.

'kung gayon ay may isang linggo lang pala bago sasapit ang aking kaarawan. Nais ko sanang sa wiland iyon gunitain subalit parang hindi umaayos sa akin ang pagkakataon'

MAKALIPAS ANG ILANG linggo ay naging matiwasay naman ang aming buhay sa mundo ng mga tao at sa mahigit isang linggo na iyon ay hindi ko pinapansin si kuya andrew. Ewan ba. Masama talaga loob ko sa kaniya.

"ayesha!" napalingon ako kay kuya andrew at ngumiti pero tinalikuran pa din dito.

"ayesha galit ka ba?"

"ayesha may nagawa ba ako?"

"ayesha pansinin mo ako wag namang ganito oh"

"a---"

"alam mo girl wag ka magselos lalo na at wala ka sa lugar"

Putol ni allyca sa sasabihin sana ni kuya Andrew.

"Allyca" sambit nito

"alam mo kasi nagseselos siya. Tama ako diba Wayesha?" tanong nito sa akin kaya tiningnan ko ito nang walang emosyon.

"wala namang kayo diba? Bakit nagseselos ka?"

"ALLYCA! Ayesha mamaya na tayo mag-usap" sabi ni kuya andrew at hinila na paalis si Allyca.

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon