KABANATA 22

247 10 0
                                    


"salamat kuya" ani ko kay kuya nang ihatid niya ako sa tapat ng tinutuluyan namin

"walang anuman iyon ayesha. Isa pa, malaki na ang pagkukulang ko sayo"

"wala na iyon kuya makita lang kitang masaya, masaya na din ako"

Tumawa si kuya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko

"oo naman alam ko naman na ako ang kaligayahan mo"

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya dagli akong tumalikod

"s-sige na kuya. Papasok na ako"

Narinig kong tumawa si kuya andrew kaya dali dali na akong pumasok at napasandal sa pinto. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang bilis nito

"wayesha?" napatingin ako kay earah at wella na ngayon ay nakatingin sa akin.

"m-may kailangan ba kayo?"

"sino ang humatid sayo?" napatingin ako kay earah pero agad ding umiwas ng tingin at tumayo ng diritso

"w-wala naman"

Nagtaas ang kilay ni earah at tiningnan ako na nang-uusig

"naamoy ko ang presensya niya wayesha kaya wag ka magkunwari"

Nanlaki ang mata ko nang maalala na isa palang lobo ang aking kaharap

"i-inaantok na ako. Mauuna na ako" akmang lalampas na ako sa kanila nang magsalita si wella

"nababatid ko na natagpuan mo na ang lalaking nagpapatibok ng iyong puso. Tama ba ako?"

Hindi ako nakaimik kaya nag-apir ang dalawa bago humalakhakan

"aaaatttt mararamdaman niya na ang mararamdaman natin"

Umiling na lamang ako sa asar ng dalawa at umakyat na lamang sa aking silid

KINABUKASAN ay maaga akong nagising at tumungo sa kusina subalit wala pang nagluluto. Si evan kasi ang nagluluto at dahil mas nauna ako ay ako na lamang.

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang mapangiti. Naalala ko kasi kung paano ako tingnan ni kuya andrew at nakakahiya man pero hindi ko siya magawang tingnan sa mata. Natatakot kasi akong madinig niya ang pagkabog ng aking dibdib

"wayesha, bata ka pa wag mo muna isipin ang pag-aasawa"

Nagising ako sa nakangising si earah at si wella na bumubungisngis

"maaari ko bang tikman?" tanong sa akin ni earah kaya tumango ako

"ako din! Nais ko din malasahan ang lutong dulot ng unang pag-ibig"

Sabay na nagtawanan ang dalawa habang ako ay iling-iling lang.

"oyy ang bango niyan!"

Napatingin ako kay fredo na bagong dating kasunod si evan

"ano yang pinagkakaguluhan niyo?" sabi ni evan at umupo na kaya umupo na din ang ibang kasama namin.

"kasi kuya itong si wayesha. Natagpuan na ang kaniyang mate" nakangiting sabi ni earah pero agad ding nawala nang nakitang dumilim ang anyo ng mga prinsepe

"isang tao?" tanong ni fredo

"malamang nasa mundo tayo ng mga tao" sabi ni wella pero umiling lamang si evan

"kung gayon, mabuti pa ay tigilan mo na yan" natahimik ang lahat ng magsalita si sean na kakarating lang. Nakasout ito ng t-shirt na kulay itim.

"pero sean! Ang mga babae ay minsan lamang umibig" -wella

"kaya nga marapat lamang na pigilan niya ito" -evan

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon