PAGKATAPOS kong madala sa clinic ay agad din akong lumabas dahil napagod lang naman daw ako.
"nakita kita"
Napalingon ako sa nagsalita at si wella iyon.
"mahal na prinsesa" sabi at yumukod pero lumapit pa din ito
"nakita ko kayo ni kuya, lumilipad"
Kinabahan ako sa sinabi nito dahil marahil nga ay nakita kami
"m-mahal--"
"wayesha, wag ka na magpaliwanag. Ang akin lang. Lumayo ka sa mga maharlika"
"b-bakit?"
"dahil kilala ko si redielyn. Kayang kaya ka niyang tutustahin kapag nalaman niya iyon" napayuko ako sa sinabi nito kaya tinapik nito ang balikat ko
"wag ka lang sana maging malapit sa kanila dahil wayesha may mga mate na kami. Wag na kayong makigulo" agad itong umalis matapos nitong sabihin sa akin iyon
"wayesha?" napatingin ako sa humahangos na si ellise at may kasama itong lalaki.
Cute ang lalaki at kasing height niya din. Maputi ito at singkit, itim din ang buhok nito
"ellise? Bakit?"
"si farrah"
"anong nangyari kay farrah"
Agad ako nitong hinila at pumunta sa oval
nandoon si earah na nalilisik ang mata
"farrah!" sigaw namin pero may mga baging na nakaharang sa amin
"wag niyong subukang lumapit!" sigaw nito
"earah! Ano ba itigil mo iyan!"
Napatiningin ako kay prinsepe fredo na nakatali. Sinusubukan nitong basain ang baging pero mas lalo itong lumalaki
"tama na fredo? For pete sake! Ipagpapalit mo nalang ako sa isang anak ng manggagawa pa!" sigaw nito
"mahal na prinsesa tama na!" nagulat ako ng biglang mag-anyong lobo si ellise. Kulay brown ang kulay nito.
Tinanggal nito ang mga baging at agad na sumugod
Nagpalit na din ng anyo si earah. Isa itong kulay puting lobo na medyo brown
Napatingin ako kay farrah na nahihirapan na huminga kaya hinawakan ko ang baging na nasa aking palad
'birtud ng lupa, pakiusap. Pakawalan ang aking kaibigan'
Nang mawala ang baging ay nalaglag si farrah dahil mataas na ang kinalalagyan niya mabuti nalang at ginawan nang water bed si prince fredo at doon nahulog si farrah
'farrah'
SHAKIA REDIELYN P.O.V
NABABANAS na naglalakad ako sa hallway pauwi sa dorm namin.
'kahit kailan talaga ang wind na yun!'
Naalala ko pa ang nangyari kanina. Magkasama kami ni wella at earah sa canteen ng biglang may lumapit sa amin si samantha
"princess earah ng wolland" sabi nito pero umirap lang si earah samantalang ako ay binigyan ito ng matalim na tingin
"talaga bang ayaw mo sa mate mo kamahalan kaya binibigay mo na sa iba?" tanong nito kaya napatigil kaming tatlo
"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni wella
"magkasama sila nang fairy na si-----"
"i don't care leave us alone" malamig na ani ni earah kaya naman tatawa tawang umalis si samantha
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng