TUMAYO din silang lahat ng nagtayo si fredo at agad na yumakap sa magulang nito
"kamusta ka na anak! Namiss kita" sabi ng ina niya
"ako din anak, maayos ba ang iyong lagay?" nag-aalalang sabi ni ama nito
Napangiti ako at pinagmasdan silang tatlo ng may imaheng lumabas sa isip ko
***
"kamusta ang iyong pagtungo sa kabilang kaharian munting prinsesa""maayos po ama" nakangiting sabi ng batang nakadilaw na damit pero malabo ang kaniyang mukha
"hindi ka ba pinahirapan nina enrico?" natatawang sabi ng babaeng nakapink na damit katulad ng kasoutan ko nang tumungo ako sa palasyo nina evan.
"hindi po ina" rinig kung sabi ng bata
"AYOS KA LANG BA WAYESHA?" napabalik ako sa realidad ng kinalabit ako ni freya kaya napatingin ako sa lahat na nakatingin sa akin kaya agad akong yumukod
"paumanhin, marahil ay napagod lamang po ako" narinig kong tumawa si fredo
"marahil ay hindi pa talaga siya sana'y na pumasok sa portal ina at ama. Hindi siya maharlikang katulad namin"
Napatingin sa akin ang amang hari at napalingon sa katabi ko
"freya? Anong ginagawa mo dito?"
"nais ko lamang mamasyal tito" sabi ni freya at nagpout kaya tinawanan ito ni fredo
"mga kaibigan, si freya pala. Pinsan ko" sabi ni fredo na agad umakbay kay freya
"ano ba naman fred! Amo'y putok ka" sabi nito at kumaripas ng takbo paalis kaya iling-iling naman si fredo na umakyat muli at tumayo sa tabi ng amang hari.
May dumating na mga babaeng nakataklob na kasoutan at may dala-dalang unan na inilapag sa likod namin
"maupo kayo" sabi ng hari kaya umupo kami doon ganon din ang hari na umupo sa trono
"ano ang inyong sadya?"
"kailangan namin pumunta sa decieving forest ama" sabi ni fredo na kumakain ngayon ng lato
"decieving forest? Anak, delikado doon"
"may kailangan po kaming sunduin mahal na reyna" sabi ni sean
Napatingin ako sa reyna na mababakas ang pag-aalala at muli na namang may imaheng lumabas sa aking isipan
***
"mahal anong gagawin natin!"
"akin na siya" sabi ng isang lalaki at hinila ang bata
"tumungo sa kaharian ng kapatid mo. Ligtas ka doon mahal"
"pero ayokong bumalik sa kabilang mundo"
"mahal! Kailangan mong umalis, wag ka mag-aalala aalagaan ko ang anak natin"
"ina! Wag po!"
***
Napahawak ako sa dibdib ko nang nanikip ito
"wayesha? Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni wella pero hindi ako umimik
'bakit may imahe akong nakikita? Ano iyon?"
"sige. Bukas na kayo tumungo doon at nais ko sanang mag-iingat kayo" tumango kaming lahat at tumayo
"maglibot tayo sa aming pamilihan" natutuwang sabi ni fredo at naglakad na palabas
Nang makaalis na sila ay muli akong lumingon sa likod at saktong nagtama ang mata namin ng reyna. Napabuka sara ang bibig nito at nasa mukha nito ang pangungulila na hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasiSi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng