KABANATA 19

250 8 0
                                    


MAKALIPAS ang isang linggo ay wala akong ibang nakausap na mga nilalang maliban sa mga nomes. Marami na din akong naging kaibigan sa kanila. Lalo na ang kambal na si althea at athena.

Narito ako ngayon sa ilog kung saan may malinaw na tubig na tinatawag na bukal. Dito nanggaling ang pangunahing tubig na umaagos patungo sa kaharian ng fairland. Tumingin ako sa tubig kung saan tanaw ko ang isang babaeng biglang nagbago. Ang babaeng may wagas na ngiti at kinang ng kasiyahan na makikita sa mata ay wala na bagkos, tanging pait, galit at pighati lamang ang iyong makikita

'kaya mo yan wayesha. Hanapin mo na lamang ang iyong pagkatao'

Napabuntong hininga ako sa sinabi ng isip ko

"wayesha?" napalingon ako at ang reyna pala ito kaya yumukod ako rito

"magandang umaga kamahalan"

Tumawa ito at sinipat ang paligid at katulad ko ay masasalamin din ang kalungkutan sa kaniyang mga mata

"alam mo ba na umaasa ako isang araw na babalik pa si haring alfred"

Napalingon ako sa malayo at ngumiti din ng mapait

"subalit wala na po siya" sabi ko dito na kinatango nito at ngumiti

"siyang tunay subalit hindi iyon ang aking nais ipabatid"

Napalingon ako dito at kumunot ang noo

"ano pong ibig ninyong ipabatid?"

"na isang araw ay makakalaya din kaming mga nomes mula sa kulungang ito at maibabalik ang kapangyarihan naming maging tagapamagitan sa apat na lahi na bumubou ng arcadia"

"sa tingin niyo po ba mangyayari iyon?" tanong ko na kinatango nito

"Oo. At malapit nang mangyari iyon"

Akmang sasagot pa sana ako ng umilaw na ang porselas na aking sout na ang ibig sabihin ay oras na sa misyon

"marami pa sana akong nais malaman subalit kailangan ko na pong lumisan"

Tumango ito sa akin at ngumiti

"hangad ko ang inyong tagumpay" sabi nito kaya yinakap ko ito at tumungo na sa lagusan

***

Pagdating ko sa bulwagan ay masama ang tingin sa akin ni earah maging ni red

"saan ka ba nanggaling?" tanong ni earah na ikinairap ni redielyn

"pabayaan niyo na siya" biglang salita ni headmistress kaya natahimik ang lahat

"mahirap ang misyon na ipapagawa ko sa inyo dahil tutungo kayo sa ibang mundo"

"ibang mundo?" nagtatakhang tanong ni wella kaya tumango si headmistress

"sa mundo ng mga tao"

Nanigas ako sa kinatatayuan at naramdaman ang paggalabog ng aking dibdib

"sa mundo ng mga tao napunta ang may hawak na copying magic at hindi pa ako sigurado kung naroroon pa rin ba siya o wala na"

"copying magic? Kung gayon ay kaya niyang kontrolin lahat ng majika?" tanong ni fredo na kinatango naman ni headmistress

"kaya pinaghanda ko kayo ng isang linggong pahinga dahil kailangan niyo nang pumunta sa lupa"

"ano? As in now?" tanong ni redielyn na kinatango ni headmistress

Nagulat kaming lahat ng bigla na lamang kaming nahulog at ang huli kong narinig ay ang sinabi nito na

"mag-iingat kayo at hanapin ninyo ang anak ko"

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon